K5: Ang malupit na si Criselda

22.5K 587 33
                                    

     

KABANATA 5

ANG MALUPIT NA SI CRISELDA "


"Hindi ka ba napapagod? " tanong ni Crescent kay Lyra na maayos at dahan-dahan ang ginagawang pagtitirintas sa buhok niya. Siniguro pa nitong malinis ang mga paa nito bago tumungtong sa ibabaw ng kama niya na may asul na kulay ng sapin na tila kalangitan. Naroon siya sa dulong bahagi ng kanyang kama at naaaliw sa maliit na kamay na gumagalaw sa kanyang buhok.

"Hindi, " masayang tugon nito kaya naman nangiti rin siya. Naroon sila sa kuwarto niya at maliban sa ina, ito lamang ang hinayaan niyang makapasok roon nang madalas. Paminsan-minsan lamang si Tomo kapag may iuutos siya dito na kailangan na maging sikreto.

" Natakot ako na paalisin dito, sana lumaki na ako para naman mas marami na akong magawa isa pa mabait silang lahat sa 'kin. Gusto ko na kahit hindi ako kagaya n 'yo matuto akong makipag laban, iligtas ang sarili ko at protektahan ka. Pero imposible na maprotektahan kita kung isa lang akong tao, pero gusto kong matuto, " dugtong pa nito. Hindi sumagot si Crescent pero nakangiti ito. Hindi niya alam kung saan ba siya natutuwa sa sinabi ba nito o sa madalas na pag-ngiti nya dahil sa presensiya ng batang mortal. "Gusto ko hanggang sa paglaki ko ako ang gagawa nito sa 'yo, at kapag kaya ko na lahat na gawin para sa 'yo ako na ang gagawa papayagan mo 'ko hindi ba?" tila isa lang naman ang sagot na maaring ibigay ni Crescent sa mga sinabi nito.

" Kung saan ka magiging masaya Lyra, " aniya rito. Naramdaman niya na malapit na itong matapos sa ginagawa nito sa buhok niya. "Aalis ako, mawawala ako nang dalawang taon marahil, " bukas ni Crescent sa nalalapit na pag-alis. Hindi niya gustong biglain ito. Gustuhin man niyang isama ito, hindi maaari, masyado itong bata para sa paglalakbay niya. Isa pa, hindi niya 'to gustong masanay na puno nang dugo ang mga kamay niyang nakikita nito.

"Iiwanan mo ako dito? " natigilan ito sa ginagawa at mabilis na bumaba sa kama at hinarap si Crescent. "Dalawang taon? Dalawang taonna diretso kitang hindi makikita?" mabilis na bumagsak ang mga luha ni Lyra sa isiping napakatagal niya 'tong hindi masisilayan, makakausap at makikita.

"Lyra, kailangan mong manatili rito, ang mundong ginagalawan ko ay hindi maaring palaging kasama ka. Magsasanay ka para matutuo, babalikan naman kita," pinahid ni Crescent na bahagyang tinungo si Lyra ang mga luha nito. Ngunit walang tigil iyon, hindi gusto ni Crescent na lumuluha ito dulot nang kalungkutan. " Lyra, tumahan ka na, pagbalik ko dapat marami ka nang alam para naman dumating ang pagkakataon na ikaw na ang lahat ang gagawa ng mga ginagawa nang iba para sa 'kin, " mahinahon niyang kumbinsi rito.

"Pagbalik mo, mas malaki na'ko at mas maganda, " humihikbing wika ni Lyra na natanggap naman ang pag-alis ni Crescent bagama't ninanais niyang kahit sa mapanganib na daanin ay kasama ito. Pero baka isa lamang siyang istorbo at kainisan pa nito ang pagiging makulit niya. " Mahal na mahal kita, Crescent. Mag-iingat ka, iingatan mo palagi ang 'yong sarili, at h'wag kang mag-asawa agad, " umaasa si Lyra sa sagot ni Crescent.

" Hindi pa 'ko mag-aasawa, mahal rin kita, " bulong ni Crescent kasunod nang mabining halik sa noo ni Lyra. Agad namang natuwa si Lyra sa sagot ni Crescent na hindi pa 'to mag-aasawa, aasahan niya ang bagay na 'yon.



Minamasahe ng batang si Lyra ang paanan ni Criselda, ang unang asawa ni Haring Wolveus. Naroon ito sa trono nito sa loob ng sarili nitong malaki at magarbong kuwarto na puno ng salamin. Bawat anggulo nito ay tinitignan nito, malakas ang kompiyansa nito sa sarili na ito ang pinakamaganda sa lahat nang asawa ng hari.

RAISED BY WOLVES (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon