Kadalasan sa buhay ng tao, hindi pabor ang lahat ng gusto mong mangyari. Kung may pagkakataon man ang possibility na maganap 'yun ay between 2 to 5 percent. Pwera na lang kung sasabayan mo ng dasal at kaunting pag-oorasyon, maaring maging effective siya.
But in my case? Well, I already know the outcome bago ko pa man ma-discover ang lahat ng alam ko. Ramdam ko nang sa huli, matatalo ako.
Mainit sa classroom sobrang init kasi ng panahon. Mabuti na lang may pamaypay na dala itong kaklase ko. Hiniram ko saka nagsimulang mag-palamig habang busy sa pakikinig sa professor namin na halatang bored na rin. Inaasahan ko na ang susunod na sasabihin niya.
"Copy what's written in the board. Lalabas lang ako sandali." at lumabas na nga siya, ganun naman siya simula pa lang ng semester. Noong una pa nga di na siya bumalik, tapos na pala siyang magturo.
Nakipag-usap ako nang kaunti sa katabi ko. Nagkwento tungkol sa mga bagay-bagay. "Tracy!" lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa akin
Di pa gaanong malinaw sa akin 'yung mga pangalan ng nandito. Basta alam ko, kilala ko sila sa mukha. More than that mahirap alalahanin ang names nila, specifically boys. Since di naman ako close sa kanila.
"Tracy!" muling sigaw mula doon sa kabilang row ng upuan
"Bakit?" tanong ko na lang sa lalaking pinanggalingan ng boses
"Crush ka daw ni, Blue!" tumaas ng bahagya ang kilay ko. Lalo pa nung umungal ang sinabi nilang Blue, isa siyang moreno, masama na kung masama pero di siya gwapo!
"Huh?" patay malisya kong sagot, maarte na kung maarte. Di naman ako maganda para mag-inarte pero meron kasi akong crush. At syempre, di hamak na mas gwapo kesa sa Blue na ito.
Pasensya na sabi ko sa aking isipan. Di lang talaga ako sanay ng may nagsasabing ganoon sa akin kahit pa pabiro lang 'yun. Pero pahamak talaga ang nagsabi na crush mo ko. Malaking pahamak.

BINABASA MO ANG
Lost In Words
Ficção AdolescenteMarami akong gustong sabihin sa'yo, alam ko kulang ang isang araw para malaman mo. At higit sa lahat mahihirapan akong tapusin ito kung wala naman talagang umpisa.