Chapter Nine

3.5K 136 6
                                    


CHAPTER NINE

HINDI ko alam kung paano ako naka-survive sa hapunan na kalmadong kaharap sa mesa si Sir. Buong gabing nabulabog ang isip ko sa nangyari sa nagdaang araw na iyon. Maging sa pagtulog ko ay dala-dala ko pa rin sa isipan ang mukha ni Sir.

Bakit gano'n na lamang ba ito makatingin sa akin kanina?

Tulog na si Love sa tabi ko pero ako'y gising na gising pa. Pasado ala-una na nang madaling-araw at hindi pa ako dinadalaw ng antok. Paulit-ulit pa rin naglalaro sa isip ko na parang pelikula ang mga tagpo sa kubo. Nakayakap ito sa akin mula sa likuran at nakasandig ang kanyang ulo sa ibabaw ng aking balikat habang nakasaboy sa paligid ang mga alitaptap. Ngunit laging sumisingit sa eksena kung saan natumba ako sa sahig at nakadagan ito sa akin at titig na titig. Hindi ko maalis sa isip ang mga mata nito na kung makatitig ay parang takot itong mawala ako sa paningin nito.

Kung meron lang sana na plug na puwedeng hugutin upang magwakas na ang paulit-ulit na eksenang naglalaro sa loob ng ulo ko. Gusto ko na kasing matulog.

Napabuntong-hininga ako at tinakpan ko ng unan ang mukha ko nang muling magrehistro sa isip ko ang 'something' na naramdaman ko kanina habang nakadagan sa akin si Sir. Gusto kong magsisisigaw sa kilig. Ako na yata ang pinakamasuwerteng babae sa buong lupa.

Ibinaba ko ang unan sa tapat ng aking dibdib at niyakap iyon habang kusang gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi, feeling like a lovesick puppy. Hindi ako mapakali sa kama knowing na dingding lang ang nakapagitan sa amin.

Tulog na kaya ito? Itinagilid ko ang ang katawan ko paharap sa dingding na naghahati sa pagitan ng kuwarto namin ni Love. Sa likuran lamang ng dingding na iyon ay nakapuwesto ang kama ko kung saan doon natutulog si Sir. Naisip kong hindi ko na lalabhan ang mga unan at kumot na ginamit nito para hindi maalis ang amoy nito roon.

Parang hibang na napatitig ako nang matagal sa purple na dingding, inilapat ang kamay doon. Iniisip kong gising din si Sir at tulad ko'y nakaharap din ito sa dingding at iniisip din ako.

Nasampal ko ang sarili ko sa kahibangan ko. Napatuwid ako nang higa at napatitig sa kisame. Sumalubong sa paningin ko ang napakaraming posters ng mga K-Pop artist na nakapaskil doon. Hindi na nakontento ang kapatid ko na kulang na lang ay gawing wallpaper sa silid ang mga poster ng mga Koreanong iniidolo, pati ba naman sa kisame meron din!

Isang pamilyar na mukha ang nahagip ng paningin ko. Itinulak ko ang sarili ko paakyat pa malapit sa headboard upang matitigan nang mainam ang poster ni Sir.

Napatitig ako sa poster habang yakap-yakap sa ibabaw ng dibdib ko ang malambot na unan.

I hate you, bulong ko sa isipan, kausap ang larawan. Ngingiti-ngiti ka pa d'yan pagkatapos mo guluhin ang isipan ko at puso ko at pagkatao ko.

Hindi ko na namalayan kung gaano katagal ang sandaling lumipas na nakatitig lamang ako sa poster ni Sir at kinakausap ito sa isipan. Hanggang sa naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng aking mga mata.

"Saranghaeyo, sir," bulong ko kasabay nang paghikab nang tuluyang ipikit ko ang aking mga mata, at hayaan ang aking sarili na dalhin ng aking pantasya doon sa lugar kung saan totoong may fairytale.


HINDI nahirapang matunton ni Kuya Rodel ang address namin sa Baliwag kung kaya ala-sais pa lang ng umaga nang simulan na namin ang pangatlong araw ng paghahanap kay Marcelino Buenaventura.

The K-Pop Star and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon