Prologue

29 5 0
                                    

"Sino yung babaeng kahalikan mo?! Ha? Sino yun? Sino siya? Is she the reason why you are becoming so busy this past few days? Kaya ba wala ka ng oras sakin dahil sa kanya ha?" Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan habang pinapanuod ko na nakikipaghalikan siya sa ibang babae.

Ilang linggo niya na akong pinapahirapan, palagi siyang walang oras sakin. At palagi na lang siyang may excuse sa tuwing tatanungin ko kung bakit wala siya, kung bakit hindi niya ako mapupuntahan. Gusto ko na nga lang sumuko minsan, pero eto ako pinagpapatuloy ko yung relasyon na 'to kahit ako na lang mag-isa yung lumalaban.

Halos mag i-isang linggo na din kaming hindi nagkikita, dahil nga sa marami siyang ginagawa at inaasikaso.

He is staring at me, while I am waiting for his answer. Tinitigan ko din siya, sa loob ng halos isang linggo naming hindi pagkikita, ay maraming nabago sa kanya. His hair become thinner, nagpagupit siguro siya. May bigote na rin siya ngayon, tama lang ang kapal na nakadagdag lalo sa pagiging attractive niya. Pansin ko 'ding namayat siya, baka nakakalimutan niya ng magpahinga panay trabaho na lang ang inaasikaso niya, that's why he forgot everything even his own lovelife.

"Let's end this relationship. Ayoko na 'tong ipagpatuloy pa." Malamig niyang sabi, nagkatinginan kami ngunit nag-iwas siya ng tingin. Bumagsak muli ang mga luha ko.

"Ano? Ganito na lang yun? Ganito na lang? Matapos kang 'di magparamdam, makikita kitang may kahalikan tapos makikipag-break ka?" Pinipigilan kong pumiyok, galit ako, at nasasaktan. Mahal ko siya, pero bakit siya parang 'di manlang siya naiyak. Parang andali-dali lang para sa kanya na iwanan ako.

"Bakit parang wala lang 'to sa'yo ha?! Ganito ba kadali sa'yo na itapon lahat ng pinagsamahan natin?!" Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko habang patuloy ako sa pagsasalita, at siya? Nakatingin sa sahig, o kaya nama'y ina-avoid ang mga tingin na ibinabato ko sa kanya.

"Simply because, I don't love you anymore." Para akong nabagsakan ng building sa narinig ko, nagtanong pa kasi ako. 'Tas ngayong sinabi yung sagot sa tanong ko eh iiyak ako ng ganito. Bumuhos na lahat ng luha ko, ansakit. Sobra. Nagtiis ako, tiniis ko lahat kahit sa totoo lang eh nahihirapan na ako sa relasyon namin. Tiniis ko yun lahat, kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero eto, ang maririnig ko sa kanya? Na hindi niya na ako mahal?

"Bakit? Paano? P-paanong 'di mo na ako mahal?" Nakatingin lang ako sa kanya. Nagbabakasakali na baka sabihin niya na joke lang 'to lahat at isa lang 'to sa mga daan niya para maisakatuparan ang surprise niya para sa akin.

"I fell out of love. Nagising na lang ako, na hindi na pala kita mahal. Na hindi na pala kita kailangan sa buhay ko." Sabi niya ng hindi manlang ako tinitignan. Hindi na ako nagsalita pa, hinihintay ko na sabihin niya sa dulo na biro lang 'to. Pero wala, wala ng kadugtong yung sinabi niya. Yun na yon. Hindi niya na ako kailangan, hindi niya na ako mahal. Totoo, totoo na yun yung sinabi niya. Pinagmasdan ko siya, wala man lang kahit na anong sakit, o lungkot ang mababakas mo sa mukha niya. Emotionless, lang siya.

"And you are asking me who is the girl that I'm kissing a while ago? She is Divine, my life, my love, siya yung kailangan ko at hindi ikaw. Siya yung mahal ko, at hindi ikaw. Siya yung babaeng gusto kong makasama habang buhay at hindi ikaw. Siya yung buhay ko. Siya yung----"

Tinaas ko yung kamay ko, dahilan para tumigil siya sa pagsasalita. Tama na. I've heard enough, at tama na siguro yun para matauhan ako. Para magising ako, at mamulat sa katotohanan na hindi niya na talaga ako mahal. Na may iba na siyang mahal. Na lahat ng pinagsamahan namin ay itatapon niya na. At lahat ng meron kami, ay tatapusin nanamin ngayon na. Nakatingin siya sa akin ngayon, kita ko ang lungkot sa mata niya. Lungkot? Nasasaktan din ba siya? Baka naaawa lang siya sa sitwasyon ko ngayon. Baka naaawa lang siya dahil umiiyak ako ng ganito. Tama, yun nga. Naaawa lang siya sa akin.

Tinignan ko siya ng huli pang beses, at saka tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kanya. Umiiyak pa din ako. Masakit na masakit. Excited pa naman akong makita siya dahil miss na miss ko na siya. Bago ako magpunta dito, inimagine ko pa na lalabas kami, mag m-mall at kakain ng masaya. Pero eto pala, sakit lang pala ang maidudulot ng pagpunta ko dito.

Hindi na dapat ako nagpunta dito, kung alam ko lang na sa lugar na 'to din matatapos ang lahat sa amin....

********

COMMENT. VOTE. BE A FAN. FOLLOW ME.

Ang Pinagtagpo Na Hindi TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon