Awkward.
Pasimple siyang napa buntong-hininga habang nag di-dinner kasama si Kumi, Yohan at ang Lola ng mag pinsan.
"Are you OK?" bulong ni Kumi na nasa gawing kanan niya.
Nakita niya ang pag sulyap ng matanda sa kanya.
"Yeah." She smile a bit.
Napansin din niya ang ninja moves ni Yohan, pasimple nitong nilalagyan ng pagkain ang plato niya. "Ako na." kiming siniko niya ito.
"No , it's ok. Kumain ka ng madami."
Narinig niya ang pag tikhim ng Lola nito. "Ehem, kumain na kayo."
"Lola, bakit nga pala wala sina Tita?" tanong ni Yohan.
"Dahil nandito si Kumi."
She saw Kumi bit her lower lip.
Siya naman ay gusto nang tumakbo palabas ng bahay. "May something talaga sa mga to', parang ang bigat sa feeling. You know?"
"I'm just kidding sweetheart." For the first time nakita niyang ngumiti ito. "Kahawig ni Celia Rodriguez, nakaka takot ang matandang to."
"Excuse me Lola." Mabilis na tumayo si Kumi.
"San' ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain."
"Busog na po ako."
"Maupo ka." Utos ng matanda.
Hinawakan ni Shawn ang kamay niya. "Dessert tayo? Tapos na rin ako oh."
Nakita niya ang bahagyang pag tutubig sa mga mata nito but she manange to smile. "S-sure thing?" she said bago muling umupo.
"Thank you hija." Naka taas ang kilay ng matanda nang tumingin ito sa kanya.
"H-ha?"
"You're the first person who make her stay." Lumipat ang tingin nito kay Kumi. "Matigas ang ulo ng apo ko, kapag gusto niyang umalis, aalis siya."
"Lola.." awat ni Kumi.
"Para siyang pabebe girl? Walang makakapigil sakanya ganun?"
"I'm sorry about last time, I'm just testing you." She smiled again. "Bueno hijo kelan ba ang kasal?"
Halos sabay na nasamid sila ni Yohan.
"Po?"
"ha?" halos lumuwa ang mga mata niya.
Tumaas nanaman ang kilay ng Grannybels niya.
"Kuya masarap tong cake mo." Maka hulugang sabat ni Kumi.
****
Yohan burst out laughing habang kinukwento nito nang unang beses siyang makita ng Lola nito.
"Are you crazy? Ba't mo naman sinabi na girl friend mo ko?" halos sakalin niya ito.
"Sorry, I'm lost for words, masyado kasi akong na starstruck sayo."
"Pwede ba wag mo akong masyadong binobola, baka masampal kita ng 365 days."
He laugh. "Hindi nga kita binobola, parang masyado ka naman matampuhin, hindi ka naman eighteen—"
"Yohan."
Yohan bit his lower lip. Ang cute ng loko, seems like he love teasing her. "tigilan mo ako pwede?"
"Hindi pwede."
She rolled her eyes. "Umuwi ka na nga." Taboy niya.
"Pwedeng makitulog?"
"Hindi." Matigas na sagot niya.
"I know." Sagot ni Yohan sabay tawa.
Napa ngiwi siya. "Saya mo no?"
"Wanna know why?"
"NO." seryosong sagot niya.
He smiled. "Marry me Shawn."
Nag salubong ang kilay niya. "Ang lakas din naman talaga ng trip mo no? kung makapag alok ka ng kasal para mo lang akong inalok ng v-fresh."
"I'm that excited for my wife. Sige ka mahirap tumanda ng mag isa."
"Aray ko, kinilig yata ako?" naramdaman niya ang pag akyat ng dugo sa pisngi niya. "Ano naman kung tumanda? May Zanjoe naman ako."
"Pero wala kang Yohan?"
"OK lang."
"Ouch."
"Tigilan mo na nga ako, uwi na."
"Ok, good night Shawn." Sabay na nag lakad sila palabas sa garage.
"Good night chef. Ingat ka."
"Wala bang goodbye kiss." Tanong ni Yohan habang naka nguso.
"Wala. Layas na."
Napa kamot ito habang pasakay ng sasakyan.
"Bye.." paalam nito.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa maka labas ito ng main gate.
"Hindi ako namimigay ng goodbye kiss. Good night kiss pwede pa." she kissed her forefinger and blew it in the air. "Good night chef."
****
Naging tahimik ang mundo niya nang ilang linggo. Ilang minutong naka titig lang siya sa cellphone niya. Wala ding text. "Nag tampo yata si chef? Teenager? Nako, kiber." Binaba niya ang cellphone at binalik ang atensyon sa PC.
Ilang katok ang umagaw sa atensyon niya. "Come in."
"Hi?" it's Kumi.
"Hi sister, anong meron at napadpad ka dito?"
"I miss you." Kinindatan siya nito. "Lunch sa Bristo?"
Ngumiti siya. "Sure. Shutdown lang ako."
"Gamitin nalang natin wheels ko ate."
"Sure."
"Nasa Bristo nga pala si Kuya." May kilig sa tinig ni Kumi.
"Oh anong ginagawa niya don'?"
"Nag leave yung isang chef ko eh, nakiusap lang ako sa kanya."
"Hm.. I see."
"Miss ka na daw niya."
She gasp. "Puuuh-liss..."
"Haba ng hair mo ate."
She rolled her eyes.
Mabilis ang naging byahe nila ni Kumi.
Sabay na bumaba sila ng kotse at pumasok sa resto. Nabigla siya nang makita ang pag labas ni Yohan mula sa kitchen. Mabilis ang mga lakad nito papunta sa kanya.
"Hi—"
Naputol ang pag bati niya dito nang hapitin siya nito. Her heart skips a beat nang ilapat ni Yohan ang mga labi nito sa kanya. It was a quick kiss. "Stay calm baby, I'm sorry. I'll explain later. Please." Bulong ni Yohan sa kanang tenga niya.
Ramdam niya ang biglang panghihina ng mga tuhod niya. That moment nagpa-salamat siya na naka pulupot ang mga kamay ni Yohan sa kanya. In just a glimpes napa titig siya sa lalaki dahil sa sobrang pagka bigla.