Angela POV
"Princess balita ko nagyabang daw yung bago nating bata ah. Anong dating?" Bungad sakin ni Jordan. Ang aking kanang kamay at kuya narin.
"Bwisit nga eh. Ipamayabang ba naman ang gang natin.!!"
"Hahahaha... eh asan na siya ngayon??" Natatawa paring tanong sakin ni Kuya Jordan.
"Andun sa teritoryo ng kalaban! Puntahan daw natin kung gusto pa natin siyang makitang buhay!! Tsss ano sa tingin niya mag-aaksaya ako ng oras at energy para lang sa walang kwenta niyang buhay!!" Gigil na gigil ko paring sabi.
"Anong gang ba may hawak sa kanya"
"Eh di yung lunatic gang na yun. Palibhasa mga baliw ang myembro pati narin ang leader nila.!"
"Hahahaha... its tiger gang princess not lunatic gang.. hahaha."
"Hindi ka din naman siguro masaya dyan noh??" Irita kong sabi. Eh kanina pa kasi tawa ng tawa eh parang wala ng bukas. Akala mo naman nakadrugs.
"Ok fine. Whatever. Kayo na bahala. Iligtas niyo kung gusto niyo. Pero wag na wag na siya magpapakita sakin baka di ko siya matantya maging alagad pa siya ni satanas." walang gana kong sabi.
"Sila Eric na bahala dun. Kaya na nila yun. Tinatamad din ako eh. Bye princess.. matutulog muna ako ha. Call me if you need something." Sabi nito at naglakad na papunta sa kwarto niya. May sari-sariling kwarto ang mga matataas ang posisyon dito sa tambayan namin.
"If i know may kasama ka nanamang babae jan sa loob. And if im correct iba yan sa kasama mo kagabe. Tsss manwhore." Sabi ko sa kanya bago pa siya makapasok.
"Wala tayong magagawa dyan. Gwapo ko eh hahaha."
"There goes again. Nakakaasar na yang tawang yan ha."
Wala nanamang magawa. Haist. Hindi naman ako pwede nalang maghamon ng awat jan sa tabi tabi. Bukod sa walang nakakaalam na ako ang leader ng silver fang bukod sa mga kanang kamay ko ay iniingatan ko ang identity ko dahil madami talagang naghahangad ng trono ko. Madaming inget sa akin. Tsss. Di ko naman kasalanan kung malakas ang grupo ko eh. Pinaghirapan to ng kuya ko kaya naman hindi ko hahayaang mabali wala lang ang lahat. Hahanapin ko ang pumatay sa kanya at ako mismo ang papatay sa walang kwentang taong yun.
"hey princess." Bati sakin ng kakapasok palang na si Nathan. dalawa sila ni kuya Jordan na kanang kamay ko. Wala naman nagsasabing dapat isa lang ang kanang kamay diba?? Tsss.
"Musta yung gago??" Tukoy ko sa baguhang gumawa agad ng gulo.
"Ayos na. Binugbug muna namin bago iniwan sa tabi ng kalsada. Nga pala si Jordan??" Tanong nito na inililibot pa ang mata. Sasagot na sana ako pero bigla kaming nakarinig ng kalabog at ungol ng babae mula sa kwarto ni Kuya Jordan.
"Now you know." Napapailing nalang na sabi ko kay Nathan.
"Bar tayo mamaya ah.. dating lugar. Kita kita nalang tayo dun and wag ka na magdala ng kotse mo. Siguradong lasing ka nanaman mamaya." Sabi nito at naglakad na palabas at hindi na lumingon.
Bar huh?? Hmmm. Time to bring out the bitch inside me. Haha
Tama na muna yung pagiging nerd ko. Siguro naman may karapatan din akong magkaron ng break.Lumabas na din ako ng head quarter para umuwi. Di na ako nag-abala pang magpaalam kay Kuya Jordan. sigurado din naman akong di niya ako papansinin.
pag-uwi ko ng bahay walang ibang sumalubong sakin kundi si kuyang guard at mga katulong ko. Tsss. Hindi pa din ako sanay na mag-isa nalang sa buhay. Di ko matangap na iniwan na ako ng kapatid ko. Kaya naman ngayun ang gangmate ko nalang ang meron ako. Sila na ang tinuturing kong pamilya.
kumain, naligo at nagbihis lang ako saka umalis ulit at pumuntang light bar. Simple lang suot ko. Isang skinny jeans at hanging sando na hangang pusod ko lang. Hindi naman ako mahilig magpaganda eh
Okey na ako sa sarili ko.Pagdating ko sa bar andun na silang lahat sa isang tabe. Ako nalang ang kulang. Basta inuman at mga babae ang bilis nila. Ako lang ang tanging babae sa grupo namin. Kaya naman di ako makasabay sa mga usapan nila minsan. pagkalapit ko sa kanila hinablot ko agad ang tequila na hawak ni Nathan at tinungga ito.
"Hey. Wala man lang bang hi o hello muna bago shot?" Natatawang bati ni Kuya Jordan. Eto nanaman ang tawa niya. Hindi din talaga siya masaya noh??
"Kelangan humabol noh. haha." Sabi ko nalang saka ako kumuha ng beer.