Kabanata 7

444K 6.9K 43
                                    

Kabanata 7
Breathtaking

Tinuloy ko ang pagmamasid sa mga obra ni Cindy pero hindi ko mapigilang ibalik ang mga tingin dito na siya na ngayong sumulyap sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa mga gown na nasa aking harapan.

Hanggang sa maramdaman kong tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa direksyon ko.

Hi!" he greeted.

I slowly nod, I have to admit, he is totally breathtakingly hot, with angular face, dark brows and expressive pair of eyes, fine nose and heart shape lips.

Pansin ko ang pirming nginiti nito na hindi inaalis buhat pa kanina.

"What's that smile for?" Naiirita kong itinanong.

"Nothing.. It's just a small world."

I rolled up my eyes and ignored him.

"Ganyan ka ba talaga ka sungit?" Mas lumawak ang ngiti nito sa akin.

"Masungit lang ako sa mga feeling gwapo at antipatiko na katulad mo." I twitched my lips at my remark.

Umigting ang panga nito sa akin bago tumalikod at naglakad patungo sa front desk.

Sinundan ko ito ng tingin na ngayo'y kausap si Lenny, sa tingin ko ay nagkaka-igihan ang dalawa base na rin sa maharot na pagtawa ni Lenny na tila sila lang ang tao sa loob ng boutique.

I rolled up my eyes again and removed my sunglasses impatiently. Inumpisahan ko ng humakbang palabas ng boutique.

"Ma'm. Margaux aalis na po ba kayo?" Lenny asked me with the big smirk on her face.

Matalim ko siyang tiningnan, matapos ay sa lalaking antipatiko na tila hindi nawawala ang ngisi sa labi.

"Oo, siguro sa ibang araw nalang ako magpapa sukat ng gown, may biglaan kasi akong meeting." I slothfully said.

"Ah, ganoon po ba? Sige po sabihan ko nalang po si ma'am pag dumating, ingat nalang po kayo," aniya na maluwang pang ngumiti sa akin.

Tuluyan na akong lumabas dala ng iretasyon. Pabalang kong binuksan ang pinto ng aking kotse at padabog na pumasok doon. Ilang minuto pakong naka tingin lang sa daan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bigla akong nakaramdam ng inis sa eksenang nakita kanina.

Kinalma ko muna ang sarili bago ko binuhay ang Ignition para magulat sa sunud-sunod na katok sa bintana ng aking kotse.

Si Cindy ang sumilip mula doon.

Mabilis ko naman binaba ang bintana, "Margaux, saan ka pupunta? Diba ngayon ka magsusukat ng gown?" Kunot ang noong tanong nito sa akin.

"May biglaan kasi akong meeting kaya puwedeng next time nalang ako magsukat, tutal nad'yan naman si Lawrence siya nalang muna ang sukatan mo." Madiin kong sinabi na hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"Oh my God, nakilala mo na s'ya? ano masasabi mo? Diba ang gwapo?!" Sunod-sunod na tanong nito na kinikilig pa.

Oo gwapo nga at malandi, "Ah, yes, na meet ko na siya." I replied, bago buhayin muli ang makina ng kotse.

Sweet Seduction (Destroyer Casanova #1) Published by PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon