#sakit bhe?

833 39 11
                                    


"Ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ni Shawn.

Napa tingin sa kanya si Yohan. "Sorry, may sinasabi ka ba?"

"Oh bat' ako? Diba ikaw nga ang may sasabihin dyan?"

Humigop siya ng kape. Nasa may veranda sila ng bahay ni Shawn that night. "I'm in trouble babe."

Kumunot ang noo ni Shawn. "What kind of trouble?"

Kinuha ni Yohan ang isang kamay niya at hinila palapit sa kanya. "Dito ka sa tabi ko."

Naupo naman siya. "Now tell me."

"Alam mo naman na never akong nag kwento sayo tungkol sa past ko diba?"

"Uhuh?" Napa isip si Shawn, ganun din naman siya. She never talked about her past specialy the dark side ng buhay niya.

"I had a girlfriend before.." Simula niya. "Si Kim. Pero nagka hiwalay kami just before the wedding because.." Yohan held his breath. Naramdaman ni Shawn ang mahigpit na pag hawak ni Yohan sa kamay niya.

Tahimik lang na nag hihintay si Shawn, aminado siya na may konting kaba sa dibdib niya dahil doon lang niya nakitang seryoso ang lalaki.

"May napanood siya na hindi dapat."

Naguluhan si Shawn. "What's that?" bahagya siyang lumayo para makita ang mukha ng katabi.

"Porn tape."

"H-ha?"

"Porn tape." Tinignan siya ni Yohan. "I'm on a porn tape." Nakita niyang napa tanga si Shawn, parang nag lo-load pa sa utak nito ang sinabi niya.

"I was on college nang gawin ko yon. Nagipit ako. Nasa hospital si mama that time because of accident." Nakita niyang nag iwas ng tingin si Yohan. "I had no choice."

Mahigpit parin ang hawak nito sa kanya, as if anytime mawawala siyang bigla sa tabi nito. "Shawn..." maya-maya ay tinawag siya nito.

"Iiwan mo din ba ako?" tanong niya nang hindi parin siya sumasagot.

Naramdaman niya ang pag baba ng ulo ni Shawn sa balikat niya. "Sa palagay mo?" tanong ni Shawn.

Alam niyang napangiti si Yohan. "Are you crying?" tanong ni Shawn.

"No." Mabilis na pinahid niya ang mga luha.

"Hmm? Let me." Tinignan niya ito. She extend her arms para abutin ang mukha nito. Pero naramdaman niya ang pagkabig ni Yohan kasabay ng pagyakap nito ng mahigpit.

"Thank you. I love you so much." Bulong nito.

"I love you more." Reply niya. "I think you have to hear my story too, but maybe some other time? I dont have plans to leave you. Now tell me why you're on a trouble?"

Pinakawalan siya ni Yohan. "Yeah I almost forgot."

Muli silang umayos ng pagkaka upo. "K-kim just arrive at my unit two days ago."

"Ok?"

"She's asking for my help. Buntis siya."

Napatda si Shawn.

"Syempre hindi ako yung tatay." Agap nito.

"Eh bakit hindi siya magpatulong dun sa tatay?"

"She was raped. Hindi ko alam ang gagawin ko. She was helpless."

Natahimik si Shawn na para bang na iisip.

"Gusto niyang tulungan ko siya sa parents niya."

Ilang minuto din bago muling nag salita si Shawn.

"It's ok kung tutulugan mo siya as long as it doesn't ruin anything." Shawn in a cold voice. "May sarili ka ng buhay Yohan, ganun din siya. Alam mo naman siguro ang ginagawa mo. I understand you at naiintindihan ko din siya kung totoo man ang sinasabi niya o hindi. Our wedding is just few weeks from now."

Napa tango si Yohan. "Yeah babe I know that. I'll fix this. Wag kang magagalit sa kin'. I'm telling you this dahil ayaw kong sa iba mo pa ito marinig."

Tumango lang si Shawn.

Natahimik na din si Yohan dahil alam niyang wala na ito sa mood.

***

Sinalubong siya ni Kim nang maka uwi sa sariling unit. "H-hi.. Kmain ka na ba—"

"Kim, You have to go home."

"Yohan.."

"Ihahatid na kita sa inyo."

"No—hindi ako uuwi." Tanggi nito.

"You have to. Ikakasal na ako Kim, hindi ka pwedeng mag stay dito ng matagal."

"Akala ko ba tutulungan mo ako?" may kalituhan sa mukha nito.

"Yeah. Tutulungan kita, mag rereport tayo sa pulis at sasamahan kitang kausapin ang parents mo." Direktang sagot ni Yohan.

Nakita niya ang panlulumo ni Kim.

***

Nakaramdam si Yohan ng kaba nang makapasok sa maluwang na bakuran nila Kim. Agad na sumalubong sakanila ang magulang nito.

"My God Kim! Bakit ngayon ka lang?" nag aalalang tanong ng mommy niya.

Parang batang tumakbo si Kim sa mommy niya sabay yakap dito. "Mommy." Humagulgol ito.

"Good evening po." Bati ni Yohan.

"Yohan?" may pagtataka sa mukha ng ginang.

"What happen hija?" tanong ng papa niya.

Parang hindi na ma awat sa pag iyak ang anak nila. Ilang minuto din bago sumagot ito. "I-im pregnant Dad."

Nag salubong ang kilay ng papa ni Kim.

"Ano bang sinasabi mo anak?" segunda ng mommy niya.

"Buntis ako." Ulit ni Kim.

Dumako ang tingin ng magulang ni Kim sa kanya. Napa tango si Kim. "Kay Yohan po ito."

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi ni Kim. "What?!" he blurted.

9,Z2N

heart's pleasure...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon