Angela PoV
Papunta ako ngayon sa tambayan. Pero dadaan muna ako sa convenient store. Kailangan ko ng yosi. Habang on the way ako may nakakasabay ako itim na sasakyan at bigla iyong bumusina. Tsss. Kapal ng mukha maghamon.
Maganda yung sasakyan niya yun nga lang mahina dumiskarte. Babae ata nagmamaneho nito eh.
nung nasa store na ako at nakabili na ng lahat ng kaylangan ko napansin ko yung sasakyang itim na nakaparada sa di kalayuan. Nung pinulot ko yung nahulog na susi ko alam kong makita ng kung sino mang driver ng sasakyang itim na yun ang tattoo ko. Nung una di ko pinansin yung pero alam kong nakasunod siya sakin kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo at dumaan sa ibang ruta para mailigaw lang siya. Kung sino man ang driver nun alam kong kilala niya ako. Kaya naman tinawagam ko agad si Eric para ipadispatsa na sa kanya ang motor. Duti nalang hindi yung dukati yung gamit ko.
,
,
,
.
Pagkauwi ko sa bahay ng madaling araw pinagbukasan ako ng gate ng butler ko."Lady may naghahanap po sainyo kahapon. Kevin daw po."
"Sa susunod na magpunta pa yun dito ipahabol niyo kay natsu o kay oga. At sabihin mo wag na bumalik kasi di kame close." Sabi ko saka dimiretso sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Ainalubong naman ako ni oga. My baby tiger. Pero di na siya baby. 2years old na kaya siya. Well trained siya kaya naman safe kaming lahat dito. Kasunod naman ni oga si natsu. Yung alaga kong husky. I love this two boys. They protect me from anyone who wants to hurt me.
Naalala ko pa nung bata ako mag-isa lang ako sa bahay dahil wala si kuya may pinuntahang party at wal din yung butler ko pinasunod ko kay kuya. Mta katulong lang ang kasama ko at si laxsus (parang lacsus) alaga kong husky. Father of natsu. Pinasok kami nun ng magnanakaw. Muntik na nga ako saktan eh. Dahil sa humarang ako sa pinto ng kwarto ko. Ayoko kasing may ibang pumasok dun. Kaya ang ginawa sakin tinutukan ako ng baril. Sa sobrang takot ko nagsisigaw ako. Nagulat nalang ako ng biglang may tumalon sa harap ko at dinaganan yung magnanakaw. Pinagkakagat niya yun na parang isang laruan. ginamit ko yung chance na yun para tumawag ng pulis. Nung dumating ang mga pulis nilibot nila ang buong bahay. Nagulat nalang ako ng ilabas ang bangkay nung magnanakaw na halos di na makilala dahil lasog lasog ang katawan niya. Kasunod na inilabas si laxsus. Punong puno siya ng dugo. Napatakbo nalang ako sa kanya at iyak ng iyak. Sakto namang dumating sila kuya.
.
.
.
Simula nun nag-alaga na ako ng mga hayop at sa kwarto ko sila lahat natutulog.Jordan pov.
Im jordan Sandoval. Best friend ng kuya ni Princess. Andito ako ngayon sa sementeryo. Dinadalaw siya.
"Hey. Di ka naman bored jan?? musta ka na?? Isang taon na din." Pagkakausap ko sa kanya habang nililinis yung lapida niya.
"Lagi ka bang nakabantay?? Tulungan mo naman ako oh. Ang hirap bantayan ng kapatid mo. Minsan dalaw dalawin mo nga. Ang pasaway eh. Pero syempre biro lang. Nakikita mo naman siguro siya diba?? Malaki na pinagbago niya. Mukang mas malakas pa nga siya sayo eh. Haha. Pero sana bantayan mo siya. kasi mukang nilalamon na siya ng galit niya." Sabi ko habang nakatitig sa pangalan niya.
Simula nung mamatay si Grey naging malungkutin na si princess. Minsan nahuli ko pa siyang sinasaktan niya sarili niya. Ayokong makitang nagkakaganun si Angela kasi parang kapatid na rin siya sakin. Minsan naman naghahanap ng mabubugbug. Siya na din ang tumayong leader namin nung nawala ang kuya niya dahil gusto niyang hanapin ang pumatay sa kuya niya. Hindi na kami tumutol dahil malakas naman siya at pareho kiming lahat ng hangarin. Ang mahanap ang hinayupak ng pumatay kay Grey.
"Tol unti unti ng nilalamon ng lungkot at paghihiganti yung kapatid mo. Natatakot ako na baka dahil dun ay danasin niya din ang kapalarang dinanas mo. Tulungan mo ako. Ayusin nating ang kapatid mo. Ibalik natin si princess."
Tinignan ko yung langit. Kumukulimlim na.
"Panu ba yan tol. Uulan ata. alis na muna ako ha. Wag ka mag-alala babalik naman ako." Sabi ko saka tumayo.