Eighth Word

20 1 0
                                        

Ngayon na ang huling subject para sa last sem namin ng pagiging first year! Yes sobrang saya dahil at last after dugo't pawis of pagpupuyat makakaramdam na ako ng saya (kahit papaano)!

Bihis na bihis ako. Napag-usapan kasi namin na ngayon gaganapin 'yung project ng whole block sa CWTS namin for NSTP. Tinanong pa ako ni Mother dear saan raw ang rampa sabi ko sa palengke magtitinda ng gulay. Pero joke lang 'yun, di kami magtitinda noh.

Actually, ang project na ibinigay is magturo kami ng personal hygiene sa mga bata. Nagkaroon na kami ng toka kung sinu-sino ang magdadala ng kung ano, magtuturo ng ganito at magsasabi ng wisdom sa mga bata.

Napag-isipan na doon ito gaganapin malapit sa school, at 'yung president na ang bahal kung paano siya makakahanap ng bata. Malay ko ba saan siya kukuha nun.

Nakarating rin ako after ng byahe kapagod nga haggard na ako puti pa 'yung damit ko.

"May balak ka bang kumandidato bilang presidente, Tracy?" umiling na lang ako sa asar ng kaklase kong lalaki. Ano bang masama sa long sleeve na puti? Okay naman ang suot ko huh?

Nag-antayan pa kami dahil 'yung iba di alam kung saan pupunta. Last thing I knew nandito na kami sa isang center na hiniram lang nung president namin since kakilala niya daw ang caretaker nung center madali kaming nakapasok sa loob. Maliit lang ang room, may chalk board at maliliit na arm chairs. Parang hindi ata kami kasya dito? Napangiwi na lang ako.

Maya-maya pa may nagsenyas na andiyan na raw 'yung mga bata. Niluwa ng pintuan ang mga bulilit. Mga batang cute na ang sarap iuwi at ilagay sa back-pack ko.

Nagsimula na kami sa kung paano ang usapan ng andar ng program na ito. May dala pa akong story book dito na di ko alam ikukwento ko pa sa mga batang makukulit. Hiyang-hiya ako actually! Iyong mga kaklase ko kasi inasar ako right after.

Nagbigay sila ng food and freebies sa kids. Enjoy nga sila kahit simpleng mga bagay lang 'yun, nakakahawa ang ngiting naka-plaster sa mukha nila.

"Picture guys!" syempre takbo ako sa sinasabi nila pagka-sinabing picture go agad walang hiya-hiya!

"Okay si Tracy at Blue naman!" parang may lump sa lalamunan ko habang nakataas ang kilay sa di ko loko-lokong nag-suggest. Magtatago sana ako pero nagulat ako nang hilahin ako ng ibang girls. What the heck!

"Huy ano ba?!" angal ko sa kanila di pa ako pumapayag hihilahin na nila agad ako?! Pwersahan lang ganun?

"Takteng 'yan umayos nga kayong dalawa!" bumulung-bulong ako dahil wala na nandito na si Blue sa tabi ko inch na lang ang pagitan namin. Hindi mapalagay 'yung puso ko este ako! Ano bang tripping ng mga taong 'to?

"Hoy isa mag-ayos kayo wala pa kayong matinong kuha! Ayos!" sigaw ng isa kong kaibigan nilakihan ko nga mata ko para suwayin siya pero dang hindi effective!

Busy ang iba sa pagbibigay ng goodies sa mga bata. At iba ito kinakantiyawan kami!

"One...wait ngumiti nga kayo!" paano ako ngingiti? Anak ng pusa sa tingin niyo makakangiti pa ako kung grabe na akong pinagpapawisan dito.

"Gago!" narinig kong sigaw ni Blue, huminga ako ng malalim. Sabay may nag-click na camera

Umalis na ako agad sa pwestong 'yun di ko maatim eh. Naiinis lang ako...pero lamang 'yung kilig. Pero nakakainis talaga sila!

"Oh ba't namumula ka diyan?" nakangising tanong ng kaklase kong babae

"Wala! Epekto ng Kojic 'to!" pesteng 'yan buti na lang gumagamit ako ng Kojic kaya namumula talaga ako kanina pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon