Chapter Four

4.4K 142 27
                                    


CHAPTER FOUR

"걱정하지마." [Everthing is fine now.]

Nahimasmasan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Sir. Kaagad akong nag-angat ng tingin dito. Ang matinding takot at sindak ang dahilan upang bumunghalit ako ng iyak sa dibdib nito. Iyon ang pangalawang beses na umiyak ako nang labis simula nang mamatay ang mga magulang ko.

"울지마." [Don't cry.] Kahit hindi ko man naintindihan ang sinabi ni Sir ay mababakas naman sa tinig ang pag-aalala habang hinahaplos ang likod ko. Marahil ay may ideya ito kung ano ang nangyari. Ngunit bakit ito bumalik para sa akin?

Noong sandaling iyon ay wala akong nararamdamang anumang malisya kundi kaligtasan sa mga bisig nito.

"May yakapan agad-agad?"

Bigla akong kumalas sa pagkakayakap kay Sir nang marinig ko ang boses ni Kuya Rodel sa likuran nito. As usual, mapang-asar na nakangisi ito sa akin. Napanatag lalo ako nang makita ko ito.

Gusto ko sanang itanong kung bakit bumalik ang mga ito na labis ko namang ipinagpasalamat. Ngunit matindi pa rin ang panginginig ko kung kaya hindi ako makapag-isip ng sasabihin.

"'Saktong pag-andar ng sasakyan ay nakita ni sir na may dalawang lalaki sa bakanteng lote sa tabi ng apartment mo na tumalon mula sa bakuran mo. May dalang laptop at microwave oven," paliwanag ni Kuya Rodel nang marahil ay mabasa sa mga mata ko ang mga katanungan.

"S-salamat," may takot at nginig pa rin sa boses ko nang magsalita ako. Dumistansya ako nang kaunti kay Sir at nagpasalamat sa kanya. "Kamsahamnida."

He just smirked at me. Pagkatapos ay may dinukot ito sa bulsa ng maong pants nito, may inalabas na panyo. Inabot nito iyon sa akin nang hindi ako tinitingnan.

Pansin ko ang panginginig ng kamay ko nang abutin ko ang panyo nito. Pinahid ko iyon sa mga luha ko. Ngunit natigilan ako sa nakita kong galos sa kamao ni Sir.

Marahil ay napansin nito na tinitingnan ko iyon kung kaya pinasok nito sa bulsa ng pantalon ang kamay nito. Nilingon ko si Kuya Rodel and I threw him a questioning look.

"Inupakan ni sir 'yong dalawang nanloob sa 'yo. Nakatakbo sila pero nasa kotse 'yong mga gamit mo," paliwanag kaagad nito. "Ang galing nga ni sir! Hindi nakuhang manlaban iyong dalawa. Parang si City Hunter lang!"

Napatingin ako kay Sir. Nakagat ko ang lower lip ko upang pigilan ang sarili na mapangiti sa tuwa. Pakiramdam ko ba ay nasa isang pelikula at ako ang damsel in distress. Mabait ka naman pala, sabi ko sa kanya sa isip ko.

Nabigla ako nang bigla akong hawakan ni Sir sa ilalim ng aking braso at halos hatakin ako palabas.

"W-where are you taking me?" nagtatakang tanong ko.

"You're not safe here," sagot nito na nadala ako hanggang palabas ng gate sa tapat ng kotse nito. "Stay in my hotel."

"I'm okay now, Sir," sabi ko nang sa wakas ay mabawi ko ang braso ko sa pagkakahawak nito. Nabigla ako sa pinakikita nitong concern sa akin. Nakakakilig. Feeling ko ang haba-haba ng hair ko.

"Thank you so much. But I can take care of my self," pa-demure kong sabi. Sinikap kong huwag mag-blush kahit nararamdaman ko na nag-iinit ang mga pisngi ko.

The K-Pop Star and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon