"Arf-arf-arf" Kanina pa ako kinakahulan ni Ruffles. Pano ba naman kasi nahilo na siguro siya sa akin dahil kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto. Wala naman kasi akong matinong damit. Bakit ba naman kasi ako pa yung natripan ni Eiffel na maging pretend girlfriend niya! Andami namang naghahabol sa kanya. Sus, kunwari pang ayaw. Arte much? Oo na ginusto ko na. -_-
Sabi ni Eiffel mga 8:00 PM pa daw yun kaya wag daw ako masyadong magmadali. Sabagay, 4:00 PM pa lang naman. Pero kasi naghahanap ako ng susuotin. Kaiyaq naman 'to.
Nagkalat na yung mga damit sa kama, pero wala pa din akong mapili na susuotin ko. Nai-istress na ako. -_-
Ay, oo nga pala. Nag-absent ako sa bar kagabi. Tas absent nanaman ako ngayon. Hays. Pero sabi naman ni Eiffel kanina eh pinagpaalam niya na ako don. Feeling ko talaga siya si Boss Sky eh, yung may-ari ng bar ng pinagtratrabahuhan ko.
Chineck ko yung wallet ko, marami-rami pa naman akong pera. May 6 thousand pa ako mahigit na pera sa wallet ko. Last kita ko pa 'to dun sa bar. Bibili na lang siguro ako ng susuotin ko. Pero kasi nanghihinayang ako baka mamaya, bilhan ako ni Eiffel ng damit. Diba ganun yung sa telenovela? Pag niyayaya nung boy si girl na makipag date binibilan ni boy ng damit si girl, yung gustong suotin ni boy sa date nila. Cute.
Nag-vibrate bigla yung phone ko. Si Eiffel pala, nag text.
From: Eiffel Tower
I'll pick you up at 7:30 PM sharp, don't sleep okay? Wait for me. Thank you again.
Wag talaga akong matulog ha? Nadala na siguro dahil pinaghintay ko kahapon sa labas. Ansama mo talaga, Gresya. You're making your crush wait.
//
Nagpunta ako dito sa mall, kasi wala talaga akong matinong damit na maisusuot sa bahay. I don't like to look like a rug infront of the Montero Clan.
Pulang formal dress ang napili kong bilhin, at ng sinukat ko siya sa fitting room eh talaga namang nagulat ako sa Dyosa na kaharap ko sa salamin.
The dress looks perfect on me, it hugs the curves of my body and it makes my skin glow because of its dark color. Back less siya sa likod kaya mukhang di ako magb-bra neto. Nako.
Yun na yung binili ko at diniretso ko na yun sa counter. Pagkatapos ko dun, sa bilihan naman ako ng sapatos nagpunta.
Simpleng white na wedge shoes lang ang napili ko. Wala talaga akong kahilig-hilig sa takong, kaya wish ko lang makapaglakad ako ng maayos mamaya.
Grabe, sapatos at damit pa lang ang nabibili ko nakakaubos na ako ng 2 thousand. Nagpunta naman ako sa bilihan ng make-up, at bumili ng foundation, lipstick, eyeliner, at mascara. Okay na siguro yon. Yun lang naman ang alam kong i-apply sa mukha ko.
Nawiwindang ako sa pag sh-shopping na ginawa ko ngayong araw. I never went shopping, maliban na lang kung gamit sa school ang bibilhin ko. Pero atleast, nakabili ako ng damit ko. Magagamit ko rin 'to sa club na pinagtratrabahuhan ko. Para naman di paulit-ulit yung damit ko. Nakakahiya eh.
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay eh naligo na ako. Ilulugay ko na lang ang buhok ko, may curler naman ako. Aba, akala niyo naman mahirap na mahirap ako no? May mga gamit din kami, kasi nung nabubuhay pa si Mama, masyado siyang mahilig mag-aayos kaya may curler kami at plantsa sa buhok.
Naligo ako, pinatuyo ko yung buhok ko at saka ko yun kinulot. Ang ganda ko. Hahahaha! Hindi naman siguro masamang purihin ang sarili paminsan-minsan diba? Syempre suot ko na yung dress, inuuna tapaga dapat yung damit bago yung buhok. Kinulot ko yung baba ng buhok ko, atsaka ako nag make-up.
Mag 7-7 o'clock na pala. Masyado yata akong natuwa sa pagligo ko sa banyo. De, naghilod kasi ako ng maigi. Nakakahiya naman kasi kung may libag libag ako don, nako bonggang party yon no.
Katatapos ko lang mag-ayos ng makarinig ako ng busina sa labas nga bahay, si Eiffel na yon. Malamang. Kinuha ko ang pouch kong itim, inayos ko din ang pagkakalugay ng buhok ko.
Kiniss ko muna si Ruffles bago ako tuluyang lumabas ng pinto atsaka ni-lock yon. Nagtungo ako sa gate at nakita si Eiffel na nakatayo sa labas ng gate ko. Pagkabukas ko ng gate ay nakita kong napaawang ang bibig niya habang nakatingin sakin, pero baka imagination ko lang yon.
Naka puti siyang polo at naka blazer pa. Ang init init tas doble-doble ang damit niya. Pero infairness naman talaga, ang gwapo niya. Naka-heels na ako pero mas matangkad pa din siya sa akin.
"Hoy ha! Hindi ako natulog ngayon! Maaga pa lang nag-aayos na ako!" Ngumiti lang siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse, pumasok ako sa loob at ganun din siya. Umandar na ang sasakyan at yun, parehas kaming tahimik.
Nagsaksak siya ng earphones sa tenga niya, at busy nanaman siya sa Ipad niya. At ako? Nakatanaw lang ako sa bintana, pamisan-minsan eh nagkakanginan kami kaya mas lalo akong nilalamon ng hiya.
//
Tahimik lang ako hanggang pagdating sa venue, sa bahay nila Eiffel, anlaki. Nakakalula, nakakawindang. Nasa gate palang kami eh nilibot ko na ang mata ko sa party na nangyari sa loob bahay.
Andaming tao. Kaya lalo akong kinabahan.
Naramdaman kong nasa likod na ai Eiffel, hinawakan niya ang kamay ko habang papasok kami sa venue. Shems! Holding hands kami. Grabehan na 'to ha. Dahilan para tignan ko siya, at yun nahuli ko din siya na nakatingin sa akin.
"Your hand is cold, are you nervous?" Tumango lang ako.
"Don't be. I'm here." He give me an assuring smile. Medyo napanatag ako. Oo nga naman, kasama ko 'tong gwapong nilalang na 'to kaya bakit naman ako kakabahan.
Pagkapasok na pagkapasok namin, ay sinalubong kami ng apat na naggwagwapuhang lalake.
"Hoy, Sky! I missed you Bro." Sabi nung isa sa kanila. Tas nag group hug silang lahat, syempre group nga alangang isa lang di'ba? kaya umusog ako ng konte. Antatangkad nila kaya talaga namang OP 'tong height ko.
"Gay." Sabi ni Eiffel at nagtawanan sila.
"Hey hey hey, so sino siya?" ako yung tinutukoy niya, kasi sakin siya nakatingin eh.
"Oo nga, she looks pretty man. Pakilala mo naman ako diyan!" sabi naman nung isa. Wow, odi ako na maganda.
Hinawakan naman ulit ni Eiffel ang kamay ko, nanlaki ulit ang mata ko pero pinilit kong wag ipahalata dahil baka mabuking na nagpapanggap lang kami.
"Vince, Gab, Ethan, Michael, I want you to meet Gracey Allen Kim, my girlfriend. She's my girlfriend so, back off okay?"
Girlfriend. Girlfriend. Girlfriend. Processing. Processing. OMG, kinikilig nanaman ako. Mabuti na lang at madilim kasi talagang nagb-blush ako ngayon. Okay, okay, compose yourself nagpapanggap lang kayo. -_-
"Uh, Hi." Ngumiti ako sa kanila. Syempre baka masabihan ako na panay ngiti lang ang alam ko.
"Nako, bakit ka nagpaloko sa pinsan namin?" sabi nung Gab tas nagtawanan sila, pwera lang sa isa yung Ethan ata yun.
"Hindi naman ako nagpaloko, I just fell in love with him." I smiled, at tinignan ko si Eiffel na bakas na bakas ang pagkagulat sa sinabi ko, kaya nakita kong namula ang mukha niya pagkatama ng ilaw sa kanya.
Kung ano-ano pa ang sinasabi ng mga pinsan niya andadaldal nila, sadyang si Ethan lang talaga yung hindi nagsasalita at tinitignan lang ako na para bang sinusuri ako. Ang creepy. Baka crush niya ko. Hehehe. ^_^
"Please excuse us, I'll introduce her to Mom."
At yun na nga, nung narinig ko ang word na "Mom" eh talaga namang nag alert level ang puso ko, ambilis eh!
"Kinakabahan ka pa din?" He asked me, tumango lang ako.
"Don't worry my Mom will like you."
"Sure ka?"
"Yeah, I'm sure of that." He assured me, pero kabado pa din ako. Kaya tahimik lang ako habang nakikipagngitian sa bawat guest na makakasalubong namin.
"Gracey." Nilingon ko siya. Nasa kalagitnaan kami ng madaming tao.
"You're beautiful tonight."
***********
BINABASA MO ANG
Ang Pinagtagpo Na Hindi Tinadhana
RomanceHindi lahat ng taong dadaan sa buhay natin ay itinakdang panghabang buhay nating makasama. Dahil ang iba sa kanila ay pinahiram lang pansamantala, para makaramdam ka ng panandaliang ligaya. READ, AND FOLLOW ME :) Thanks!