May quote ng unknown akong natanggap mula sa GM (group message) ng schoolmate ko from highschool. Sabi dun "Kung itinutukso ka sa taong di mo gusto malaki ang chance na mahulog ka sa kanya."
Tinawanan ko nga ang GM na 'yun nag-reply pa ako sa schoolmate ko at sinabing, 'Your point?'. Dahil iyon na ata ang pinaka-nakakatawang bagay na nabasa ko. Imagine kung mangyari 'yun? Di ko lubos maisip na ako or siya or kung sinuman. Mag-kakagusto sa taong di naman nila type. Rare chance.
Kaso, isa atang maling bagay ang maging kumpiyansa. Mali na mataas ang tingin mo sa sarili mo lalo pa't hindi mo naman alam ang mangyayari in the future. So mali 'yun.
Iisipin ko na lang na okay lang ang lahat ako pa rin si Tracy at hindi pa ako nababaliw. Paborito kong magbasa ng mg e-books at mag-laro ng free games sa Facebook. Pangarap kong matupad lahat ng goals na nasa puso't isipan ko.
Saka pumasok sa isipan ko, ano ngayon kung nakakatawa pala 'yung pagiging engot niya sa harap ng klase?
Pakialam ko ba kung mabait siya despite ng kunyareng pambubully ng mga kaklase ko sa kanya?
Ano bang mapapala ko sa joke niyang nakakatawa? Hindi ko naman madadala 'yun sa buhay? Di naman ako gaganda dun diba?
Kaya nga bakit, sa lahat ng pwedeng mangyari, bakit may pag-kislot pa sa dibdib ko habang prente lang siyang nakaupo diyan sa upuan? Just what on earth were you thinking Tracy?
BINABASA MO ANG
Lost In Words
Novela JuvenilMarami akong gustong sabihin sa'yo, alam ko kulang ang isang araw para malaman mo. At higit sa lahat mahihirapan akong tapusin ito kung wala naman talagang umpisa.