Kabanata 12
Sweet"Why are you still up late?" Bungad nito sa akin sa seryosong tinig.
"Uh, hindi kasi ako makatulog," sagot ko na umiwas ng tingin dito. Ang totoo ay hinihintay ko talaga siyang bumalik.
Nanatili ang madilim nitong tingin sa akin bago muling magsalita.
"Si Peter ba 'yong nakita kong kausap mo kanina?" He asked.
Bahagya akong tumango at pinanood kung paano ito marahas na mag-buntong-hininga sa harap ko.
"Alright, take a sleep maaga pa kitang ihahatid bukas," aniya sa akin bago ako talikuran at umalis.
Kumunot ang noo ko at nagtatakang sinundan siya ng tingin. Bumalik muli ako sa paghiga at pinilit nalang na makatulog.
Maaga naman akong nagising kinabukasan, nadatnan kong may nakahain ng almusal sa lamesa, meron naring naka handang damit na susuotin ko. Napasip tuloy ako kung paano niya nakukuha ang taste na gusto ko sa pananamit.
Masaya kong tinungo sa veranda at doon kumain ng almusal para rin makita ang ganda ng San Simon. Nang matapos ay lumabas ako sandali para mag lakad sa dalampasigan.
May ngiti sa labi akong naglakad at parang batang namulot ng mga seashells at ilang nagagandahang bato. Nilasap ko pa ang sariwang hangin dahil siguradong pagbalik ko ng Manila ay puro polusyon at alikabok na lang ang maamoy ko.
Habang nag lalakad ay nakita ko ang paglabas ni Teriss sa resort. Mukhang uuwe na ito base na rin sa bitbit nitong shoulder bag. Kasunod nito si Lawrence na naka white long sleeve at bleach jeans habang naka suot ng sunglasses.
Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano sa kanilang dalawa. Sabagay siya naman ang may sabi, walang namamagitan sa kanilang dalawa. Pero hindi ko maiwasang Isiping sa iisang kwarto lamang sila natulog kagabi.
My heart moved and gasped heavily. Tinuloy ang paglalakad at piniling maupo sa isang bato. Bahagya ring naka lubog ang paa ko sa tubig alat na nagbibigay kiliti sa aking paa. I fill my lungs with glassy air, bahagyang tiningla ang pasikat na araw.
Ilang minuto pa akong naka ganoon bago pukawin ng pagtikhim sa aking likuran.
"Lawrence?!" Gilalas kong sinabi, akala ko ay hinatid nito si Terris kaya sila magkasama kanina.
"Let's go, ihahatid na kita pauwe," aniya sa akin. Lumapit ito at inalalayan akong makatayo, pero dahil sa basang bato ay muntik na akong madulas. Mabuti nalang ay mabilis itong umalalay sa akin at hinapit ang balakang ko palapit sa kanya.
"Be careful, matatalim ang mga batong narito," he whispered. The warm of his embrace and the scorching heat of his eyes made me tremble.
"Uh, thanks." Unti-unti akong lumayo dito at na una nang naglakad palayo.Mabilis itong nakahabol sa akin para pagbuksan niya ng pinto.
"Thanks," I uttered again bago piniling sumakay sa shotgun seat.
Habang bumabyahe ay hindi ko mapigilang humanga sa mga nadaraanan naming bukirin at batis. Ngayon ko mas na appreciate ang ganda ng San Simon.
Sinulyapan ko ito sandali bago tumikhim. "May I ask you something?" Bahagya itong sumulyap sa akin matapos ay ibinalik na muli ang tingin sa daan.
BINABASA MO ANG
Sweet Seduction (Destroyer Casanova #1) Published by Psicom
RomanceGumuho ang mundo ni Margaux nang hindi siputin ng kanyang boyfriend sa kanilang kasal. Lester was her first love-her first boyfriend, first kiss, and first heartbreak. Kung kailan handa na niyang ibigay rito ang lahat ay saka pa siya iniwan sa ere. ...