Chapter 7: Favor

12 2 0
                                    

May klase pa ako pero taeng tae na akong gumabi. Nae-excite ako tas nac-curious pa ako sa tell you something tell you something niyang si Eiffel eh! Pa dinner dinner pang nalalaman.

"Blah blah blah blah blah...."

Wala talaga akong naiintindihan sa nile-lesson ng Prof namin. Well, lagi naman akong walang naiintindihan. Pero mas lalo akong walang naiintindihan ngayon.

At yun na nga natapos ang discussion na wala akong naintindihan. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang 12 past pa lang. Nako, ilang oras pa. Magla-lunch na lang muna ako. Teka, sasabayan kaya ako ni Eiffel?

"Huy, Bruha!" Salubong sakin ni Jullienne bago pa ako makalabas ng room.

"Oh bakit?"

"Sino yung kasama mo kaninaaaaaa? ANG GWAPOOO!" At umarte siya na parang nagt-tantrums doon kasabay pa ng pagkinang-kinang ng mata niya.

"Ah yun? Bestfriend ko!"

"Di mo ko maloloko Gresya noh. Bestfriend mo? Baka boyfriend! Hinatid ka pa dito tas niyaya ka mag date! Yieeee. Ikaw ha! Humaharot ka na. Pero infairness ang gwapo talaga ah."

"Hala, Grabe siya oh. Bestfriend nga. 'To naman. Tsaka nagmamagandang loob lang yung tao kaya ako hinatid." Sige lang Gracey deny pa kahit kilig na kilig ka na din kay Eiffel. Harot mode. Heh, papansin mode ka naman.

"Oo na nga bestfriend mo na nga, pero crush mo noh? Crush mo no?" Sinundot sundot niya pa yung tagiliran ko. Pang-asar talaga 'to eh. Nasan ba kasi yung bestfriend nito at bakit hindi pa siya hilahin?

"Yieee. Crush moooo. Crush moo."

"Ikaw ata ang may crush kay Eiffel eh!" Tukso ko sa kanya. Nang-aasar pa kasi eh, napu-push tuloy yung feelings ko.

"Sus, yan tayo eh. Pag ayaw umamin ipapasa sa iba yung tukso. Para-paraan ka Gresya eh no?"

"Oo na. Crush ko na. Happy?"

"Sabi ko na nga ba eh! Sagutin mo na Day. Hindi pinapaghintay ang gwapo!"

After niyang sabihin yon eh lumayas na siya, ang kulit talaga nong babaeng yon. Ang ingay pa. Tsaka pano ko naman sasagutin si Eiffel eh hindi naman ako nililigawan non. Crush ko lang naman yon eh. Mwehe. Pero okay din siguro kung maging lovers kami. Ahe.

Nasa cafeteria na ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Pagkakita ko sa Eiffel pala! Chineck ko yung phone ko at binasa yung SMS na pinadala niya sakin.

From: Eiffel Tower

Gracey, I won't be able to join you for lunch. I have something important to do. Eat, okay? And don't forget our dinner later. I'll pick you up at 7PM in your apartment. I hope that your intimidating cousin is not around. Take care.

Ni-replyan ko lang siya ng okay. Ayie, grabe kinilig naman ako sa "Eat, okay?" niyang nalalaman! Ibig sabihin nag c-care siya sakin. Pero ano kaya yung importanteng sasabihin non? Tas yung importanteng gagawin niya ngayon? Nako, wag mo na nga yun intindihin Gracey, kumain ka na lang!

At yun na nga yung ginawa ko, kumain ako ng kumain. Pero teka? 7PM, eh may trabaho ako ng 8PM pano yun? Pano namin pagkakasyahin ang oras namin. Omaygad. Muntik ng mawala sa isip ko yung trabaho ko. Eh kung sabihin ko na lang kaya na aabsent ako dahil may sakit ako? Tsk tsk tsk. Bad, Gracey. Liar.

Pwede naman sigurong umabsent lamg muna ako sa trabaho ko ngayon? Duh! Date ko kaya 'to. Tsaka for sure, maiintindihan ako ni Mother Earth. Itetext ko na lang siya later. Maiintindihan naman siguro ako non. Mabait naman yun eh, tsaka ngayon lang naman. Ahe.

Nagtapos ako ng kain ang dumiretso sa susunod kong klase. Ganun ulit ang nangyari, nagdi-discuss si Prof, at ako? Hibang. Lutang. Bangag. Wala sa sarili. Sobra yatang na-occupied ng dinner date namin ni Eiffel ang utak ko ngayon, grabe lang. Ganun na ba ako kalandi? De, sak lang. Anong sak? Sakto lang? Hindi, saksakan ka ng landi. -_- Boompanes talaga 'tong konsensya ko eh. Kung di lang ako makokonsensya pinatay ko na 'tong konsensya ko eh. Hanudaw?

Ilang minuto lang eh natapos na yung discussion, nag-pa homework pa ang Prof ko ng Assignment. Ansakit sa jutak, Trigo pa naman 'to. Ansakit. Ansakit. Para akong nabroken.

Papunta na ako sa last class ko, yes. 3 PM na, 4 hours na lang. Grabihan ha? Di naman talaga halatang excited ako eh! Pagkadating na pagkadating ko sa next class ko eh sumalubong sakin ang malaking sign sa pinto na.. NO CLASSES

Masaya sana eh. Kaso 4 hours pa akong maghihintay. Nalungkot ako bigla, pero syempre kyeme ko lang yun. Umuwi na ako sa bahay para naman makapag beauty rest ako. Beast rest kamo. Heh, inggitera. Feelingera. Heh! 'Wag mo kong kausapin. Maganda yung mood ko.

\\

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, chineck ko kagad lahat ng mga gamit ko. Baka may kinuha si Zed. Last na punta niya dito kinuha niya yung stuff toy kong pink na teddy bear. Good thing, wala naman siyang kinuha. Nagpunta ako sa kitchen at nakitang nakaayos ang lahat ng utensils ko doon. Wala din yung maduming plato na iniwan ko kanina. Sipag talaga ng pinsan kong gwapo, pwede ng maging katulong. Napangiti ako.

"Hoy, wag kang ngingitingiti dyan. Kaya ako naghugas ng plato at naglinis ng bahay mo dahil may bayad yan. Ilibre mo ako sa susunod na pagkikita natin. Love you Pinsan!"
- Zed Gwapo

Okay na eh. Okay na. Kaso may pa note-note pa siyang ganito. Andaming alam netong lalaking 'to. Gwapo pa more. Nagpunta ako sa kwarto at nakita ko dun si Ruffles na paikot-ikot. Kinarga ko siya sabay humilata ako sa kama.

"Kamusta Baby? Namiss kita." sabi ko. Tumahol lang siya at dinilaan ang mukha ko. Pumikit ako. Nakakapagod. Nakakapagod nanaman ang araw na 'to.

//

Nagising ako sa tumatahol na si Ruffles. Anong oras na ba? Madilim pa ah? Tinignan ko ang oras sa phone ko.

"Shit! 7:48 na ng gabi! Si Eiffel!"

Dali-dali kong kinuha yung towel ko at nagtatakbo ako palabas papunta sa banyo. Nakarinig ako ng busina ng sasakyan kaya naman lumabas ako.

"Siomai, Eiffel kanina ka pa? Sorry. Grabe. Sorry." paulit-ulit kong sabi habang nagbubukas ako ng gate.

"I'm waiting for you here outside for almost an hour." He sighed. Nakakahiya. First date namin tas ganito.

"Nako, sorry talaga. Sorry. Pasok ka."

At nagtuloy-tuloy na kami sa pagpasok sa loob ng bahay. Naupo kami sa sofa sabay ayun.

"Uy, Eiffel. Sorry na. Nakatulog ako, napagod ako eh. Sorry na." Di pa rin siya naimik. Grabe tampuhin pala 'to.

"Ganito na lang, dito na lang tayo mag di-dinner. Ako na lang magluluto."

"Okay." yun lang? Okay? -_- May topak talaga 'to ngayon. Ikaw ba ang paghintayin ng matagal matutuwa ka ba? Oo na hindi na. Mali ko na. -_-

Nagpunta ako sa kusina, at naghalungkat mg maluluto. Adobo na lang lulutuin ko, para madali lang. Nagsaing na ako tas nagluto. Marunong ako noh. Mukha lang hindi.

30 minutes pa lang eh natapos na din ako. Naghain ako. Tas tinawag ko na si Eiffel, sumunod naman siya sa akin. Naupo kami sa magkatapat na upuan.

Sinandukan ko siya ng kanin at ulam. Nagsimula kaming kumain. Walang nagsasalita. Nagtatampo pa rin to.

"Next time, text me if you're going to sleep." he looked at me and smiled. Siomai, napapa-English tuloy ako.

"Okay. Sorry talaga. Next time. Ano nga pala yung importanteng sasabihin mo?"

"Uhm, about that. Can you do me a favor?" Magkatinginan kami ngayon. Kinakabahan naman ako sa favor niya.

"Sure, ano ba yon?" Kumuha ako ng baso at pitsel, nilagyan ko yun ng tubig at uminom ako.

"Uhm, kasi. Si Mom, she keeps on pushing me to date girls that I don't even know and tomorrow, we will have a family reunion she told me that she'll introduce me to my fianće. I don't want to settle down yet, I'm only 21 and I don't want to rush things."

"So, ano yung gusto mong gawin ko?" Kawawa naman pala tong si Eiffel, binubugaw ng Nanay niya.

"Be my pretend girlfriend, just for tomorrow. Please, Gracey. I badly need your help on this. You're my Wonderwoman right?"

*********

A/N: Mahabaaaaaaa. Sorry. XD. Pasensya. Salamat pala sa mga nagbabasa. Kung meron man.

VOTE, FOLLOW MEEEE, AND BE A FAN. Comment comment din.

Ang Pinagtagpo Na Hindi TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon