RBW 4.9

12.1K 272 76
                                    

*

***

"Lyra! " si Greece na hindi ito mapigil pag-inom ng alak si Marco naman di malaman kung ano ang magiging reaksyon.

"Patay kang bata ka," si Marco sa isip-isi .

Si Greece na kalapit nito sa nakalipas na isang oras ay gusto na tong pigilin, pero ayaw nito magpapigil. Umiinom kasi sila ni Marco at pinapakain nila ito pero naisipan nitong tikman iyon kaya hinayaan nila.

"Kasalanan mo 'to! Sinabi mo kasi na nakakawala ng sakit sa puso panandalian ang pag-iinom! " asik ni Greece kay Marco pero sa tingin lang nito ipinahayag ang nais sabihin.

Nagkibit balikat naman si Marco na tila alam ang ibig nitong ipahiwatig . Biglang umiyak si Lyra kaya naman hindi alam ni Greece ang gagawin. Si Marco naman dali-dali na kinuha ang pagkakataon na ligpitin ang mga kalat at alak na natitira ng matigil na si Lyra.

Hindi nagsasalita si Lyra pero patuloy siya sa pag-iyak kahit anong tanong ang ibato ni Greece hindi siya nakatanggap ng kahit anong sagot mula dito.

Naawa siya dito, pakiramdam niya nasasaktan ng sobra si Lyra ngayon kahit hindi na nito sagutin alam niya kapag ganoon ang iyak ng isang babae panigurado dahil sa lalaki. Gusto niyang itanong anong ginawa ni Crescent para magkaganoon ito dahil sobra sobra ang pag-iyak nito. Pero tila kapag nagtatanong siya lalo lang itong naiiyak pa kulang nalang bahain sila . Niyakap nya to, hinayaan lang niya tong umiyak ng umiyak kahit siya nahihirapan titigan lang itong umiiyak.

Hinayaan nalang ni Marco ang dalawa alam niya na nahihirapan din si Greece na makita si Lyra na ganoon. Pero kumpara sa dalawa mas nakakaya naman ni Greece na maging masaya at paminsan na nalulungkot kapag naiisip si Lyra.



( Greece SinClair's )

"Lyra," mahinang tawag ko sa pangalan niya. Ito ang unang beses na nag inom siya halata naman! Ano kayang problema niya? kasalanan to ng asong si CS , matapos niyang ilayo sa 'kin si Lyra ngayon babalik siya para saktan lang ito. Langya talaga iyon pag nakita ko yun sasapakin ko 'yun ng isang daan!

Hinila ko ang upuan malapit sa study table. Oo naman may study table ako! Matalino kaya ako. tsss wag kang mag doubt totoo matalino ako naalala n'yo sinagutan ko yung exam ni Lyra perfect 'yun!

Ang ganda talaga ni Lyra para siyang anghel, naniniwala na 'ko ngayon na may anghel at isa si Lyra sa mga 'yon. Ang ganda niya talaga, makita ko lang siya nabubusog na 'ko! Mabuti na lamang at kakainom ko lang ng dugo kundi magbibigti nalang ako kesa kagatin ang napakagandang leeg ni Lyra! Oh, tama na sa leeg baka manuyo pa lalamunan ko bigla.

Walang biro naawa ako kay Lyra parang ang hirap ng pinagdaraanan niya pero hindi niya kayang sabihin umiyak lang siya ng umiyak tumatawa minsan pero mas madalas umiiyak siya! 'Wag mong isiping nababaliw siya ang judgmental mo namang tao! Pero parang nga no?

"Crescent, bumalik ka naman na," si Lyra na umiiyak na naman kahit tulog, bumalik? Saan pumunta? Nangibang bansa? Kinapos ng pera kailangan mag trabaho? Ginagap ko ang palad ni Lyra tumigil siya pag-iyak at dahan-dahang muling nakatulog napalunok ako ng tumagilid siya sa 'kin tumambad ang mapuputi at napaka gandang leeg niya parang ang sarap kagatin.

Iniayos ko ang kamay ni Lyra para iwanan na siya sa k'warto, ayokong matukso wala siyang kalaban-laban gusto ko pag gan'on lumalaban para wild ang datingan. Nang bitiwan ko ang kamay niya umiyak na naman siya tinawag na naman niya si " Crescent! " Sinubukan kong hawakan ulit ang kamay niya tumahimik siya.

RAISED BY WOLVES (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon