CHAPTER FIVE
"야!" [YA!]
I let out a frustrated groan. Sa natutulog kong diwa ay naririnig kong may sumisinghal sa akin. Mapapatay ko kung sino man ang nanggigising sa akin. Pakiramdam ko'y kapipikit ko pa lamang at wala pa akong isang oras na natutulog.
"야! 일어나! 일어나!" [Ya! Get up! Get up!] anang may-ari ng tinig na wari ko ba ay sinisipa nito ako ng paa sa aking balikat.
"Ano ba... inaantok pa 'yong tao, e..." Nasundan nang malakas na pagsinghap ang sinasabi ko nang bumungad sa nanlalabo ko pang paningin ang mukha ni Sir. Namimilog ang singkit nitong mga mata sa akin. Napabalikwas agad ako nang bangon at nawala ang lahat ng hibla ng antok ko.
"Why are you in my room?" tanong nito na umayos paupo sa kama. Walang pakialam na naka-boxers lamang ito sa harap ko.
Mabilis na napatayo ako mula sa pagkakahiga sa paanan ng kama. Nang dumating ang itiniwag ko sa housekeeping na paracetamol at ipainom dito kaninang madaling-araw ay hinintay kong humupa ang lagnat nito. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa paanang bahagi ng kama nito.
Inabot ko ang salamin ko sa mata sa end table at isinuot iyon. Lumapit bahagya sa akin si Sir at sinuri ako ng tingin.
Inutusan ko ang sarili ko na hindi ibaba sa katawan nito ang aking tingin dahil boxers lamang ang nagtatakip sa puwedeng takpan sa hubad na katawan nito. Nagbalik na ang dating kulay ng mukha nito. Inilapat ko kaagad ang likuran ng palad sa ibabaw ng noo ni Sir at dinama iyon. Medyo napangiti ako nang maramdaman kong kasing lamig na ng ilong ng pusa ang balat nito.
"You were sick last night kasi, sir," sabi ko at napakamot ako ng batok. "I'm sorry I fell asleep in your bed while checking out on you."
Wala itong reaksyon. Nakatingin lamang ito sa akin. Ang maiitim nitong mga mata ay nakapako sa mukha ko.
Bigla akong na-self-conscious at bahagyang humakbang palayo rito. Lalo na at biglang nagbalik sa isip ko ang nangyari kagabi.
Oh, god. No. No, no, no.
Nangyari ba talaga ang nangyari kagabi? Now I wasn't even sure. Baka naman isa lamang iyong magandang panaginip? Napalunok ako ng laway at hinanda ko na ang sarili palabas ng silid.
"야!" [Ya!]
Napahinto ako sa pintuan nang bumulyaw ito. God, what was wrong with him? Lagi na lang nakasinghal. Nilingon ko ito.
"Salabat," sabi nito habang nagsusuot ng roba.
Napangiwi ako at muling napakamot ng batok. Saan naman ako maghahanap ng salabat? Sana meron niyon sa hotel. Dapat meron dahil de-klaseng hotel ito.
"Salabat for taking care of me," patuloy na sabi ni Sir na kamuntik ko ng ikatawa. "I wasn't feeling well since yesterday morning."
Napayuko ako upang itago ang ngiti ko. Kahit mali ang pagkakabigkas nito ng 'salamat' ay naroon naman ang sincerity sa tinig nito. Kaya pala parang malat ito kahapon. Tapos nabasa pa ng ulan.
Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung maa-amaze ako sa unang magandang pakikitungo nito sa akin simula sa unang araw na nagtagpo kami. Hindi ko rin gustong itama ang maling Tagalog nito. I found it cute.
"Are you well? Are you sick, too? Your face is red."
Napapitlag ako nang mapansin kong nasa tapat ko na pala si Sir. Nakatingin sa buong mukha ko. Bahagyang napaatras ako sa pagkailang hangang sa mapasandal ako sa pinto ng silid.