Chapter 5: Boss Sky

3 3 0
                                    

Ilang araw na akong puyat dahil in demand ako sa bar na pinagkakantahan ko. Pero okay lang, kasi malaki naman talaga yung pinapasahod nila sa akin dito. At araw-araw pa. Malaking tulong yun sakin lalo na't marami-rami ang requirements ng graduating.

"Girl, kanta ka pa daw ng isa! Bago ka umalis. Si Boss Sky yung nagre-request eh." Sabi ni Motherskie, yun daw kasi ang itawag ko sa kanya. Korni, pero okay na din. Andito ako sa bar na pinagtratrabahuhan ko ngayon. Mag e-eleven na nga mg gabi. As usual, overtime nanaman ako. Pero, yun na nga pag overtime syempre, may extrang bayad. Pero I wonder kung sino yung Sir Sky, ni minsan kasi hindi ko pa siya nakikita. Sabagay, mag i-isang linggo pa lang naman ako dito.

Umakyat na ako sa stage para kumanta, luminga-linga ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ko si Sir Sky sa palagid. Gwapo kaya yun? O kaya baka matanda na.

Akala ko, isang kanta lang yung kakantahin ko. Hanggang sa may nag request ng nagrequest, hanggang sa umabot yung isang kanta dapat sa limang kanta. Pagkatapos kong kantahin ang Love you like a love song ni Selena ay bumaba na ako ng stage at hinanap si Motherskie. Sana malaki yung kitain ko ngayon. Wish ko lang talaga.

"Motherskie, ahm ano po uuwi na po kasi ako. Gabi na din po kasi, at may exam pa po ako bukas." Ngumiti siya sakin, atsaka dumukot sa bulsa niya.

"Oh yan Girl, ang galing galing mo talaga! Pak na pak ang mga performance mo. Kaya lang bumili ka ng bagong damit Girl! Makailang beses mo ng sinusuot yang dress mo." Tumango naman ako sa sinabi niya inabot niya ang sobre sa akin na naglalaman ng sweldo ko.

" 5 kiaw yan Girl, nako! Makakabili ka na nga balur dahil sa ganda ng boses mo!" Ngumiti lang ako sa kanya at saka nagpaalam na. Malaki nga yung sweldo ko talaga. Tinignan ko yung relo ko, ilang minuto na lang mag t-twelve na. Sana may masakyan pa akong taxi pauwi.

Pagkalabas ko ng bar ay nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan naka-park sa harap nito. Tinignan kong mabuti yung sasakyan. Teka, kay Eiffel 'to ah? Walang ibang tao sa loob kundi yung driver niya lang. Asan kaya yun?

Bigla na lang may lumabas sa may pintuan ng bar na pinagtratrabahuhan ko. Si Eiffel yun. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?

"Gracey?"

"Ay oh?! Eiffel andito ka pala. Ahm ano, anong ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang. Pauwi ka na ba?" Sabi niya habang nakapamulsa.

"Ah, Oo naghihintay lang ako ng masasakyan na taxi."

"Tara. I'll drop you there." Ano daw? Ilalaglag niya ko dun? Ay ihahatid pala! Feeling ko nag pa-palpitate ang puso ko. Grabe ha? Crush pa lang 'to Grasya pano pa pag nainlove ka na? Baka maglupasay ka dahil sinabihan kang ihahatid ka. -_-

"Ay nako, wag na ano. Nakakahiya." Pabebe mode on, kunyari ayaw pero gusto din para makatipid sa pamasahe. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya. "Hop in." Maigsi ngunit mala-authority niyang utos. Ayos 'to ah? Sumakay na ako sa sasakyan niya.

Ang bango sa loob, amoy na amoy yung pabango ni Eiffel. So, air freshener pala yung pabango ni Eiffel? De, biro lang. XD

"Sa bahay niya, Manong." Pagkasabing pagkasabi niya non eh pinaandar na ni Manong yung sasakyan. Ba't kaya may driver 'to? Pwede namang siya yung mag-drive. Tinignan ko siya, seryoso siyang nakatingin sa cellphone niya at scroll siya ng scroll. Gusto ko sanang silipin kung ano yung ginagawa niya, kaya lang baka mapagkamalan akong usisera.

"You have an angelic voice." Sabi niya habang nakatingin parin sa cellphone niya.

Tug-tug-tug-tug, nag-paltipate yung puso ko, tumaas ang blood pressure ko, umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Pulang pula na ata ako, feeling ko puring-puri na ako. Kinikilig naman ako sa kras ko, purihin ba daw ang boses ko? Sobrang nakaka-flattered.

"Napanuod mo ko?" Sabi ko, kunwari di ko alam pero alam ko naman gusto ko lang ng confirmation. Tsaka kasi nung tumingin ako sa paligid ko kanina, wala naman siya.

"Yeap, I was there the whole time. Napanuod ko lahat ng performance mo." Weh? Gusto kong sabihin pero 'wag na lang. Nakakahiya, ayoko naman masabihan na feeling close ako. Oo nga, magkaibigan kami, pero 'di pa naman kami close na close. Sobrang mysterious nga nito, ako nga lang yung dumadaldal tuwing magkasabay kaming kakain sa cafeteria.

"We're here."

"Ang bilis naman, dito muna ako." I whispered to myself, wish ko lang 'di niya marinig. "Huh?" Sabi niya sabay tingin sa akin.

"May sinasabi ba ako? Wala akong sinasabi. Bababa na ako." Nginitian ko siya atsaka ako bumaba ng sasakyan niya, bago ako tuluyang makababa ng sasakyan niya eh nilingon ko muna siya.

"Salamat." Sabi ko at sinara ko na ang pinto. Umandar na uli yung sasakyan niya at saka pumasok na din ako sa apartment ko.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ko, nakita ko si Ruffles na naghihintay sakin. Agad ko naman siyang kinarga, pinakain ko naman 'to bago ako umalis. "Hi, Baby. I missed you, namiss mo ba si Mommy?" Tumahol naman siya. Nakakatuwa talaga 'tong asong 'to eh, feeling ko tuloy naiintindihan niya ako eh.

Umupo ako at isinandal ko ang sarili ko sa sofa. Inaantok na ako, pero 'di pa ako makatulog. Mag o-one na ng madaling araw. May exam pa ako bukas. Kailangan ko ng makatulog.

Ipinikit ko yung mata ko.

Idinilat ko ulit, tas pumikit ulit ako.

Dilat.

Pikit.

Dilat.

Pikit.

Dilat.

Pikit.

Dilat.

Napa-facepalm na lang ako bigla. Hindi ako makatulog, pero antok na antok na ako. Tinignan ko si Ruffles, mabuti pa siya ayun masarap ang tulog. Samantalang ako antok na antok na.

I stared at the ceiling. Kung ano-anong pumasok sa isip ko. Kamusta na kaya yung long lost bestfriend ko? Nako, malamang hindi niya naman ako iniisip.

Hm. Naalala ko tuloy si Eiffel, nasa bar siya kanina. Hindi ko talaga akalain na ang mga tulad ni Eiffel na lalaki, yung tahimik. Cold, well actually hindi naman talaga siya cold. Mukha lang, dahil sa mata niya, mukha siyang suplado. But when you get to know him, masaya naman siyang kausap.

Although most of the time ako lang yung nagsasalita. Tahimik kasi siya eh, kung ako madaldal siya naman yung tipo ng taong makikinig lang.

Observer akong tao, kaya naman yun yung napansin ko sa kanya nitong mga nakaraang araw na nagkakasama kami. Hindi niya rin hilig mag-comment sa mga ikinikuwento ko, like what I said listener lang talaga siya.

Magsasalita lang siya pag kailangan, sobrang lumanay pa. Alam mo yung malalim yung boses niya pero sobrang calming pakinggan dahil malumanay siyang magsalita.

When it comes to girls, ayun nginingitian lang naman siya ng lahat ng girls sa campus. Pero siya, ayun dedma. Ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya. Bleh. I smiled at the thought. Ilusyonada. Heh! But in ka ng but in.

Pero bakit kaya siya andun sa bar kanina?

Eiffel Skyrix Montero. Eiffel Skyrix Montero. Teka nga? 'Di kaya? 'Di kaya siya si ano.

'Di kaya siya si Boss Sky?

**************

Ang Pinagtagpo Na Hindi TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon