Ikalawang KabanataUnang lingo palang ni Elaine sa Arch-Tech at masasabi niyang sobrang busy ang linggong yun para sa kanya. May project kasi silang malaki-laki at kailangan niya itong tutukan dahil siya na agad ang naatasang magdisenyo sa loob ng mga unit ng building na yun. Although dapat ay pare-parehas dapat ang design dahil mga condo units yun pero ang sabi ng may-ari ay may nakabili na sa bawat unit kaya kailangan niyang makausap ang mga taong yun para sa gusto nilang gawin sa loob ng condo nila.
"Elaine lunch time na, tara sa cafeteria." yaya ng bagong kaibigan slash ka-department niyang si Ashley. Sinave muna niya ang gawa niya sa laptop niya bago tumayo at kinuha ang bag niya.
Apat lang sila sa department nila. Siya, si Ashley, si Richie at si Roe. Mga babae silang lahat, este dalawang binabae. Nang makarating sila sa cafeteria ay nag-order sila agad saka naghanap ng mauupuan. Habang kumakain sila ay may nagsalita sa likod niya. "Can I join you guyz?" alam ni Elaine kung kanino ang boses na yun.
Masayang-masaya naman ang mga kasalo niya sa table nila ng biglang dumating si Arvinn pero tila si Elaine lang ang hindi Masaya. Naiirita siya dito dahil unang-una parati niya itong kinukumusta na tila bang may special treatment siya at ayaw na ayaw ni Elaine ang ganun. Gusto niya lahat ng empleyado dapat pantay-pantay. And pangalawa iba't-ibang babae ang nakikita niyang dumadalaw sa opisina ng boss nila sa araw-araw. At pangatlo at ang pinakahuling pinakaiinisan niya, hinabilin daw siya ng kanyang kapatid na bantayan ito dahil hindi pa niya alam kung kailan ito uuwi.
"Ang dami namang bakanteng upuan jan." bulong bigla ni Elaine pero alam niyang narinig iyon ni Arvinn dahil magkatabi lang sila ng inuupuan pero mukhang hinsi narinig ng mga katrabaho niya dahil tumatawa ito sa mga jokes ni Arvinn.
"Bakit yan lang ang kinakain mo? Don't tell me nagda'diet ka? Wala ka ng ipapayat pa Missy, ang kailangan mo magpataba. Ito kainin mo." saad ni Arvinn kay Elaine saka nilagyan ng pagkain ang plato niya. "Ano nalang sasabihin ni kuya pagdating niya na hindi kita pinabantayang mabuti." dagdag pa nito. "Kainin mo yan Missy, libre yan. Nabasa ko lang sa kung saan na mas masaya na daw ang mga babae ngayon sa salitang 'libre kita' kesa sa 'mahal kita.' Tama ba guyz?" at nagtilian at naghampasan naman ang mga ibang kasama nila sa table na yun pwera kay Elaine.
"Ano ba Boss, ganito lang talaga ako kumain!" singhal din niya dito. "At bakit ba sinusunod mo ang utos niya? Malaki na ako Boss, kaya ko na ang sarili ko. Kaya huwag mo na akong pakialaman." saad naman ni Elaine. Ganyan sila parati ni Arvinn, parati niyang sinasabi na huwag niya na itong bantayan tulad ng bilin ng kuya niya pero hindi niya sinusunod ang mga sinasabi ni Elaine. Parati itong nanjan, kukumustahin siya at minsan ay sinusundo sa bahay nila at sabay ng pumasok dahil yun daw ang utos ng kuya niya. Wala namang angal ang magulang niya dahil kilala naman na nila si Arvinn.
Alam din ng mga katrabaho ni Elaine ang tungkol sa kanya, sa fiancée niya at dito sa boss niyang parang bodyguard niya. "Alam kong malaki ka na pero dapat inaalagaan ka pa din. Diba guyz?" at biglang kinilig at naghampasan naman ang mga kasama nila sa mesang yun.
"Ewan ko sa'yo Boss. Busog na ako. Balik na nga ako sa taas, ang tagal niyong kumain." tanging saad niya saka tumayo na at nag-umpisang maglakad patungong elevator.
Natapos ang araw na yun umali-aligid pa din si Arvinn kay Elaine na tila tatakasan nito ang trabaho niya. Ala-sais medya na at nasa parking area pa din si Elaine dahil hinihintay niya ang sundo niya. Ito pa ang isa sa kinaiinisan niya minsan dahil kung sinusundo siya ni Arvinn sa umaga ay kung minsan ay nakakalimutan nitong ihatid pagkatapos ng trabaho. May trauma pa man din siya sa mga ganitong madilim na at nag-iisa siya dahil sa nangyari sa California dati, kung sa California may mga ganung tao ano nalang kaya dito sa Pilipinas diba?
BINABASA MO ANG
The Other Guy ✩COMPLETED✩ [Adult Fiction]
General FictionLimang taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang hindi niya inaasahan. Dahil sa kagustuhan ng magulang niya na ipakasal siya sa hindi naman niya mahal ay nauwi siya sa bar at naglasing kaya nangyari ang hindi niya inaasahan. At wala siyang nagawa...