Chapter Ten

3.5K 140 13
                                    


CHAPTER TEN

MALAMIG ang simoy ng hangin. Makulimlim ang langit. Basa ang bermuda grass na nakalatag sa buong paligid dahil sa nag-daang pag-ambon. Tila ba nakikidalamhati ang panahon sa kalungkutang nararamdaman ko nang sa wakas ay matagpuan namin si Marcelino Beunaventura.

Nakatayo si Sir sa tapat ng puntod nito. Walang imik at walang reaksyon ang guwapo nitong mukha. Nakatingin lamang sa lapida sa paanan nito. Hindi ko kayang sabihin kung ano ang nararamdaman nito ng sandaling iyon dahil hindi ko alam kung ano ang kaugnayan nito kay Marcelino.

Disappointed ako at nabigo ang paghahanap namin.

Nagpasalamat ako kay Mang Efren na nagdala sa amin sa huling hantungan ni Marcelino at lumapit ako sa puntod. Tumalungko ako sa lupa, sa tapat ng lapida. May naka-ukit na salitang Korean roon: 언제나 널 사랑해 왔어. I wondered what it meant.

Tatlong taon nang patay si Marcelino ayon kay Mang Efren na malapit na kaibigan nito. Ayon sa matanda ay wala itong masyadong alam sa personal na buhay ni Marcelino. Namatay ito sa edad na seventy. Wala itong pamilya. Hindi kailanman nag-asawa. Kung bakit ay walang nakakaalam.

Dinama ng kamay ko ang nakaukit na salita sa Korean sa lapida ni Marcelino. Inihabilan daw nito iyon bago mamatay. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?

Tumalungko sa tabi ko si Sir. May dinukot ito sa bulsa ng suot nitong blazer suit. Isang nakatuping sobre. Liham iyon. Ipinatong nito iyon sa ibabaw ng puntod katabi ng bulaklak na inalay ni Mang Efren.

Pagkatapos ay idinaan nito ang daliri sa nakaukit na salita roon. Nagtapo ang mga kamay namin sa ibabaw ng lapida.

"What does it mean, Sir?" tanong ko rito.

Binasa nito ang nakaukit na salita. "I have always loved you..." he said quietly, his deep smooth voice laced with sadness. Iyon lang at tumayo na ito at naglakad patungo kung saan nakaparada ang kotse.

Nanatili ako sandali sa posisyon ko at nag-alay ng maikling panalangin sa isip para kay Marcelino Buenaventura. Napatitig ako sa liham doon. Kung ano man ang nilalaman niyon ay hindi ko na marahil malalaman pa.

"Hindi ko po kayo kilala," malungkot na sabi ko habang nakatingin sa pangalan na nakaukit sa lapida. "Pero gusto ko pong magpasalamat sa inyo. Ang paghahanap sa inyo ang pinaka-thrilling at exciting na bagay na nangyari sa buhay ko."

Tumayo na ako at pinagpag ang alikabok sa mga kamay ko at nagbalik sa kotse. Nang ikabit ko ang seatbelt ko at buhayin ni Kuya Rodel ang makina ay biglang doon nag-sink in sa akin na tapos na ang serbisyo ko kay Sir.

Nilingon ko si Sir sa backseat na tahimik lamang na nakatanaw sa labas.

"I'm sorry, Sir," malungkot na sabi ko rito. Alam kong inaasahan nito marahil na buhay pa nitong makikita ang taong ipinunta nito rito sa Pilipinas.

"Don't be." Tiningnan nito ako at tipid na ngumiti. "괜찮아. 내가 그토록 찾던 것을 찾았거든." [I found what I've been looking for.] Sinenyasan nito si Kuya Rodel na paandarin na ang sasakyan. Pasado alas singko na ng hapon at pabalik na kami ng Maynila.

Tahimik na ibinaling ko ang tingin sa kalsada. Narinig kong may tinawagan si Sir sa cellphone at Korean ang kausap. Mahaba ang pinag-usapan nila at bakas sa tahimik na boses ni Sir ang lungkot.


HINDI ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Ang bigat ng dibdib ko at nakakaiyak ang lungkot na sumasanib sa buong sistema ko. Naisip ko na isang kagagahan ang umiyak. Baka pagtawanan pa ako ni Kuya Rodel.

The K-Pop Star and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon