Padabog akong bumalikwas sa higaan. Ano naman ang ginagawa ng gago na ito dito? Mangaasar nanaman yata siya e. Ganun naman kasi si Marty, pupunta dito tapos aasarin lang ako. Na para bang isa akong bata na madaling mainis.
"What?!" Pataray kong sabi sakanya.
"Kain tayo siomai,"
"Magdi-dinner na kami. Go eat by yourself," I said then closed the door.
Matapos naming magdinner ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Si manang na daw ang magaayos ng mga kinainan. At si mama namn ay aalis na kasabay si papa. As expected, may flight sila papuntang canada to find another investors. As well as Tine's mother. Our parents were busy finding investors.
Nang makapagpaalam ako sakanila at ng makaalis sila. Lumabas muna ako saglit ng bahay. Hindi naman siguro masama diba? Plano ko sana tumambay ng Narcisa kaso masyado ng madilim kaya naman nandito ako nakaupo sa labas ng gate.
"(Hello bb? Umalis nanaman sila,)"
"Oo nga eh. Nandito ako sa labas ng gate. Unwind kahit papaano, you know."
"(Ako? Nandito lang sa swing sa garden. Oh paano? Dyan ka muna ha, malolowbat na ako. See you tomorrow,)"
"Bye bb!" Atsaka ko in-end ang call.
Natawa lang yan si Tine pero ang totoo malungkot din yan. Its been 5 years kasi simula ng ganito kami. Minsan lang namin makabonding family namin. Siya may kapatid siya pero busy din. Eh ako only child, kaya kahit papaano kwits lang kami sa sitwasyon.
Maaga akong nakarating dito sa school. At una ko ng nakita si Wade kasama si Chase. They're both playing with their iphone. Dali-dali akong naglakad para di ako mapansin. Kasi naman dadaldalin lang nila ako baka ma-late ako sa usapan namin ni Tine. Magkikita pa kami sa cafeteria, at sabay kaming papasok ng room.
"Saan tayo mamaya?" Pabulong na sabi ni Tine.
"Sm coex," at nagningning naman ang mata niya sa sinabi ko.
Busy ako sa pakikinig sa lecture ng adviser namin. Malapit na din kasi ang exam kaya kelangan na nming magseryoso. Bawal na ang pa-easy easy. Baka masayang ang tuition. Kahit naman na ganito kami, seryoso kami noh.
Nasa gitna ako ng pakikinig ng maramdam kong umiisod at gumagalaw ang upuan ko. Nung una ay hindi ko pinansin. Nung pangalawa ay nag-tsk lang ako. Sa ngayon ay sinisipa na ang upuan ko, at naiinis na talaga ako. Tiningnan ko siya and I threw him my death glare. Nung una ay painosente pa siya. Pero sinipa sipa ulit niya ang upuan ko.
"Ano ba?!" Iritado pero pabulong kong sabi sakanya. Napatingin naman sa akin si Wade at Chase ganoon din si Tine.
"Ako ba yun?" Pabulong at pa-thuglife nyang sabi.
"Isa pa ha,"
Pero talagang tanga siya, at sinipa sipa pa ang upuan ko. Napapapikit na lang ako sa inis sa kanya. What the hell, men! Padabog akong umayos ng upo atsaka pinatong ang kamay sa desk ng nakakuyom ang kamao. Tinulak niya pauna at hinigit palikod ang upuan ko. Whatdapak! Atsaka sinipa sipa ulit.
"Ano ba ha!" Halos napasigaw ko ng sabi.
"Ms. Salcedo and Mr. Griev," napalingon ako sa adviser namin.
"What's the catch there?" She added.
"He kept on kicking my chair, Mam."
"No, im not." Aniya at tumingin sa kawalan.
"What did you say, you're not?!"
"Im not!"
"Ms. Salcedo and Mr. Griev. Go out,"
"But, Mam."
"Go... Out.." she said. Tiningnan ko ng masama si Marty, pero pachill lang siyang tumayo at nauna ng lumabas ng pinto ng silid.
Iritado akong namintana sa building. Nasa 3rd floor kasi kami. Siya naman ay chill na nakasandal sa pader. Nanatili lang akong tahimik at lukot ang noo. Kada titingnan ko siya ay sinasalubong niya ng nakakapangasar na ngiti ang mata ko.
"Its your fvcking fault!"
"What?! Its not my fault," aniya at tumatawa tawa pa.
"Stop laughing, you stupid!" I said.
"You're the one who shout, so its your fault."
"The hell no! Pag ako bumagsak sa exam! I will cut your eyelashes! Mark my words Marty," I said then left.
Haaayyyy!!! Araw araw na lang ba akong ganito? Alam naman niya na naiinis talaga ako sakanya. Tapos gumagawa pa siya ng dahilan. Kung di siya nag-ala kabayo kanina, edi sana nakaupo lang ako sa upuan ko at tahimik na nakikinig sa lecture. Edi sana may alam na ako sa ieexam, diba?
Kaso hindi! Lecheng Marty yan! Magkaka-wrinkles ako sa ginagawa niya eh! Pag ako talaga bumagsak. Hahanda siya sakin! Hindi talaga ako magdadalwang isip na suntukin ang pinagmamayabang niyang mukha. Hmmp! Bwiset talaga siya.
"(Saan ka? Recess na.)"
"Library ako, Tine."
Sinubsob ko ang mukha ko sa librong binabasa ko. Yes, Im studying on my own. Hindi kasi ako nakasunod kanina sa lecture. Diba nga? Pero magpapaturo pa din ako kay Tine. Nakahawak ako sa phone ko at pinaglalaruan ito. Napanguso naman ako ng mapindot ko ang gilid nito at mag-appear ang lockscreen ko. Tama si Tine, recess na. Halos tatlumpung minutos pala akong subsob sa pagbabasa dito sa library.
"Huy ano na?"
"Huy nakakainis, turuan mo ko about sa lecture ah?" Halos paiyak ko ng sabi sakanya. Tumango naman siya atsaka kami nagpunta ng cafeteria.
"Anong kakainin mo?"
"Gusto ko ng shake tsaka fries and burger," tumango naman siya at umorder ng dalawa.
Nang mailapag ang order namin. Andami palang nangyari sa room nung lumabas kami. Napag-alaman ko na lumabas daw si Chase kasunod si Wade at hindi na bumalik. Ay alam na! Usapan. Tapos lalo pa daw na-beastmode si Mam dahil hindi daw makasagot ang iba sa tinatanong nito.
"Talaga?""Oo. Takot ko nga e, baka hindi ako makasagot."
"Sus, yakang yaka mo naman e!"
Pagkatapos namin kumain, ay nagkwentuhan pa kami ng kaunti. Nagtawanan pa kami. With hampasan pa sa braso. Napagdesisyunan na namin umalis ng cafeteria.
"Uy Cha, may dadaanan lang ako ha. Umuna ka na. Kita na lang tayo sa room," aniya at ako naman ay tumango sakanya.
"Cha, kanina ka pa hanap ni Marty." Sabi sa akin ni Wade.
"Oh? Bakit daw?" Pataray kong sabi. Pero nagkibit balikat lang siya akin.
Dumiretso na ako sa room and as expected naunahan nanaman ako ni Wade. Silang tatlo ay prente ng nakaupo sa likudan ng seats namin. What do you expect? Napadako naman ang tingin ko sa seats namin, wala pa si Tine. Baka dinaanan ang bagong designs na pinasa ng isa sa mga customers niya.
"Saan ka galing?"
"Pakeelam mo?"
At bigla namang dumating si Tine. May hawak na envelope. Sabi na eh! Buti na lang dumating si Tine. Dahil kung hindi? Damn it! Mai-stress nanaman ako dito kay Marty.
◆◆•◆◆
Ayooo!
Since christmas break naman, pipilitin ko magupdate 3 days right after ng isang chapter hehe :) here's another update! enjoy guys!
◆Shikshinstar