CHAPTER FOUR

73 1 0
                                    

TODAY IS SUNDAY
Papasok na ko sa pinto ng kwarto ko at makita ko ang maganda kong pangalan sa pintuan ko . At napapangiti ako ng bahagya.

Hinubad ko na ang outfit na suot ko kagabi sa party. At naghalf-bath. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Paglabas ko ng comfort room ay agad akong umupo sa edge ng kama ko, then my phone grab my attention. Lumapit ako sa table ko at kinuha ng malaya ang phone ko at ang tumatawag ay si......


Calling.... JOHN VINCENT...

Tamad kong sinagot ang tawag niya. "Oh. Ano nanamang problema mo?"

(Wala. Nakauwi kana?) Then he sigh. Taray naman ng kuya mo kumu-curious pa. Shutaena uso pa pala yun sa kaniya? Shet. 

"Yeah. Everything fine" kalmado kong sagot.

(Dapat pala lagi kang pagod, para lagi ka ding kalmado kausap at di nagtataray sakin. Hahahaha) natatawa niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko. Okay na sana kaso nanginis pa eh! Bwisit talaga!



"Hoy! Ako tigil-tigilan mo sa pambuwbwiset mo ha! Di nako natutuwa sayo!" At akmang papatayan ko na sana siya ng telepeno eh nagsalita na ulit siya.



(Uy, eto naman. Joke lang eh! Hahahaha. Ang sungit mo talaga. Kalma ka lang kasi) sabi pa niya na mukhang nagpipigil ng tawa niya.


"Hoy! Sa umaga di uso ang joke sakin ha! Bwisit ka talaga sakin. Manalig ka sa sarili mo. Baka masapak kita! Bye!" At tuluyan ko na siyang pinatayan ng telepono. Naiinis ako.


Ilang minuto pa ay tumatawag na naman ang baliw na JV. Hindi ko na kinakaya ang pagtawag at pagpapasabog nya sa caller ko at inbox ng maganda kong phone! Punyeta eh. 


Hinayaan ko na lang na mag-ring ang phone ko a saka natulog na ako. 


------

NOW, 10 A.M IN THE MORNING.
Nagising ako ng dahil sa maiingay na tao sa bahay namin. May nagsisigawan , harutan ng mga bata, iyak ng sanggol, at kung ano ano pa. Nakakabwisit diba? Mahirap tumira sa maingay at magulong lugar!


Lumabas ako ng kwarto ko ng nakakunot noo at taas kilay. "Kelan ba kayo tatahimik? Magulo na nga ang lugar natin, pati ba naman sa loob ng bahay e mukhang squatters? Magsitahimik nga kayo" masungit kong panimula sa araw nila.


At agad naman nagsitahimik ang lahat. Minsan talaga mayayamot kana lang. Yung wala ka na ngang magandang ginawa nakakaperwisyo ka pa ng ibang tao. Nakakakgago diba?!



Pumunta ko sa kusina ng ina ko at tinuon ang pansin sa ref. Binuksan ko ito para maghanap ng stock kong oats at fresh milk. Nakakabwisit pa dahil wala na pala kong stock! Grabe, panira talaga ng araw mga tao ngayon. Lingong linggo e nabubwiset ako!!



Pumunta ko sa sala at sabay sabing "Sinong magaling na kumain ng oats biscuits ko at uminom ng freshmilk ko? Ng walang permiso ko?" Mataray kong tanong.



Nagsitakbuhan palabas ng main door ang mga pamangkin kong ubod ng likot at pasaway. Nakakairita diba?! Factory ng mga bata at ampon sa bahay namin. Kulang na lang magpagawa ang nanay ko ng orphanage para sa kanila! Tsk. "Sasagot kayo o magsisilayas kayo dito?" Bwisit kong tanong sa kanila. 



Lumapit sakin ang chubby kong pamangkin na si Baste "Tita, kami po kumain ng cookies saka milk mo" nagpapaawa niya pang sagot at nabubulol niya pang sabi sakin.


"Sino nagpakain sa inyo?" Bwisit ko pa ding tanong sa kanila.



Hindi pa nakakasagot ang pamangkin kong ubod ng taba't kulang na lang maging baboy at sarap letchon-in, eh umeksena na ang magaling at mabait kong nanay.

"A Fake RELATIONDHIP With My Bestfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon