cp5. normal life

0 0 0
                                    

Angela

Pagkatapos ng laban kagabe diretso uwi na ako para makapagpahinga. At para narin gawin ang mga homework ko. Kahit naman pano mabait parin akong bata. Nasa garden ako ngayon ng school. At dahil wala akong kaibigan dito ay libro ang lagi kong kasama. Since college na si Kuya Jordan ay di ko siya nakakasamang tumambay. Okey na din yun baka pagselosan pa ako ng mga babae niya. Si Eric naman school mate ko siya pero minsan ayokong sumabay sa kanya. Dahil sa crush ng bayan yun. Baka mapaaway pa ako. And speaking of. Ayan na pala siya eh papalapit na.

"Hey babe. Sabay na tayo maglunch mamaya. Susunduin tayo ni Jordan." Sabi nito at saka tumabi sakin.

"Sure. Sa labas nalang ng gate tayo magkita. Mahirap na baka kung ano nanaman isipin nila." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa koi pond na nasa malayo.

"Wag mo nalang silang pansinin. Ingit lang sila dahil sa gwapo mung kasama. Hahaha."

"Umamin ka nga. Nagdradrugs ka ba??" sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"Hahaha. Babe talaga. Hahaha"

"See. Tawa ka ng tawa di naman ako nagjoke. Ang babaw talaga ng kaligayahan niyo. Dyan ka na nga. Punta na ako ng room." Sabi ko sabay tayo. Naririnig ka nanaman siyang tumatawa kaya naman di ko na siya nilingon baka mabato ko siya.

"hey look. Andito ang bitch."
"ang landi landi niya akala mo naman kung sinong maganda."
"Kung makalapit kay Eric kala mo naman close sila."
"Para siyang dinapuan ng higad. Kaya ayan. Nangangati. Hahaha"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong sinasabi nila tungkol sakin basta dadaan ako. Kung hindi nga lang ako nakilala bilang isang nerd malamang pa sa hindi kanina ko pa binaliktad ang mga yan. Buti nalang tinuruan ako kung pano magtimpi. Di ko sila nilingon at dumiretso na sa upuan kong nasa harap at pinakagilid.
----
-----
-------
After how many years. Natapos din ang klase. Ganto ang routin ko araw araw pag walang laban. School, library at bahay lang pinupuntahan ko. So ngayon ay pauwi na ako ng bahay. Habang naglalakad ako may naramdaman akong parang may sumusunod sakin. Lumingon ako pero wala naman akong nakitang ibang tao maliban sakin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. I hate this feeling. May nakasunod talaga sakin. Ang ginawa ko nilabas ko ang salamin ko at kunwaring mag-aayos ng buhok. Agad kong itinutuk ang salamin sa likod. At hindi nga ako nagkakamali. Meron ngang nakasunod. Tsss. What now?? Lumiko ako sa isang iskinita at nagtago sa likod ng mga drum.

Nang makita ko na malapit na sa pinagtataguan ko yung lalaki bigla ko sinipa yung mga drum na pinagtataguan ko at tumumba lahat sa harap niya. Halata sa mula niya ang gulat.

"Hey. Easy ka lang." Sabi ng lalaki sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko.

"Uhm.. kasi ano eh..." sabi nito na parang nahihiya pa.

"Kung wala kang sasabihin aalis na ako." Saka ko siya tinalikuran.

"GUSTO KO LANG SANA IBIGAY SAYO TO!! BYE!!" Sabi nung lalaki at abot sakin ng isang paper bag saka nagtatakbo palayo. Hala. Anyare dun??

Dinala ko nalang yung paper bag at naglakad na ulit pauwi. Sanay na akong nakakatangap ng mga ganto. Syempre tinatangap ko nalang kesa naman itapon ko sayang din naman.

Pagka-uwi ko sinalubong agad ako ng butler ko.

"Lady may naghihintay po sainyo sa loob." Sabi nito at saka yumuko.

"Sige. Thanks Butler Shin" sabi ko saka ako naglakad papasok ng bahay. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng Butler ko. May nakita akong lalaking nakaupo sa sofa. Nakatalikod siya sakin.

"What do you need" deretso kong tanong. Napalingon naman siya sakin. Bigla siyang ngumiti saka tumayo. Hmmmm. May itsura siya.

"Hey I'm Kevin." Sabi nito at saka inabot ang kamay niya. Tinignan ko lang yun at tinaasan siya ng kilay. Muka namang nakuha niya agad ang ibig ko sabihin. Kaya binawi niya agad ang kamay niya at tumayo ng tuwid.

"Nandito ako para ibalik tong purse mo. Naiwan mo noon sa bar."

"uhm thanks." Wala akong ibang masabi.

"Yun lang. Sige bye Angela." Sabi nito sabay kindat sakin bago ito lumabas ng pinto. What the!!! Biglang uminit yung muka ko.

Gwapo siya pero parang may something sa kanya na di ko gusto. parang ang angas din ng dating niya. Tssss. I don't like him. Oh well. Hindi namam sa siguro kami magkikita nun eh.

Gangster RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon