Walang pasok ngayon kaya nga masaya akong nakahilata sa higaan habang nagbabasa ng librong nabili ko sa bookstore. Di talaga ako bookish, it just happened na may nabili akong book na mura lang. Then the rest was history.Habang nakatitig sa pages ng book biglang nag-sink-in sa akin ang nangyari this week. What the heck talaga.
You can talk everything with your friends, right? Wala namang set of rules na ipinagbabawal para sabihin mo sa kanila ang iilng bagay, dahil una pinagkakatiwalaan ko sila. And this came up.
Gabi-gabi, it cause me horrible sleepless nights. 'Yung tipong matutulala ka sa kisame kahit madilim na at dapat ka ng matulog. Tapos ang masamang parte bigla-biglang mag-pa-pop out ang mukha niya sa isip mo?
That's when I realize why I happen to think of him every night, I have a crush with him. Iyon ang horrible truth na pilit kong itinatanggi pero huli na ang lahat. Kasi nagkalat na ng maliliit na cells ng paghanga sa sistema ko.
Kaya nga 'yun ang reason para mag-open up ako sa iilan kong friends. I spilled half of the truth about my real feelings and regretted saying it. Sana nilagyan ko na lang muna ng hole para at least di ko mahukay at ng masolo ko lang 'yung nararamdaman ko.
Because he also began isolating himself away from me. Nabuko na kasi ang nararamdaman ko for him. That jerk. Akala ko okay ang lahat.
Ni hindi ko naisip ang consequence ng bagay na 'yun. Akala ko babaliwain niya lang pero ramdam kong iyun ang naging dahilan kung bakit parang naging awkward na kaming dalawa sa isa't-isa.
Sino ba ang may kasalanan ako o ang mga (baluga) kong kaibigan? Tinabunan ko na lang ng libro nng mukha ko saka impit na tumili. Ako ang may sala! "Argggh!"

BINABASA MO ANG
Lost In Words
Teen FictionMarami akong gustong sabihin sa'yo, alam ko kulang ang isang araw para malaman mo. At higit sa lahat mahihirapan akong tapusin ito kung wala naman talagang umpisa.