Angela's POV
Head ache stric's!!! Damn that drink. Matutulog pa sana ako kaso napansin kong wala ako sa kwarto ko. What the!!! Bat ako nasa bath tub??!!!! Pilit kong inalala yung mga nangyari pero wala talaga. Shit. Tumayo nalang ako para makapagready na may pasok pa ako. Pati katawan ko masakit. Shit lang bat kasi sa bath tub pa ako napunta eh.
Pagbaba ko sa kusina sinalubong ako ng katulong.
"lady handa na po ang pagkain." Sabi nito. Tumango nalang ako at saka nagpatimpla ng kape. I really need one right now.
Tapos na lahat lahat kaya naman nagpahatid nalang ako sa driver ko dahil di ko kayang magdrive ngayon.
Pagbaba ko ng sasakyan sinalubong ako nila Kuya Jordan at Eric.
"Hey Princess." Nakangiting bati ni Kuya Jordan.
"Good morning babe" sabi naman ni Eric. Di ko sila binati at diretsong tinanong kung sino naghatid sakin kagabe. Nagtinginan muna yung dalawa bago nagtaas ng kamay si Kuya Jordan. Dahil don binigyan ko siya ng suntok sa dibdib pero mukang hindi siya napuruhan dahin nasangga niya.
"Hey!!!! Para san yon!!??" Inis na sabi nito.
"Sino nagsabi sayong patulugin mo ako sa bath tub!! Huh?? Pwede namang sa sofa o sa kama ko kung talagang may puso ka!!" Inis na inis na talaga ako. Pagkasabi ko nun nagsalubong yung kilay ng dalawa sabay biglang bumunghalit ng tawa. shit??!! What the hell??
"Anong nakakatawa sa sinabi ko??!!"
"Princess nung hinatid kita sainyo ihiniga kita sa kama mo. Hahaha. Ewan ko nalang sayo kung pano ka napunta sa bath tub mo!! Hahaha!!" Tumatawa paring sabi ng loko. Shet na malagkit!! So that means nag sleep walk ako kagabi??!! The hell. Nakakahiya.
"Ewan ko sa inyo!!!" Sabi ko sabay talikod. Mas natawa nanaman yung dalawa dahil sa ginawa ko. Shet. Nakakaasar.
.
.
.
Hapon nanaman ibig sabihin niyan uwian na. Yung mga classmate ko exited na lumabas ng classroom namin. Siguro kung may naghihintay sana sakin sa bahay baka ganun dun ako kaexited. Hayy. Inayos ko nalang mga gamit ko at naglakad na palabas bago pa ako umiyak. Turo sakin ng kuya ko wag na wag daw akong iiyak sa harap ng madaming tao. Magiging mahina lang ako sa paningin nila.Habang naglalakad ako sa hall way nagtext si Eric may gang fight daw mamaya. Bat ba di na sila natuto. Kami na ang pinakamalakas. Ako ang naaawa sa mga kalaban namin mamaya eh.
Pagkarating ko sa may gate may inanot sakin na susi yung isang istudyante. Kinuha ko naman agad yun at pinuntahan ko ang motor sa gilid. kawasaki ninja baby!! Haha. Sinuot ko na yung helmet at pinaharurot iyon palayo. Pagdating ko sa tambayan nagreready na lahat ng mga bata namin.
"Babe magbihis ka na. Mayang 8 yung laban." Bungad sakin ni Eric
Sinunod ko naman yung sabi ni Eric. Siya ang best friend ko pero he wants to call me babe. Tsss pagkamalan pa kaming magsyota neto eh. I use my useal outfit. Black fitted jeans, black loose sando, black leather jacket at black flat shoes. Kinulot ko din ang baba ng buhok ko at pinony tail ito. Nag-apply din ako ng make up. Makapal na eye liner at black lipstick. Ganto ako mag-ayos para walang makakilala sakin.
Habang tinitignan ko sarili ko sa salamin bigla nalang may pumasok at hinagis sakin ang isang hunter knife. Nasalo ko naman agad yon.
"Itago mo baka kaylanganin mo mamaya." Sabi sakin ni Kuya Jordan. Tumango lang ako bilang sagot at itinago yun sa may paanan ko. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nang makita ako ng lahat nagsitayuan na din sila at sinundan ako palabas ng tambayan. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot agad yun. Bahala na silang sumunod.
Papalapit na ako ng papalapit sa bakanteng lote kung saan naghihintay sa amin ang grupong naghamon. Kasabay ng pagbaba ko ng sasakyan ay ang pagdating naman ng grupo ko. Tumabi sakin sila Kuya Jordan at Eric.
"Di ka din naman exited noh?" May sarkastikong sabi ni Kuya Jordan.
"Sadyang mabagal lang kayung kumilos." Sabi ko na parang bored na bored. Eh mukang hangang angas lang tong mga to eh. Tssss. Sumandal nalang ako sa harap ng sasakyan ko at ganon din ang ginawa ng dalawang kasama ko. Sinenyasan ko ang mga bata namin para sumugod. Hindi ako lumalaban pag alam kong wala namang kwenta ang kalaban.
Pagkalipas ng laban ay tanging yung boss nalang ang natitirang nakatayo. Si Eric na dapat ang lalaban pero pinigilan ko siya at saka ako naglakad palapit sa boss nila.
"Eto ba ang ilalaban niyo sakin? Babae? Wag niyo akong minamaliit dahil kahit babae pa to papatulan ko toh." Mayabang na sabi ng lalaki. Hindi naman ako nagsalita at saka ko siya sinuntok dahilan para matumba siya sa lupa. Hindi na ako nagsayang ng oras at saka ko siya sinipa sa kanyang sikmura. Nagpagulong gulong naman siya sa lupa dahil sa sakit. At dahil hindi ako marunong maawa at patuloy ko parin siyang pinagsisipa at saka ako pumaibabaw sa kanya. Sinampal ko siya ng malakas.
"ano nga ulit yung sinabi mo? Papatulan mo ako? hahaha wag ka magpatawa. baka nga kahit bata ko lang eh kaya kang patumbahin." Pagkasabi ko nun pinagsuauntok ko siya sa muka.
"tama na yan babe. Baka mapatay mo yan." Awat sakin ni Eric. Kaya naman tumayo na ako. Bago pa ako makapasok sa sasakyan ko may nakita akong lalaking nakatingin sakin. Nakasakay siya sa motor niya. Hindi ko lang makita ng maayos yung muka niya dahil sa medyo malabo ang mata ko. Hindi ko nalang iyon pinansin. baka nanunuod lang.
Walang kahit sinong makakatalo sa Silver Fang. Lalong lalo na sakin.
"Kuya nakita mo ba yung kanina? Nagbunga na lahay ng tinuro mo sakin.. mas magiging malakas pa ako. Lalaban ako hangang kaya ko kuya. Promise yan. ipaghihiganti kita."