Kabanata 11
Take my handTila hindi ako mapakali dahil sa suot kong gown na hapit sa aking katawan, kitang-kita kasi ang cleavage ko sa yari ng gown na pina-suot sa akin ni Cindy.
Hindi rin nakalampas sa akin ang tingin nilang ewan ko kung humahanga o pinag nanasaan ako ngayon. Kaya pilit na ngiti lang ang isinukli ko sa mga taong nakakasalubong.
"Margaux!" Narinig kong may tumawag sa akin.
"Peter!"
"Wow! You look drop dead gorgeous tonight!" Hindi maitatangi sa mga mata nito ang pag-hanga.
"Thank you, Ikaw din." Ganti ko naman sinabi dito, gwapong-gwapo ito sa suot na black suit na tinernuhan ng itim na slack pants and oxford shoes.
"Thanks for the compliments." Nakangiti nitong sinabi bago ako kindatan. Nilahad nito ang kamay sa akin na siya ko naman malugod na tinanggap.
Ngunit pareho kaming lumingon sa boses na nagsalita sa likod ko.
Si Carick kasama ang kaniyang best man na si Lawrence. My heart pounding so fast as I watched his dark and dangerous pair of eyes. He's wearing a black tuxedo, na tinernuhan ng black slacks pants at leather shoes na itim rin. Samantalang ang groom ay naka suot naman ng white tuxedo.
"Margaux is that you?" Tila hindi makapaniwalang bungad sa'kin ni Carrick.
"Anong klaseng tanong ba yan?!" Tumaas ang kilay na sinabi ko bago ngumiti.
"Kung 'di siguro ngayon ang kasal ko, liligawan kita." Natatawang biro nito sa akin.
Umiling lamang ako sa kanyang biro at muling sumuyap kay Lawrence. His lips moved, na tila may gustong sabihin na hindi naman niya matuloy-tuloy.
"Ah, excuse me, mag uumpisa na po ang entourage." Pukaw sa'amin ng wedding coordinator. Kaya nag kanya-kanya na kami ng lakad.
Nakibagay ang panahon dahil napaka-aliwalas ng langit. Nakakamangha ang dapit hapon dahil matatanaw mo mula sa dagat ang kulay kahel na kalangitan kasabay ng malamig na ihip ng hangin.
Nangislap ang mga mata ko sa sobrang excitement. Para kasi akong nasa isang fairytale ngunit hindi ako ang bida. Hindi ko maiwasang balikan ang masasakit na nangyari sa pagitan namin ni Lester. Siguro panahon nalang ang makakapag-hilom ng sugat na iniwan niya sa puso ko.
Natigil ako sa pag mumuni-muni nang nag-ingay na ang ilang bisita. Natanaw kong nag-uumpisa ng maglakad si Cindy. Napakaganda nito sa suot na white gown below the knee. Napapalibutan ito ng makikinang na bato na lalong nag patingkad ng kaniyang ganda.
Mababakas sa muka nito ang saya at pagka-kuntento. Ito na siguro ang pinaka maluwang niyang ngiti buhat ng makilala ito maraming taon na ang nakakaraan.
Ilang oras pagkatapos ng kasal ay nagkakasiyahan na ang mga bisita sa Pavillion de'Saavedra kung saan ginanap ang reception.
Pinasya kong maupo sa isang sulok na hindi masyadong matao habang tahimik kong sinimsim ang baso ng wine na hawak.
"Why don't you join them?" Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Lawrence stood beside me holding a glass of champagne.
Imbes na sumagot ay inubos ko ang laman ng wine sa aking basong hawak.
"Don't drink to much, Margaux." paalala nito sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya at kumuha muli ng isang baso sa dumaang waiter.
"It's just a wine, Lawrence." Matipid kong sagot sa kanya at nilagok muli ang baso pero inagaw niya mula sa akin ang baso saka iyon diretsong ininom. Napa-awang nalang ang labi ko sa kanyang ginawa.
BINABASA MO ANG
Sweet Seduction (Destroyer Casanova #1) Published by Psicom
Storie d'amoreGumuho ang mundo ni Margaux nang hindi siputin ng kanyang boyfriend sa kanilang kasal. Lester was her first love-her first boyfriend, first kiss, and first heartbreak. Kung kailan handa na niyang ibigay rito ang lahat ay saka pa siya iniwan sa ere. ...