Chapter 6: Boyfriend

6 2 0
                                    

"Ugh! 5 minutes pa! Ruffles 'wag mo muna ako gisingin. Inaantok pa ako." I sleepily groaned, antok na antok pa ako. Ayoko pang bumangon. Nakasubsob pa ako sa unan ko dahil nakadapa ako, ayokong makakita ng liwanag hindi ko na maipagpapatuloy yung tulog ko pag nakakita ako ng liwanag. Naramdaman ko kasing may umaalog sakin. Teka, hindi naman kaya ni Ruffles na alugin ako. Nagmulat ako ng mata at nanlaki agad ang mga mata ko ng nakita ko kung sino ang nakadagan sa akin. "Zeeeeeed!" Sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

"Ambaho pa ng hininga mo Gracey, atsaka may panis na laway ka pa! Ano ba." Wow, sungit-sungitan 'tong panget na 'to ah. Tsaka paano 'to nakapasok dito sa bahay ko basta-basta?

"Hoy, may lahi kang akyat-bahay no? Pano ka nakapasok dito?" Sabi ko habang inaayos ko ang pagkakaupo ko sa kama.

"Excuse me, wala sa lahi natin ang akyat-bahay. 'Di mo kaya nilock yung pinto. Pano kung ibang tao ang pumasok dito? At nilooban yung bahay mo? Ninakawan ka. Tas rereypin ka, ay hindi yun kasama kasi kung ako dun sa magnanakaw di kita papatulan ang baho ng hininga mo." Dire-diretso niyang sabi, wala talagang preno yung bibig nito kahit kailan. Mabaho ba talaga yung hininga ko? Tinapat ko yung palad ko sa bibig ko saka ko hiningahan yun at inamoy. 'Di naman masyado eh! Slight lang, OA lang 'to.

"Oh, kitam? Inamoy mo pa? Buti hindi ka namatay?" Binato ko siya ng unan, tumayo ako atsaka pinag tulakan siya palabas ng kwarto ko.

"Hoooy! Yung almusal naka handa na! Bilisan mo diyan, pero magtooth brush ka muna, maawa ka sakin!" Pahabol niya pa bago ko tuluyang maisarado ang pinto. Malakas talaga ang tama nong si Zed. Sa lahat ng pinsan ko 'yan ang pinaka close ko. Pinsan ko siya, sa mother side syempre. Chic magnet yang si Zed, nako pati pala beki. Papano ba naman eh ang gwapo niyang singkit ano. Zed Daniel Ocampo ang buo niyang pangalan. Ocampo yung surname ng Mama ko. So, kapatid ng Mama ko, ang Papa niya. Parehas kaming nag-aaral pero 'di parehas ang school namin. Nakakaangat sila sa buhay, at literal na nakaka-angat dahil masyadong marami ang family business nila Tito Trevon.

Minsan na nga nila akong inalok na ampunin daw nila ako, o kaya naman sila na ang mag paaral sakin pero tinatanggihan ko lang 'to ng paulit-ulit, hindi ako nagmamalaki ah? Gusto ko lang talagang maging independent. Kaya yun.

Pagkatapos ko maghilamos at mag toothbrush eh lumabas na ako ng kwarto at nakita si Zed na lumalamon na sa may sala.

"Hoy, ang kapal mo di mo manlang ako hinintay."

"Bakit nasayo ba yung kaldero?" He said sarcastically, bastos talaga 'to kausap kahit kailan. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng makakain, uupo pa lang sana ako ng biglang may marinig akong busina.

Bago pa man ako makapunta sa pinto eh inunahan na ako ni Zed.

"Sino ka? Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" Siga niyang tanong. Ganyan yan, masyadong over acting at over protective kuno, kasi kuya ko daw siya kahit na magkasing-edad lang kami.

"Ahm. W-where's Gracey?" At narinig ko yung pamilyar na boses na yon. Kaya naman tumayo ako para sundan si Zed, at nakita ko don si Eiffel ma madilim ang mukha. Malamang na i-intimidate siya sa gago kong pinsan. -_-

"Bakit, anong kailangan mo sa kanya? Tsaka hindi ka ba marunong mag-Tagalog? 'Wag mo kong Englishin, nasa Pilipinas tayo."

"I'm going to fetch her. Where is she?" Ano ko aso? Fetch talaga? Tumingin siya sa likod ni Zed, nakita niya ako at nagliwanag ang mukha niya. Imagination ko lang ata yon. Pero hindi eh. Para talagang nagliwanag yung mukha niyang madilim kanina.

"Bakit sino ka ba? Driver ka ba niya?" Binatukan ko bigla si Zed. Gago talaga 'to eh.

"Aray naman Gracey! Ano ba ansakit non ah!" At ayon ginantihan niya ako hanggang sa nauwi sa kilitian. Weakness ko kasi yun, lalo na pag sa tagiliran nako.

Natigil lang kami ng nag clear ng throat si Eiffel. "Dyan ka na nga! Papasok na ko. Hugasan mo yung pinagkainan natin!"

At yun hinatak ko na si Eiffel sa braso niya palabas ng bahay. Sumakay kami sa sasakyan niya, tahimik lang kami habang nasa byahe, pero biglang nagsalita si Eiffel.

"Ahm. Is he your boyfriend?" Napatingin ako sa kanya, namumula yung mukha niya. Parang hiyang hiya siyang magtanong sa akin.

"Hindi ah! Pinsan ko yun! Hindi ba kami magkamukha?" Sabi ko atsaka ko oooginaya yung itsura ng mukha ni Zed kanina. Tumawa naman siya.

"Oo nga magkamukha kayo." He chuckled. After that conversation eh bumalik kami sa katahimikan. Kaya naman naisipan ko magtanong tanong ng kung ano-ano sa kanya.

"Hm, Eiffel. Anong nickname mo?" Nakatingin ako sa kanya, habang siya eh nakatungo at seryoso sa Ipad niya. I wonder what is he doing on his Ipad. -_- Ang corny ko mag-English.

"Sky. My Mom calls me Sky and so my cousins and other relatives." Sagot niya habang nakafocus pa din ang paningin sa Ipad niya.

"Walang tumatawag na Eiffel sayo?" Umiling siya, tas tumingin sa akin.

"Ikaw lang." Tas ibinalik niya na ulit yung tingin sa Ipad niya. Tumango-tango ako. Parang ang special special ko naman dahil ako lang yung tumatawag sa kanya ng Eiffel. Heh! Ang harot mo eh pwede namang di lang nila yun kayang bigkasin at ikaw lang ang may kaya kaya ganon. Sabatera ka nanaman? Sabatera ka nanaman! Nako, kung wala lang akong konsensya pinatay na kita. Duh, ako kaya yung konsensya mo. Bopols. Ay, Oo nga.

"Ahm. Eiffel, nga pala bakit mo ko sinundo sa bahay? May pamasahe naman ako." He glanced at me tas yumuko kumunot ang noo niya na para bang nag-iisip tas bigla siyang namula.

"A-ano. Ah kasi napadaan ako dun kanina. So, I decided to fetch you there."

"Ahhhhhh." Lumingon ako sa may bintana, at ngumiti. Putanes naman oh. Anak ng tinupak. OMG. Feeling ko talagang sinadya niyang sunduin ako eh! Kasi crush niya ko. Mga ganon. Yie. Crush niya ko.

Assuming ka talaga eh no?

Okay, ayan nanaman siya. Omygod, So PM. Panira ng Moment. Grabe.

Nag-stop na yung kotse, nasa parking lot na pala kami ng school. Bumaba na si Eiffel, at sumunod ako. All-smile ako nung bumaba ako syempre. Kinikilig ako, sa iniisip ko 'wag kayong panira.

Naglakad kaming magkasabay ni Eiffel, this is normal kasi simula nung inalok niya akong maging friends kami eh lagi kaming magkasabay kumain, tas magkasabay maglakad sa hallway. Pero feeling ko iba 'to eh. Oh normal naman talaga 'to pero ako lang yung abnormal?

Agree ako diyan sa sinabi mo. For the first time may nasabi ka ring tama. I just ignored her, ang konsensya ko.

Pero feeling ko talaga hindi 'to normal. Maybe because, sinundo niya ako. Kaya ganon.

"G-gracey. Hatid na kita sa room mo. Okay lang?" Namula nanaman siya. Nahihiya siya pag ganyan. Nakakatuwa talaga pag ganyan siya eh. Ang cute. Hahaha!

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Pero deep inside, mamatay-matay na ako sa kilig.

At ganun na nga, hinatid niya ako. Pinagtitinginan kami ng mga tao, especially mga babae. Hindi dahil maganda ako ha? Don't get me wrong, pinagtitinginan nila kami kasi gwapo 'tong kasama ko. At naiinggit sila. Hala sige! Maglaway kayo! Bwahahaha.

Ganun ang eksena hanggang sa makarating kami sa room ko.

"Dito na ako." Nginitian ko siya, I'm trying my best to hide my feels ayoko nakakahiya baka maibato ko lahat ng gamit sa loob ng room sa sobrang kilig ko.

Nginitian niya ako. Wooh. Putek, muntik ng malaglag ang panty ko dun. Buti na lang masikip sakin. De joke lang!

"Thank you." Ang sabi ko.

"You're going to pay for that." Seryoso niyang tingin sa akin.

"Ha?"

"May bayad yan. Uhm---" He scratched his nape. "--Dinner later? I'm going to tell you something."

"Pwede bang humindi?" Pabebe kong sabi. Kinikilig ako. Pero ayokong ipakita yon. Baka sabihin niya crush ko siya.

"No, you can't refuse to my offer. I have to go, I have classes to attend to. See you later." He smiled, tas yun na. Nilayasan niya na ako. Iniwan niya ako at ang puso kong naghuhurumintado sa kilig. Pwedeng magmura? Isa lang oh!

Isa lang!

Petengene! Kenekeleg eke!

*********

Ang Pinagtagpo Na Hindi TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon