Natural na sa akin ang mag-kilos kiti-kiti. Pati sa school nadadala ko ito. Di ko alam kung matutuwa ba ako dahil 'yung trait na 'yun never kong naiwan. Tapos at the end of the day mamapasapo na lang ako sa noo. Nawala kasi sa vocabulary ko ang salitang demure! Gosh.
Pinapasingil ako ng professor namin para sa pagpapa-photocopy ng handsout. Kaya nga naningil ako. Lumulunok ako nang sobra-sobra habang naglalakad papunta sa pwesto nila Blue. Kung kailan kailangan ko ang pagiging kiti-kiti, saka naman nawala! Pinagloloko ba ako ng alter ego ko?
"Five pesos daw." anang ko sa grupo nila Blue na busy sa pagku-kwentuhan
"Hi Tracy, si Blue nga pala!" leche 'tong kaklase namin sapakin ko kaya 'to?
"Gago! Tigilan mo ako." Ouch. Ako ba 'yung minura niya o 'yung kaibigan niya? Gumagana nanaman ata ang pagiging over thinker.
Pagkatapos kong kuhain ang bayad nila, kasumpa-sumpa pa ang kamay kong nanginginig habang iniaabot ni Blue ang bayad niya. Walang kwenta!
At ano sino raw ang gago?
BINABASA MO ANG
Lost In Words
Teen FictionMarami akong gustong sabihin sa'yo, alam ko kulang ang isang araw para malaman mo. At higit sa lahat mahihirapan akong tapusin ito kung wala naman talagang umpisa.