PROLOGUE

11.5K 219 66
                                    

                                      

Prologue

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi ako masaya na nakikita siyang masaya? Bakit parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko ngayong alam ko na hindi na sa 'kin lang umiikot ang mundo niya?

Gerald, bakit kailangan kong mahirapan sa pag-iisip ng ganito? Bakit kailangan kong maramdaman ang kakat'wang damdamin na 'to? Bakit ngayon parang ako ang nakadarama ng pagkawala? Oo, hindi ko pa rin nasisiguro ang damdamin ko sa 'yo pero handa na 'kong tanggapin ka. Nang malaman ko ang tungkol kay Lyra, parang ginusumot ang puso ko. Parang 'di ko matanggap na tumitingin ka na sa iba, alam ko may iba na siyang kinakasama pero hindi ko pa rin mapigilang isipin na marahil nabawasan na rin ang pagtingin mo sa 'kin. Marahil natauhan ka na, natauhan na ibang nilalang na 'ko at ang mukha na lamang na ito ang bumubuhay sa 'yong si Emerald.

Ipinapakita ko na masaya 'ko, ganoon pa rin, nagkukunwari ako na hindi ko iniisip ang nangyari ilang buwan na ang nakararaan. Pero bakit pumapatak ang mga luha ko ngayon? Bakit kailangan magkaganito ang damdamin ko? Bakit kailangan kong masaktan sa simpleng isipin na masaya ka na kahit wala ako? Hindi ka na miserable na humahabol sa 'kin at pilit ipinaalala ang nakaraan na kinaiinisan ko na madalas. Bakit ngayon hinahanap ko 'yung pag-aalaga, pag-aalala at pagmamahal mo? Mahal mo pa ba 'ko? Bakit kailangan mas maramdaman ko na miserable ako ngayon? Bakit kailangan mas alamin mo ang kalagayan ni Lyra kesa lingunin ako at kausapin ng walang sawa tulad noon? Nagbago ka na –oh, mas tamang sabihin na nagbago na ang pagmamahal mo sa 'kin?

" Nakakatuwang isipin na masaya na ang kapatid ko, hindi mo na rin siya pinoproblema,"

Tumabi si Rain sa kinatatayuan ko malapit sa puno ng Crenium –isang espesyal na puno na nakalalason ang masarap at matamis na bunga para sa ibang nilalang. Pero sa 'ming mga bampira ay isa siyang katakam-takam na pagkain na 'di mawawala sa 'ming mga hapag. Lason man sila sa iba, sa 'min ay pampalakas sila, maliban sa mga bampirang dumaan sa konbersyon.

"Hindi ko naman siya problema, " depensa ko.

"Iyon ang sinabi mo kay Vlad hindi ba? Masyadong bata si Gerald para sa 'yo, para kay Haruka, at hindi ka na si Emerald na minahal niya. Siguro ito na 'yung panahon na naunawaan na niya na hindi ikaw si Emerald. Naisip na niyang katawan at mukha na lamang 'yan ni Emerald pero malayong-malayo sa 'yo ang babaeng minahal niya, " may laman na wika ni Rain.

Tila nanikip ang dibdib ko, nasukol ako ng mga salita niya. Alam ko na kapatid siya ni Gerald at kapatid ko ang asawa niyang si Vlad at alam na alam ko na rin na matalas ang dila niya kung magsalita. " 'Wag kang mag-alala hindi ko naman gustong maging si Emerald na minahal niya, gusto kong maging ako, tanggapin niya 'ko kung ano ako ngayon, tanggapin niya ang bagong Emerald na nasa harapan niya." gusto ko na siyang talikuran pero pinilit kong ipakita at panindigan ang katatagan ko.

" Hindi naman ako galit sa 'yo, " saglit niya 'kong sinulyapan bago muling diniretso ang tingin patungo kay Gerald na nasa kalayuan kausap ang mga pamangkin nitong si Jasmine at Vincent, na parehong namana ang mga mata sa mga Draven na kulay Emerald Green –dahil sa ampon nila 'ko at hindi ako nakakamit ng ganoong kulay ng mga mata ginawa nilang pangalan ko ang kulay ng mga mata nila. " Kapatid ko si Gerald, alam ko kung gaano ka niya kamahal na tipong kahit ang trono niya sa 'ming kastilyo ay handa niyang isapalaran para sa 'yo. Pero nakakatuwa rin kasing isipin na maayos na siya, dapat ko bang pasalamatan ang babaeng lobo? "

"Tao siya, " pagtatama ko.

"Tao, tao na inaalagaan ng isang malakas at kilalang lobo na mortal na kaaway natin. Na sa 'di inaasahan ay pumukaw sa damdamin ni Gerald, damdamin na walang patutunguhan rin dahil ayoko naman na mapunta siya sa babae na 'yon. Mas gusto ko na maging kayo, pero alam mo naman ang mga Pureblood nating lalaki, masyadong mapilit, kahit ang pinakabawal gagawin oras na masumpungan ng pag-ibig na 'yan," mahina siyang tumawa. At totoo 'yon, ang kahinaan ng mga lalaki namin ay pag-ibig, pag-ibig na handa nilang isaalang-alang ang lahat.

"Sana, bago pa siya tuluyang mahulog sa damdamin niya sa iba, malaman mo na kung paano siya ipagkakait sa iba. Habang kalahati pa niya ang umiibig sa 'yo, bawiin mo na, 'wag sa puntong binitiwan ka na niya, " makahulugang wika niya bago inilakad ang mga paa patungo sa mga anak niya. Kinuha ko naman na tiyansa 'yon para pasimpleng tumalikod at maglakad pabalik sa mansion.

'Wag sa puntong binitiwan na?

Gerald, hindi ko hahayaan na magmahal ka sa tulad niya. Kung ganito kasikip at kabigat ang pakiramdam na lumalayo na ang damdamin mo sa 'kin, ibig sabihin lang nito may damdamin lang ako na hindi ko pa mapangalanan –O' kaya ko ng pangalanan ngunit natatakot akong tuluyang maramdaman?

RAISED BY WOLVES (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon