Lumipas na ang ilang araw. Wala namang pagbabago sa buhay ko pwera na lang ang pagiging stranger namin ni Blue sa isa't isa. We seem have our different world despite the fact that we're in the same class.
Para kaming mga baliw. Sabi 'yan ng mga kaibigan ko. Ganito kasi, halos lahat nag-uusap. Halos lahat magkakilala na, except us.
Close na ako sa kanila kinakausap ko sila. Even Blue, he talks with them. Kami lang talaga ang merong awkward atmosphere na nakabuild tuwing nandiyan ang presensya naming isa't-isa. Absolutely weird.
Pero di ko alam bakit okay lang sa akin. Siguro masaya na rin ako kahit papaano na ganito. Though alam niyang crush ko siya, ayos lang.
Nakaupo ako sa tabi ng kaklase ko habang busy kami sa pagdagdag ng report para mamaya. Nag-uusap kami hiniram ko nga din 'yung electronic gadget niya. Ang twist lang ito 'yung crush ko nung simula ng klase. Landi ko talaga. Crush lang naman sabi nga nila kung magkaka-crush ka na lang bakit ka pa nag-stick sa isa? Isipin mo na lang na buffet 'yun madaming pagpipilian.
Kaso nga lang wala na akong ibang pagpipilian, si Blue lang kasi ang nakikita kong pagkain na grabe kong magpatibok ng puso ko. Wait, asaan ang nanggaling 'yung pagkain?
So ayun nga, si Blue biglang humarap sa likod, kung saan kami nakapwesto. Nakipag-usap siya sa katabi ko at ako dedma lang. Iniangat ko ang tingin ko and to my surprise, our gaze met. Just like that it made my heart race faster. Iiwas na sana ako pero nauna na siya. Kaya ibinalik ko ulit ang tingin ko sa nilalaro kong app. Game over. Nakalagay sa screen.

BINABASA MO ANG
Lost In Words
Genç KurguMarami akong gustong sabihin sa'yo, alam ko kulang ang isang araw para malaman mo. At higit sa lahat mahihirapan akong tapusin ito kung wala naman talagang umpisa.