Chapter 2 : His Name

11 3 0
                                    

"Hoy Grasya! Tawag ka." Napabalikwas ako sa kinauupuan ko. Para nanaman kasi akong nawawala. I mean yung utak ko nawawala. Iniisip ko pa din yung pangalan ng lalake kagabi. Sana kasi tinanong ko na lang agad, di sana hindi ako tuliro ngayon.

" Ms. Gracey, are you with us?"

"Yes, sir. Sorry sir." Yan, napagalitan ka tuloy ng Sir mo, panay kaharutan kasi yung nasa isip mo dyan eh. At sumabat nanaman ang mahadera kong konsensya. Kahit kelan talaga oh. Nag discuss lang ng konti yung prof namin, tas after non umalis na.

Pero nakaalis na't lahat lahat yung prof namin, wala manlang information na pumasok sa utak ko dahil talagang lumilipad ang isip ko.

Nabo-bother din ako sa sobrang sakit ng tyan ko. Parang feeling ko kailangan ko magbanyo. Wala naman akong ibang kinain mula kanina. Kanina pa din ako ganito, sumasakit ang tyan at parang kailangan ko na talagang magbawas.

Lumabas ako ng room namin at tinungo ang comfort room, papasok na sana ako ng bigla akong may marinig na ingay. Ano away nanaman? Super hero ba ako? Ako ba si Captain Barbell kaya nakakarinig ako ng mga away at ililigtas ko sila?

Hinanap ko kung nasaan yung nag aaway, sa comfort room pala ng lalake!

"Hoy! Tigilan niyo yan!" Mala-hero kong sabi. Sasabihin ko pa sanang 'Ako ang harapin niyo!' Kaso mukhang hindi ko sila kaya. Mga lalake sila eh!

"Wag niyo siyang awayin! Lumayas kayo diyan!" Tumingin sa akin yung lalake na isa. Mukha siyang tulingan, kala mo naman ang gwapo niya!

"At sinong aawayin namin? Ikaw?!" At lumapit siya sakin at kinuwelyuhan ako. Aba gago to, napatol sa babae! Binayagan ko siya. Sabi ng mga pinsan ko ganun daw dapat ang gagawin ko pag na aagrabyado ako ng lalaki. Hit them where it hurts the most! Sa balls syempre.

"Aray! Putangina!" Napahawak siya dun sa ano niya.

"Tara na! Umalis na nga tayo dito! Pabayaan niyo na yan!" Sabi niya sa mga kasama niyang mukha ding tulingan. At mamaya maya'y tinuro niya ako.

"At ikaw?! Hindi ka pa tapos sakin! May araw ka din sakin!" Sabay nag retreat na sila at nilapitan ko yung lalaking nasa sahig.

"Ikaw nanaman?" Ang sabi ko sa lalake. Siya rin kasi yung lalaki kagabi na gwapo at mabango. Tumingin lang siya sakin saglit at tumungo siya ulit.

"Talent mo ba talagang maging lampa?" Sabi ko. Pero hindi pa rin siya naimik, sa halip ay pinilit niyang ngumiti sa akin. At saka siya tumayo. Nakonsensya tuloy ako bigla sa sinabi ko sa kanya. Inalalayan ko siyang tumayo, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang wala naman siyang galos o sugat.

"Hindi ka ba nasaktan?" Nag-aalala kong tanong, umiling lang siya. Ganito ba talaga siya katahimik? Kahapon iilan lang din yung lumabas sa bibig niya. Ano 'to? Man of few words lang ang peg? Lumabas kami ng Boys CR, at may ilan ilang babae ang papasok sa Girls CR, nakatingin sila samin na para bang may ginawa kaming masama.

"Yuck baka may ginawa sila sa loob ng CR."

"So disgusting." Bulong pa nung isa, ang kakapal naman ng mukha neto. -_- Porke galing CR ng lalaki ganon na agad? Masyadong mga judgemental.

Tinignan ko tong kasama ko, blanko, wala manlang kahit anong mababakas na expression sa mukha niya. Heartless ba 'to? O sadyang emotionless lang? -_-

Magkasabay kaming naglakad sa hallway, medyo mabilis siyang naglalakad kaya naman patakbo-lakad yung ginagawa ko, gets niyo ba ako? Basta yun. Pinilit ko siyang sabayan sa paglalakad niya. Ano 'to, hindi manlang magpapasalamat?

"Salamat." Sabi niya, ng hindi manlang tumitingin sakin. May sakit ba akong nakakapandiri? May dumi ba sa mukha ko? Nakakapraning naman kapag ganito yung kausap mo eh.

"Ahm, l-let's eat my treat." Nauutal niyang sabi, kasabay noon ay ang pagpula ng tenga niya. Bakit naman namumula yung tenga neto?

"Bat namumula yung tenga mo?" Amused kong sabi, ang cute kasi na makakita ng lalake na namumula yung tenga. Lalong namula yung tenga niya sa tanong ko. Bahagya akong ngumiti, nagtuloy na siya sa paglakad at ako naman tong nakasunod lang sa kanya. Grabe ha? 'Di manlang pinansin yung tanong ko?

Baka naman di lang niya narinig di'ba? Echosera ka.

Aish. Oo na, Oo na. Ayan nanaman yung sabatera kong konsensya. Mananahimik na nga ako. Pagdating namin sa cafeteria ay pinaupo niya ako. Tas iniwan niya ako at siya yung pumunta sa may counter at bumili ng pagkain. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Date ba 'to?

'Di ka lang talaga echosera no? Assumera ka pa. Bilib na talaga ako sayo.

"Aish, Sabatera ka talaga no? Masama bang isipin ko na date to? At saka tinatanong ko lang naman. Sagot ka ng sagot dyan."

"Huh?" Sa kakasaway ko sa mahadera kong konsensya eh hindi ko napansin na nasa harap ko na pala ang lalaking 'to. Nakakahiya tuloy, bwisit kasi eh.

"Ahm, ano wala!" Sabay ngumiti ako. Umupo siya sa harap ko, tinulungan ko naman na ilagay yung mga pagkain na nasa tray sa lamesa. Andami ah? Bibitayin ba ako mamaya? Papapatay niya na ba ako dahil sinabihan ko siyang lampa? Hala! Oo nga, sinabihan ko pala siyang lampa. Nako.

"Uy, sorry kanina ah? Dun sa ano, ahm ano. Yung sinabihan kitang lampa. 'Di ko naman sinasadya yun eh." Tinignan niya lang ako at nginitian. Nagsisimula na siyang kumain.

"Kain ka na din." Malumanay niyang sabi, bakla siguro 'to. Kaya ang lamya magsalita. Lampa na, malamya pa. -_-

Nilapag ko ang kamay ko sa table, at nilapag niya din ang kanya at hinawakan niya yung kamay ko. Naglapat lang OA ka. Heh! Kahit na!

"S-sorry." Sabi niya sabay tanggal ng kamay niya sa kamay ko, napansin niya sigurong nagulat ako. Nanlake yung mata ko dun eh. Kumuha ako ng burger na nakahain sa mesa namin, kakagatin ko pa lang sana pero napansin kong nakatingin siya sa akin. Eto yata yung mga nababasa ko sa wattpad, yung magkakatitigan kayo tas bigla kang hahalikan. OMG, no not my first kiss. Assuming ka talaga noh?

"Pakealamera ka talaga noh?"

"Ako?" Nakatitig siya ng diretso sakin habang ako ngumingiti ngiti sa kanya.

"Hindi, hindi ikaw noh. Ano kasi eh. Basta! Kain na lang tayo, tsaka pwede 'wag mo ko masyadong titigan, nahihiya akong sumubo dito baka malusaw ako sa ginagawa mo eh." Ngumiti ako sa kanya, papansin talaga tong mahadera kong konsensya, ilang beses na tuloy akong nagmukhang tanga na parang may kinakausap dito. -_-

Kasalan ko? Sagot ka ng sagot jan? Ano baaaaaaaaa. Manahimik ka nga muna. -_-
Tahimik kaming kumakain, ang awkward naman. Nakakaramdam ako ng awkwardness for the first time, hindi naman kasi ako nakiki-hang out sa mga lalake. Well except dun sa mga pinsan ko. Kaya nahihiya ako.

"Anong pangalan mo?" Pagbabasag ko sa awkwardness na nararamdaman namin parehas.

"Eiffel Skyrix Montero. Ikaw?" Wow, pangalan pa lang pang rich kid na. Eh samantalang ako, sobrang plain ng pangalan ko. -_-

"Gracey Allen Kim. Ang plain noh? Nanay ko kasi eh."

"Maganda nga eh." Eto na ba yon? Nag f-flirt ba 'to? Or is he hitting on me? Tanga, compliment yan.

"So, Chinese ka pala?"

"Yeah. Half lang, half Chinese-half Dyosa!" I said proudly, na siya namang kinatawa niya. Nag-continue kaming kumain, syempre balik ako sa katahimikan.

Tinitigan ko na lang siya habang nakain siya. Nakayuko naman kasi siya eh. Bakas pa din ang ilang mga bruises sa mukha niya. His jaw looks like it was carved by a famous artist because of it's perfectness. Matangos din ang ilong niya, at mahahaba ang mga pilikmata niya. And I also noticed his dark brown eyes, that can capture every girls heart.

Habang tinitignan ko siya ay biglang umilaw ang phone ko, na siyang dahilan para makita ko ang oras.

"Shit.." i cussed under my breath "..May klase ako." Tinignan niya ako.

"Oy, salamat ah? May klase pa ako! See you around." At nagmamadali akong tumakbo papunta sa klase ko. Shit, shit! Late na ako. Landi landi ko kasi. Well, at least I got his name!

*************

Vote. Read. Comment. Support. Thank you :)

Ang Pinagtagpo Na Hindi TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon