Kabanata 4

532K 8.9K 213
                                    

Kabanata 4
Drunk

Pinaharurot ko ang sasakyan palayo sa Restaurant, ayoko nang magtagal pa doon, dahil baka lunokin ko lang lahat ng sinabi ko at mag pabola sa matatamis niyang salita.

Kung gaano ko siya kamahal ay ganoon din ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.

Ayoko munang umuwe dahil magmu-mokmok nanaman ako sa bahay, kaya minabuti kong dumaan sa Isang bar, gusto ko makalimot kahit sandali. I badly needed this right now.

Pinili kong maupo sa isang stole na kaharap mismo ang bartender.

"One tequila please.." I said to the waiter in front of me.

"Yes, ma'am!" he replied, maya maya pa ay nilapag nito sa akin ang baso na may lamang tequila na ini-straight ko naman agad ng inom.

"One more please!" Utos ko na tila nabitin sa Isa. Hindi ko pinansin ang lemon na nasa aking harapan. Ano paba ang mas hahapdi sa nararamdanan ng puso ko? Kahit sipsipin ko pa ang lemon at tikman ang alat ng asin ay walang makaka daig nitong sakit sa aking puso.

"Heto po, ma'am," he politely said, then he gave me another shot of tequila. Muli ay diretso ko 'yon ininom hanggang sa naka-ilang baso ako bago ko maramdaman ang tama.

"W-waiter.. one more please!" pabulol kong sigaw dito. My eyes gets blur, ramdam ko na rin ang hilo ko dahil sa dami ng na-inom.

Kakamot kamot ng ulo ang waiter sa akin bago kumuha ng baso. Nang tangkang i-aabot na nito ang baso ay may isang kamay na umagaw nito mula sa akin at tahasang ininom.

"Hey.. that's my drink!" Sisinok-sinok na sinabi ko sa kanya.

"You're drunk," he said in his baritone voice.

I chuckled and slowly lift up my head to look at him, "And who the hell are you?" My voice already shuffled, ilang pagpikit din ang ginawa ko dahil sa pag-ikot ng paningin.

Hindi ko rin siya masyado maaninag dahil sa kislap ng mga ilaw sa paligid. Pero base sa nakikita ko, mukhang matangkad ito. His biceps proudly shouting, and his prominent jaw protrude perfectly, then suddenly, our eyes met. My heart throbs, I gasp heavily because of his un-removing gaze.

"Where is your place I'll take you home," he softly said.

"Sino ka naman para sabihin ko kung saan ako nakatira huh?!" I exclaimed, nudging his damn broad chest. Pansin kong matigas ang pangangatawan nito at mukhang alaga sa gym.

"You're drunk, you can't drive on your own," he reply, gumawi ito sa waiter na nasa harapan namin bago may dinukot sa bulsa.

"Keep the change." Inabot nito ang bayad sa waiter saka muling humarap sa akin..

"Let's go..I will take you home." he said in an authority. Dahil lasing ako ay wala akong nagawa kundi ang magpatangay dito.

Hindi pa man kami nakakalabas ay nakasalubong na namin si Lester na halatang gulat na gulat buhat nang makita kami.

"Baby, what happened?"Agad na nag-iba ang ekspresyon ng muka nito dahil sa lalaking nakita niyang katabi ko.

"Anong ginawa mo sa girlfriend ko, ha?!" Sabay suntok nito sa lalaking katabi ko, na bahagyang napa atras sa kaniyang ginawa.

Sweet Seduction (Destroyer Casanova #1) Published by PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon