Chapter 3: Wallet

12 3 0
                                    

Nakauwi na ako't lahat-lahat pero ayon, kinokonsensya ako sa ginawa kong pang-iiwan kay Eiffel. Kasi naman, hindi ko namalayan ang oras eh. Ang sarap ng kain ko at titig ko sa kanya. Yan, maharot ka kasi. Heh! Nagwapuhan lang, maharot na?

"Arf arf!" Sumampa si Ruffles sa kama ko, at dinila-dilaan niya ang pisngi ko. Malamang, gutom na 'to. Naglalambing na eh. Si Ruffles lang ang kasama ko sa bahay wala na si Mama eh. Yung Papa ko, ni minsan hindi ko nakita, ang sabi ni Mama may ibang pamilya at namatay na din daw yun. Pero wala naman akong pakialam sa kanya, I'm happy, being alone.

Hindi ako loner, pero hindi rin ako yung tipo ng tao na nasa loob ng isang circle of friends at sobrang dami ng kaibigan. Friendly ako, oo. Para sakin kasi, pag madami kang kaibigan madami ka ding kailangan na i-please, madami kang expectation na ibabagsak ka din pagdating ng panahon. My friends are enough. Yung mga taong meron ako ngayon, kuntento na ako sa kanila. Kasi ayokong maiwanan ako, at iiyak ako uli dahil sa mga "so-called-bestfriend" na pag nakakita ng bagong kaibigan, eh mang iiwan.

"Arf arf!" Nako, nagugutom nga pala 'tong anako ko. Andami kasing daldal eh. -_-

Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang mga drawer ko sa kitchen.

"Nako wala ka ng pagkain, Baby. Teka bibili tayo okay?" Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa ko pero wala don, kinuha ko ang bag ko at nagbaka sakali na nandun ang wallet ko pero wala din dun yung wallet ko. Hala?!

Halos ibaliktad ko na ang buong bahay ko, pero wala yung wallet ko. Nakakaiyak, yun na nga lang ang natitira kong pera tas mawawala pa. Baka naman nadukutan ako habang naglalakad pauwi? Hinilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko.

Sa 15 pa ang sweldo ko, 10 pa lang ngayon. Papaano ako nito? 5 days pa ang bubunuin ko bago ako maka-sweldo. Isa akong DJ, pero part time lang yun. Minsan may racket, kailangan kong mabuhay para sa sarili ko eh. -_- Wala naman akong aasahan sa kahit sino.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng wallet ko ng biglang may bumusina sa labas ng bahay ko, tumayo ako at lumabas. Nakita ko si Eiffel na nakatayo sa may gate at nakatingin sa akin. Nilapitan ko siya at pinagbuksan ng gate.

"Napadaan ka?" Sa halip na sagutin yung tanong ko eh itinaas niya yung kamay niya, tinignan ko yun at nandun yung wallet ko.

"Jusmiyoooo. Nako! Buti naman nasa'yo 'to. Akala ko nawala na. Iiyak na sana ako, buti dumating ka. Nako." Kinuha ko yung wallet ko at niyakap ko yun at pumikit na parang tao yun na matagal kong 'di nakita.

"You forgot that on the table, hahanapin sana kita. Kaso na-realize ko na masyadong malaki yung school para mahanap kita. So, I just went here." Malumanay niyang sabi, grabe ha? May ganito pa pala talagang lalake eh noh.

"Thank you, thank you talaga! Akala ko nawala na talaga 'to eh. Nga pala, pasok ka?"

"Hindi na, I just dropped by, para ibigay yan sayo. May pupuntahan din kasi ako. So, pano? Bye. Ingatan mo 'yan sa susunod."

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin. Sumakay na siya sa sasakyan niya at pinagmasdan ko ito na unti-unting lumiliit dahil papalayo sa'kin.

Sinarado ko ang gate at tinignan ko si Ruffles na nakasunod lang sakin. "May pambili na tayong pagkain Ruffles!"

Binuklat ko ang wallet ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay. 250 pesos na lang pala ang laman ng wallet ko. -_- Magkakasya pa kaya 'to ng 5 days? Nakakaiyak. Sana naman magka-racket ako para magkaroon ako ng pera.

Isinandal ko ang sarili ko sa sofa, at nag-isip ng paraan kung paano ko pagkakasyahin ang 250 sa loob ng 5 araw.

Alam ko na! Tatawagan ko na lang si Cindy. Malamang may pera yon! Kinuha ko yumg cellphone ko at i-dinial ang number ni Cindy. Masigla kong tinapat sa tenga ko ang cellphone ko. Sa wakas magkakapera na din ako. ^^

Ang Pinagtagpo Na Hindi TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon