first encounter

0 0 0
                                    

Angela

Dahil sa dami ng nakapalibot na mga babae sa mga kasama ko ay lumayo nalang ako sa kanila. May nakita naman akong vacant table so nag-order nalang ako ng mga inumin ko dun. kahit malasing pa ako dito ayos lang sigurado naman na may nagbabantay sakin eh. Yung dalawang yun pa. Kahit isang batalyong babae pa iharap dun sa mga yun pag alam nilang nasa bar kame nasakin parin ang mga mata nila. Its like a predator eyeing his prey.

Kevin's POV

Party time!!! This is life. Araw araw kami kung pumarty at syempre araw araw din iba't ibang babae. Pero this time a lady cought my attention. Well hindi siya ang tipo kong babae pero iba ang dating niya eh. she looks like an angel. So beautiful.

Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Mag-isa niya lang sa table niya. Madaming nagtangkang lumapit sa kanya pero umaalis din agad. lasing na lasing na nga siya eh.

"Hey Garnet. Kilala mo ba yung babaeng yun??" Tanong ko sa kasama ko.

"Hindi eh. parang ngayun ko lang siya nakita dito. Bakit?? May atraso ba sayo??" Takang tanong niya.

"Wala naman natanong ko lang." Sabi ko nalang at saka ininom ang alak na hawak ko. Nagkibit balikat nalang si Garnet at binalik ang kanyang atensyon sa alak at sa mga babaeng kasama niya. nilapitan ko yung babae.

"Hey. Need some help??" malambing kong tanong. I want this girl.

"Why don't you help yourself and get the fuck out of here." Sabi ng babae habang naka yuko parin. Palaban pala eh.

"Hey.. easy there baby. I just want to help you know." Sabi ko pero hindi siya sumagot. Tulog na kaya toh? Ang bilis naman. Hinawakan ko braso niya pero di siya pumalag. Iniangat ko ulo niya para makita ko yung muka niya. Shet tulog nga. Biglang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. kaya naman napagmasdan ko ng maigi yung muka niya. Shet ang ganda talaga niya. Hahawakan ko na sana yung pisngi niya pero may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo??!!" May galit sa boses na tanong ng lalaki.

"Oh hey Jordan. What brings you here??" Nakangiting sabi ko. Ang sarap kaya niya asarin. Haha

"Let go of her." Maotoridad na sabi ni Jordan.

"I found her first. So maghanap ka din ng sayo. Balita ko ikaw na daw ang bagong leader ng silver fang?" Nakangiti parin ako habang nakatingin sa kanya. Inakbayan ko yung babae para hindi malaglag ang ulo niya mula sa pagkakahiga nito sa balikat ko. Bigla naman nangunot nuo niya sa ginawa ko. Ang sarap niyang asarin. Haha.

"Hindi mo alam kung sinong katabi mo kaya kung ako sayo bitawan mo na siya bago ko pa basagin yang mukha mo." Seryosong sabi ni Jordan. Sasagot pa sana ako pero bigla nalang tumunog yung phone ko.

Its my dad kaya naman hindi ko pwedeng patayin. tsss. Family gathering nga pala ngayon. At di daw ako pwedeng hindi pumunta.

"I'll leave her to you pero babalikan ko siya." Sabi ko nalang sa kanya saka ko dahan dahang pinahiga yung babae. Ang ganda talaga niya kahit wala siyang make up. Hindi ko na tinignan pa si Jordan at pakanta kanta nalang na tumayo.

Gangster RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon