Ilang minuto siyang tulala nang magising. Last night she had a nightmare. Nagising siya nang wala na si Yohan sa tabi. Pinasadahan niya ang buhok sa isang palad bago bumangon.
"Good morning." Halos pabulong na bati niya nang maka rating sa kusina.
Sinulyapan siya nito ng bahagya. "Morning."
Shawn planted her face in his back. "Galit ka ba?"
"You're just in time, breakfast is ready." Sagot nito.
Nag salin ito ng brewed coffee sa tasa bago siya nito pinang hila ng upuan.
Tahimik na naupo sila.
Habang kumakain, nasulyapan niya si Yohan na nakatingin sakanya. Ngumisi ang lalaki.
"Oh napano ka?" tanong niya.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Yohan.
"Wala naman, tinatanong kasi kita."
"Kung galit ako?"
"Uhuh." Tango niya.
Ngumiti siya. "Di naman ako galit."
"Talaga?"
"Yup."
That night she had a dream, medyo nag histerya siya nang magising sa tabi ni Yohan, she slapped him nang gisingin siya nito.
"Sorry.."
"Its ok, I know you can't resist my charm kaya napanggigilan mo ako kagabi."
"Abnoy." Singhal niya.
Napa tawa ito.
"Swerte ko yata sa magiging asawa ko, parang hindi ka naman marunong magalit."
"What's the point of getting mad baby, fifty years is just two thousand five hundred weeks. Ang ikli lang non. Kahit ilang beses mo akong sapakin ok lang. Hindi mo naman sinasadya di ba. Mabibilang ko yung sapak mo pero yung love mo sakin hindi."
Napa ngiti siya, nag blush siya at nanigas siya, in short kinilig.
"Will you marry me?" hirit pa nito. Ganun lagi ang tanong niya pag napapakilig siya nito.
"Oo na."
"Yes!"
Ayun nanaman ang raction nito na parang tumama sa lotto. Ang kulit lang niya. And she loves him.
"Plan for today?" tanong ni Shawn nang matapos kumain.
"Movie?"
"Game."
"Food trip?"
"Game."
"Road trip?"
"Game."
"Sky gazing."
Napa ngiti siya. "Game."
"Maligo kana."
"For a while master." Paalam niya bago ito umakyat ng sariling kwarto para ihanda ang sarili. Pero saglit lang ito nawala bago bumaba ulit, may dala na itong towel at toiletries.
"Maligo ka na din." Turo nito sa direksyon ng banyo.
Kinuha ni Yohan ang dala niya.
"Gusto ko yan, sabay tayong maliligo." Naka ngisi ito.
"Manyak!"singhal niya bago ito iniwan.
"Love you baby." Naka ngising pa habol pa nito.
Gaya nang lagi nilang ginagawa, maghapon lang siyang ipapasyal nito. Hawak nila ang oras ng isat-isa. Para lang silang tipikal na teenager sa mall, kakain, manonood ng movie at kung anu-ano pang trip. Tapos ilalabas siya nito sa city to catch up some fresh air. Paminsan ay inuuwi siya ni Yohan sa Tagaytay, kung maswerte nilang ma abutan ang clear night sky, hobby ni Yohan na mag sky gazing gamit ang isang telescope. Inaabangan nito ang mga naka schedule na meteor shower at kung anu-ano pa. It was cute, hindi naman talaga siya mahilig sa mga constellation, pero natutuwa siya pag nakikita niya ang nobyo, para kasing bata ito kapag na aamaze. Hindi ito nauubusan ng kwento. It's like Yohan never run out of hopes and dreams. His stories were real. His story was him.
"Baby look at this." Tawag ni Yohan habang hindi nito inaalis ang isang mata sa telescope.
"Ano nanaman yan?" nilapitan niya ito.
"Chicks."
"Maganda ba?" sakay niya sa biro nito.
"Magandang-maganda."
"Patingin nga." Sabay silip sa sinasabi nito.
"That's Andromeda."
"Maganda nga..." natuwa din siya.
"Pero mas maganda ka."
"Alam ko." Tinignan niya ito.
"Mabuti naman." Yohan locked his eyes on her. Matagal na tinignan siya nito.
"Hm?"
"Baby.."
"Hm?"
"Tell me your nightmares."
Natigilan siya sa tanong nito. Sinimulan niyang i replay sa utak niya ang iisang panaginip. Kahit ayaw niya ay otomatikong nag replay iyon sa utak niya.
Lock in a four corners, her bed was cold as ice...
Gusto niyang igalaw ang mga kamay niya pero mayroong dalawang kamay na pumipigil sakanya..
Kasing tigas iyon ng bakal. Mas mahigpit pa ito kaysa sa posas na naka kabit parin sa mga kamay niya.
Alam niyang sumisigaw siya pero walang lumalabas sa lalamunan niya.
Dalawang mukha ng lalaki.
Skin to skin she can feel them.
Rough. Pain. And evil.
Gusto nalang sana niyang mamatay.
Kasi kung magigising pa siya kinabukasan, isang matinding paso sa balat niya na mag iiwan ng marka ang gigising sa kanya sa katotohanang walang mag sasalba sa kanya.
Masagana ang luha niya.
"I'm sorry... I can't." She said. Gusto sana niyang tumakbo pero walang lakas ang mga tuhod niya.
Sa malamlam niyang paningin nakita niya ang pag abot nito sa mga luha niya. And when she saw him clearly he was crying too.
As if he can feel her pain.
"It's ok." Sabi nito sa mababang tinig.
"Wag mo kong' iiwan..." gusto niyang sabihin iyon pero napipi siya.
At that moment, walang ibang naguusap kundi ang mga mata nila na kapwa hilam ng mga luha.