RBW 2.5

15.7K 298 68
                                    

VOTE & COMMENT! :)

TOMO


TOMO

Sa tagal ng paninilbihan ko sa 'king Panginoon, kamakailan ko lang nalaman ang tungkol sa pula niyang mata. Kahit minsan hindi ko siya napag-isipan na may ganoong uri ng sumpa –noon akala ko isa lamang 'yong kathang isip at walang tunay na basehan.

Libong taon na ng magsimula ang isang alamat tungkol sa sanggol na nagtataglay ng pulang mata, sinasabi na parusa daw iyon sa mga nilalang na walang pananampalataya sa totoong lumikha ng lahat at sa mga tulad nilang may mga itim na kapangyarihan na tinataglay, hindi mahirap na paniwalaan at unawain ang bagay na iyon. Sa mga Vampires nagsimula ang alamat na iyon dahil sila ang mga totoong tumalikod at isa na ngang pruweba ang pagkatakot at 'di nila paglabas sa sinag ng araw maging sa mga simbahan ay hindi nila magawang pasukin. Ngunit habang dumaraan ang mga taon unti-unti rin nagbago ang lahat ng magkaroon ng Pureblood Vampire. Higit na mas mataas sa noon ay nagpapalagananap ng monarkiyang pamamahala ng mga Royal blood sa mas maliliit na uri ng mga bampira, nagtataglay sila ng mga kakaibang lakas na nagawa nilang labanan ang sinag ng araw maliban lamang ang pasukin ang simbahan iyon ang isang lugar na hindi nila magawang pasukin magpasahanggang ngayon dahil isa iyong sagradong lugar.

Isang Pureblood ang unang isinilang na may pulang mga mata ngunit dahil sa isa lamang iyong alamat hindi iyon pinaniwalaan, sino ba naman kasi ang magagawang patayin ang sariling anak para sa isang alamat na walang kasiguraduhan? Ngunit nagdulot ng malaking trahedya ang batang iyon sa murang edad niya'y pumatay siya ng kapwa niya at iyon ang unang beses na bumukas ang mundo ng kawalan at lamunin ang pamayanan na iyon na hanggang ngayon ay isang abandonadong lugar na saksi sa madugong kamatayan ng maraming buhay. Ang katulad ni Panginoong Crescent ay sinasakripisyo sa lugar na iyon para tumigil itong lipulin ang mga gaya nila , iyon ang tinuturing naming Impiyerno ang mga lobo ay nagmula naman sa isang sumpa, hindi dahil sa pagtalikod sa tunay na lumikha kung 'di dahil sa mga sangkap na nagpasimula ng lahat at minana ng bawat isa hanggang sa maging isa na silang lahi .

Ang ikalawa ay isang Half Blooded Vampire at ito naman ay kusang magulang ang nagtapon sa mundo ng kawalan. Dahil sa takot na matulad sila sa sinapit ng isang pamilya ng Pureblood na nagbura sa mga ito sa kasaysayan at ngayon nga dalawang pangalan nalang ang natitirang Pureblood at magkasundo pa ang mga ito kaya mas malakas ang p'wersa na nabuo sa pagitan nila.

Ngunit paano nga ba nagawa ni Panginoong Crescent na itago ang Crimson eye niya? Paanong iisa lang ang pulang mata niya? May pag-asa nga kaya ang aking Panginoon na matakasan ang kapalaran niya? Sa tagal ng panahon hindi ko natuklasan ang bagay na iyon maliban sa labing dalawang taon siyang ikinulong. Maaari kayang iyon ay isa sa mga paraan para matakasan niya ang ikalabing-walong taong gulang niya na dapat ay pinatay na siya? Kung iisipin kong mabuti sa tagal ko siyang nakasama hindi ko rin alam kung paano lulusot ang sinasabi niyang nawawala niyang mga alaala.

Bago ko siya makilala Pinapanginoon ako ng mga katulad ko( Fox Yokkai), unang beses na makita ko siya na isinasayaw ng hangin ang kulay pilak niyang buhok, naroon ako sa isang sanga sa pakiramdam ko isa siyang anghel na nalalapit na ang kamatayan dahil nasa likuran nito ang mga Halimaw ng kagubatan na handa itong gawing hapunan. Nakakatuwang isipin noon na makakasaksi ako ng kamatayan ng isang anghel, ngunit nagkamali ako dahil hindi man lang siya gumagalaw at nakatalikod lang ito nang sabay-sabay itong dambahin ng mga Halimaw na tulad ng asong Lobo na may ikatlong mata sa noo na may bilang labinglima.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ng bigla siyang lumingon at wala akong nakitang paggalaw ng mga kamay niya. Nakita ko lang ang pagpupula ng mga mata niya na pangkaraniwan naman sa mga lobo kung galit at mambibiktima sila. Sabay-sabay na nagbagsakan ang mga halimaw na lobo, labis ang pagkamangha na naramdaman ko. Alam ko na hindi naman ganoon kalalakas ang mga iyon, pero hindi ko inaasahan na magagawa iyon ng isang lobo na nasa anyong tao dahil madalas na ang mga lobo ay hindi kalakasan kung nasa ganoong kaanyuan.

RAISED BY WOLVES (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon