CHAPTER TWO
PINILI ni Sir na pumuwesto kami sa dulong bahagi ng restaurant. Sa Aristoctrat sa Roxas Boulevard ako nag-suggest na mananghalian dahil naghahanap ito ng pagkaing Pinoy. He said he wanted to try something else aside from adobo. Paboritong restaurant iyon ng lola ko kung kaya iyon agad ang unang naisip ko.
Halatang iniiwasan nito na makilala ng mga tao. Nakayuko ito nang pumasok kami kanina sa restaurant at nakahawak sa bill ng baseball cap upang ikubli ang mukha sa mga tao.
Napapaisip pa rin ako kung gaano ba talaga ito kasikat na iniisip nitong posibleng makikilala ito ng marami. Ng mga Pilipino lalo? International star ba ito?
Kung tutuusin ay halos magkakamukha naman ang mga Koreano kaya ano ba ang ikinababahala nito? Hello. Hindi ito si Justine Bieber o si Chris Hemsworth na pwede agad ma-recognize ng mga tao.
Pero kung gandang lalaki ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang Koreanong ito sa aking paboritong Holywood actor na si Chris Hemsworth."Tomorrow, I want you to be at the hotel at exactly ten o'clock in the morning."
Pinukaw ng sinabi nito ang tinatakbo ng isip ko. Wala sa loob akong tumango.
"Do not be late," mariin ang apat na salitang idinugtong ni Sir. Parang ipinaaalala sa akin na late ako kanina.
"Noted, Sir," may pagtangong sagot ko. Ibinaba ko ang kubyertos at inabot ang Galaxy Note ko sa ibabaw ng mesa at tinap ang planner para makapag-set na ako ng alarm.
"This is good. What do you call this?" tanong nito sa pagitan nang pagkain.
"We call it kare-kare or stewed oxtail with peanut sauce, Sir," I explained. "It is best with this..." Itinulak ko palapit sa plato nito ang bagoong sa ramekin.
"이게뭐야?" [What is it?] Inangat nito sa tapat ng ilong ang ramekin. "It smells nasty." His nose wrinkled in disgust.
Napangiti ako nang kaunti sa nakita kong reaksyon nito. Medyo ang cute niya. Inabot ko ang kutsara sa plato nito at kumutsara ng maliit na bahagi sa bagoong at pinaibabaw sa karne sa plato nito.
"Try it."
Pinaglipat-lipat ni Sir ang tingin sa bagoong sa plato nito at sa akin. Tila naniniyak. Saka nito inangat ang kubyertos at dinala ang pagkain sa bibig.
Sa umpisa'y marahan at maingat ang pagnguya nito. Maya-maya'y nakita kong umangat ang dulo ng mga labi nito at may namuong tipid na ngiti. Sobrang tipid.
"맛있다." [It's good.] Nag-thumbs ito. Siguro'y nagustuhan nga nitong talaga ang lasa.
"I know you'll like it..." I smiled at him.
Nakangiti pa rin ako at saka nagpatuloy sa pagkain.
"How old are you?" mayamaya'y tanong nito sa akin.
Mula sa plato ay nag-angat ako ng tingin dito. "I'm twenty-one, sir."
"You're twenty-one?" Nagsalubong ang mga kilay nito at kumunot ang noo. "But you look like... 아줌마."
"Sir?" Naibaba ko ang kubyertos sa hindi ko naintindihang sinabi nito. "Aju-what?"
"Hmn... " May ilang sandaling parang pinag-isipan nito ang susunod na sasabihin. "How can I see it... hmn... aunt? You know?"
"Ant?" Mukhang na-lost in translation yata ako. There was no way that he could possibly mean na mukha akong langgam, matay ko mang isipin.
"Aunt... auntie."