C10: CHAIN

9.1K 232 70
                                    



C10:

CHAIN

DaLDooM

Lyra *

"Ang batang 'yon, sinadya ka ba niyang ibigay sa 'kin? Sino siya? Hindi na 'ko nakakaramdam ng galit o anuman kay Ceres, sa totoo lang gusto kong malaman kung sino ang pumatay sa kanya, kung sakaling matagpuan ko siya sana makadama na siya ng kapayapaan.

Oo, mas iniisip ko ang kapayapaan na dapat maramdaman ni Crescent, naniniwala akong mahal niya 'ko, hindi niya 'ko gustong mawala, sabi niya kung sakaling mamatay ako susunod siya, totoo ba 'yon, kung hanggang ngayon may pilit siyang hinahanap?"

'Yung natagpuan kong Locket dinala ko siya, wala naman sinabi si Xerxes, si Ceres ang nandoon sa libingan, tinanong ko si Xerxes kung siya iyon hindi siya sumagot, pakiramdam ko sapat na 'yon para sabihin niyang " Oo" gusto kong alamin ang nakaraan.

Ano ba talaga ang nangyari? At bakit lagi nilang sinasabi na masamang nilalang si Crescent? Samantalang para sa 'kin isa siyang anghel, wala siyang alaala kaya naman hindi niya magawang pagbayarin ang nasa likod ng trahedya na naganap sa pagitan nila ni Ceres.

Nakaupo ako sa sahig habang kinakausap ang music box na nasa ibabaw ng kama .

Biglang sumagi sa isipan ko si Vishnu ang sinabi niya," Kaya kitang pabalikin sa nakaraan, gusto mo bang alamin ang nakaraan ni Crescent? " totoo nga kayang kaya niya 'kong pabalikin sa nakaraan? Sinabi rin niya na maaring may kaugnayan kami ni Ceres.

"Lyra," naputol ang pag iisip-isip ko ng marinig ko ang boses ni Aya sa labas ng pintuan, iniwanan ko ang music box at nilabas si Aya upang alamin kung ano ang dahilan niya.

" Kanina ka pa namin hinihintay, anong oras na, hapunan na baka maging umagahan na paghihintay sa 'yo hindi ka naman pala tulog," si Aya na kahit mataray nakakasundo na niya.

"Ay! Sorry halika na," kinawit ko ang braso ko sa braso niya at nginitian siya, nangiti naman siya sa ginawi ko.

"Hindi pa rin siya umuuwi? " si Aya, habang naglalakad kami sa pasilyo ng La Confide.

"Hindi pa, abala siya masyado," pinilit kong ngumiti, ayoko na kasing dagdagan pa niya 'yung tanong niya tulad nang " Alam mo ba kung nasaan siya? " siyempre hindi ko alam.

"Mahal mo talaga siya? Alam mo naman ang tulad niyang isang Children of Misfortune, maaring may nakalaan na iba sa 'yo," aniya pa. Sabi nila walang bilang ang children of misfortune kaya naman walang lugar ang mga ito sa lupa.

"Ay! Walang ibang nakalaan sa 'kin, alam ko kasi tatanda akong dalaga, dahil kay Crescent hindi na! " Ngiting-ngiti kong wika sa kanya na ikinatawa niya.

"Kung maaari ko ngang ibigay na lang sa kanya ang mga mata ko," pabiro pero totoo. Handa akong magdusa para kay Crescent, 'wag lang talaga ipagparaya siya, iyon ata ang pinakahuli kong gagawin.

***

" Panginoon! Panginoon! May dumating na sulat para sa 'yo! " si Tomo na naiwan sa kastilyo at tuwang-tuwang makita ang pagbabalik ni Crescent, naka-coat and tie ito na 'di pangkaraniwan at napaka pormal, madalas siyang naghihintay sa bukana at naghihintay ng pagbabalik nito at ni Lyra.

Kinuha ni Crescent ang sulat kay Tomo at naglakad patungo sa pasilyo ng Kastilyo.

"Panginoon binalikan mo ba 'ko? Sabi ko na name-miss mo rin ako! " si Tomo na umaarte na naman habang sumusunod kay Crescent. Tuwang-tuwa siya dahil sa binalikan siya ng minamahal niyang panginoon.

RAISED BY WOLVES (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon