C12: PAST

11.4K 269 88
                                    

                                
READ. VOTE. COMMENT! Sankyuu! :3


C12: PAST



PAST

Huminga ng malalim si Lyra bago nahiga sa loob ng bilog na ginawa ni Vishnu mula sa buhanginan, pumikit siya. si Lyra at Vishnu lang ang nasa loob ng malaking k'warto na iyon, hawak-hawak ni Lyra ang locket kung saan hindi niya iyon maaring bitiwan ayon kay Vishnu dahil iyon ang bagay na makakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Hindi niya na gusto na iba pang araw, maaring bumalik na si Crescent at mawala pa ang pagkakataong inaasam niya.

Narinig ni Lyra ang mga salitang hindi niya maunawaan bago niya naramdaman na tila lumulutang siya sa kadiliman at tanging ang buhangin na bilog lang ang nakita niya na nagsimulang magkulay pula, damang-dama ni Lyra nang tila mahulog siya sa loob niyon ng mabilis, hinawakan niyang mabuti ang Locket, hindi niya iyon maaring mabitiwan. Ipinikit niya ang mga mata habang patuloy siya sa pagbagsak sa kakaibang dimensiyon.

" Gusto kong malaman kung paano naganap ang kamatayan niya, ano ang pinagsimulan ng kagustuhan niya sa pagdanak ng dugo, siya pa rin ba ang dahilan? gusto kong buuin ang lahat ng alaala mo para wala ka ng hanapin pa, hindi ka na maguluhan pa, gusto kitang kilalanin, tama na ang pagiging bulag, pipi at bingi sa lahat, maging sino ka pa mamahalin pa rin kita sa puntong 'to tutulungan kita,"

Lyra*

Sa isang iglap nakarating ako, silid aklatan hindi ko man nakita ni minsan ang lugar na 'to nadarama ko ang presensiya ni Crescent, kung makikita nila ako ayon kay Vishnu ay isa lamang akong puting paru-paro.

Wala namang tao, sayang ang oras, nilapitan ko ang seradura ng pintuan pero tumagos lang ang kamay ko doon. Hala para akong multo! Kaya naman sinubukan kong lumakad patagos sa pintuan kagaya nga ng sinabi ko para akong multo na nakalampas doon hindi pa man ako nakakalakad nakita ko na agad ang isang pamilyar na mukha si " Xerxes " madilim ang itsura niya at tila kung sino man ang kakausap sa kanya ay malalagot. Hindi iyon ang pangkaraniwang itsura niya, madalas nakikita ko siyang nakangiti ngunit tila hindi nga siya marunong magalit pero ngayon ibang-iba ang awra niya.

Nilampasan niya ako, hindi ko napansin na may kasunod siya. Si Crescent? Minasdan ko siyang mabuti, may pares siya ng Crimson Eye, malungkot ang itsura niya at tila may nangyaring kung ano kaya naman sinabayan ko siya paglalakad, hinaharangan ko pa siya pero tinatagusan lang niya 'ko. Nalulungkot na siya nangingiti pa ko sa kalokohan ko.

" Tigilan mo siya, walang dapat makaalam na may crimson eye ka Light! " nagulat ako nang biglang magsalita ng malakas si Xerxes, nakakagulat , hindi kasi siya nagagalit talaga at hindi ko pa ata siya nakikitang ganoon kabagsik para siyang si Laxus, itong magkakapatid na 'to tila kakaiba talaga!

Si Crescent hindi siya kumikibo, pipi ba siya dati? Nalulungkot akong tignan siyang ganoon naaawa ako sa kanya.

Pumasok sila sa isang k'warto bago pa ako makasunod sinara na iyon nagulat ako sa lakas ng paglapat si Xerxes ang nagsara no'n dahil naunang pumasok si Crescent ko sa loob.

Ilang minuto akong nag-isip paano makakapasok ng maalala ko na nakakatagos nga pala ako para lang akong tanga, haha! Pumasok ako sa nakasarang pintuan at doon bumungad sa 'kin ang likuran ni Xerxes, hindi ko makita si Crescent ko kaya tinagusan ko siya, ang galing! Nakakatuwa naman 'to! Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko si Crescent, nakaupo siya sa kama at nakalingon sa bintana pero ang labis na nakasakit sa 'kin ng makita kong nakarehas ang kamay niya, isa lang iyon pero hindi magandang tignan, bakit para siyang hayop na nirerehas?

RAISED BY WOLVES (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon