Chapter Eight

3.4K 135 9
                                    


CHAPTER EIGHT

"O, DIOS MIO, apo!" bulalas na salubong ni Lola Minerva sa pintuan nang makabalik kami ni Sir ng bahay. "Kanina pa namin kayo hinahanap ni Melchor. Saan ba kayo nagtungo?"

"Naabutan kami ng malakas na ulan kaya sumilong kami ro'n sa may kubo sa punong mangga," paliwanag ko nang magtuloy-tuloy kami ni Sir sa loob. Yakap-yakap ko ang sarili dahil nilalamig pa rin ako.

"Naku kang bata ka. Basang-basa ka. Maligo ka muna sa itaas sa banyo at baka magkasakit ka." Sinundan ako ni Lola hanggang sa salas. "At ipagamit mo muna ang kuwarto mo sa Sir mo at doon ka muna sa kuwarto ni Love."

"Nasaan pala si Love, 'La?"

"Nasa kusina at naghahanda ng hapunan." Dinaluhan ni Lola si Sir na yakap-yakap din ang sarili at parang basang tuta na nanginginig sa ginaw. "Joy, siguro naman ay kasya sa Sir mo ang mga dating damit ng papa mo, ano? Sa banyo sa kuwarto mo na ito paliguin."


NAPANSIN ko ang kapatid ko na nakaupo sa ibabaw ng kanyang kama na kaagad sinara ang laptop pagkapasok ko sa kuwarto nito. Doon ako nagbihis pagkaligo. Ginamit ko ang banyo sa labas at si Sir ay nasa kuwarto ko. Mula sa common bathroom ng kuwarto namin ni Love ay naririnig ko ang pag-agos ng tubig sa shower. Naliligo na marahil si Sir.

"What?" duda kong tanong sa kapatid ko habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya.

"Anong 'what'?" Halata ang pagmamaang-maangan nito. I knew my sister. I knew she was up to something.

My eyes narrowed with suspicion. Sinipat ko ng tingin ang laptop na nasa kandungan nito na kaagad nitong ipinatong sa ibabaw ng end table. Napansin kong naka-connect ang USB cable ng iPod Touch nito roon.

Nahinto ako sa pagpapatuyo ng buhok ko at bumaling ang tingin ko sa pinto ng banyo. Tapos pabalik kay Love. Pinamaywangan ko ito.

"Duh. Ate, ano ang iniisip mo?" she said, rolling her eyes.

"Bakit mo biglang sinara ang laptop mo pagdating ko? Baka mamaya naglagay ka ng spy cam or whatever sa banyo."

Natawa nang malakas ang kapatid ko. "Oh, my god, Ate! Hindi ako makapaniwala na may ganyan kang wild imagination!" Tumayo ito. "But I like it!"

Lalo na akong nagduda na may tinatago ito sa akin nang yakapin nito ako. "Naku, Love, a! Mahal ko ang trabaho ko."

"Ang trabaho mo ba talaga? O ang Sir mo?" Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin at humakbang sa tokador, may kinuha roon.

"Shut up, Love. Professional ako sa trabaho ko. And I am not his fan," depensa ko. "Noong nakaraang araw ko nga lang nalaman kung sino ito. Kayo lang namang mga fan ang baliw na baliw sa kanya."

"Okay. Sabi mo, e," 'di kumbinsidong tugon ng kapatid ko at may inabot ito sa akin na dalawang maliit na babasaging bote.

"Ano 'yan?"

"Contact lenses. In four days birthday mo na, 'di ba? Advance birthday gift ko 'yan sa'yo. Napaaga kasi ang delivery."

"Thank you." Inabot ko ang mga 'yon. Noon ko naalala kung bakit hiningi nito noon ang mga grado ko sa mata. "Pero... hindi kaya masakit isuot 'to?"

"Sanayan lang 'yan. Isuot mo na." Hinatak ako sa kamay ng kapatid ko at pinaupo sa gilid ng kama. Tuluyan ko nang napalagpas ang pagdududa ko rito.

The K-Pop Star and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon