Kakatapos lang ng birthday ko kahapon. Isang buwan na rin simula nang may matuklasan ako. Kinain ko na lahat ng sinabi ko. Mukhang walang silbi ang puso kong 'to. Sa lahat ng magugustuhan, si Blue pa.
Ano bang special sa kanya? Ni hindi ko nga mahanap kung ano. Ni wala nga kong makitang maganda sa kanya pwera na lang sa pagiging mabait niya sa mga tao. Nakakainis. Masyado siyang mabait, hindi bagay.
Ang pinaka-nakakainis pa birthday niya noong nakaraan. I wasn't able to send my greetings on him, though may SNS naman. Wala I lost my courage para pindutin ang post button on his wall. Kaya nga nakakapinghinayang at nakakaawa ako. Simpleng bagay bakit ang hirap gawin? Bakit naging ganito ang lahat? Napakababaw na dahilan pero napakalaking impact sa puso kong di magkumahog tuwing nandiyan ang presensiya niya.
Last subject na ito ngayong Lunes. Excited na ang lahat umuwi maski ako. Sa wakas kasi tapos na lahat ng papers na pinagawa ng professor namin. Sobrang sarap sa pakiramdam na after pagpupuyat sa pagtapos ng mga ito, tapos na rin!
Pinuntahan ko sa kabilang silya ang mga kaibigan ko. Para tanungin kung sabay-sabay na kami baba. "Oo Tracy. Tapos na rin kami." anang ng isa kong kaibigan tumango ako para i-acknowledge ang sinabi niya
Maglalakad na sana ako pabalik, wrong move. Nasa harapan ko si Blue. At ang puso ko kung todo sa pagkabog pakiramdam ko 'yun na lang ang naririnig ko sa apat na sulok ng kwartong ito.
And in one swift move, nag-ala basketball player siya habang hawak ang kapirasong papel na nakabilog.
Shoot. Ang papel sa bintana. Nagulat ako nang bigla siyang tumitig sa akin, mas grabe ang tibok na nararamdaman ko sa aking dibdib. Tama na puso, tama na.
At mas lalo akong nawala sa sistema ng planetang earth. Ngumiti siya. Sa akin mismo, hindi sa iba, sa akin. Nang tugunan ko iyon di ko alam kung pilit ang ngiti ko. Then it suddenly struck on me, this guy has a look that you won't easily recognize unless you'll see him smile. Dang.
Bwisit na lalaking 'yun! Ginawa pang ring ang bintana. At ano siya nanalo na MVP para ngitian ako? Bwisit talaga! Gash, stop it heart baka mamaya takbuhan mo na ako niyan. Tigil na uy back to normal na!

BINABASA MO ANG
Lost In Words
Teen FictionMarami akong gustong sabihin sa'yo, alam ko kulang ang isang araw para malaman mo. At higit sa lahat mahihirapan akong tapusin ito kung wala naman talagang umpisa.