Five - Aaron to the rescue

4.2K 78 5
                                    

Ikalimang Kabanata

"GOOD MORNING PHILIppines."

"Kuya?"

"A-Aaron?"

Lahat silang tatlo ay nanlaki ang mga mata dahil nangyari. Bigla namang napatapik ng kumot sa katawan si Elaine dahil ramdam niya ang mga tingin ng bagong dating na lalaki.

"Can anyone explain this to me?"  tanong ni Aaron na nakatayo pa din sa pintuan ng kwarto ng kapatid niya. "Don't tell me tama ang iniisip ko? Bro?"  tanong ulit niya sa dalawa habang nakatingin sa kapatid niyang hubad ang pang-itaas.

"Kuya no. Mali ang iniisip mo."  depensa naman agad ni Arvinn saka ito tumayo at pumunta sa cabinet niya saka kumuha ng shirt at isinuot nito. "I was sick last night and Elaine just took care of me. Yun lang kuya."  paliwanag ni Arvinn sa kuya niya.

"Okay. Relax bro, I believe you. Tsaka pareho naman kayong may mga damit pa so I know nothing happened."  saad ni Aaron saka tinapik-tapik ang kapatid niya sa balikat nito saka tumingin kay Elaine. "Hi fiancee. How are you? You look good in morning by the way."  bati niya kay Elaine na nakababa ang ulo na tila nahihiyang bata.

"He-hello."  maikli at nahihiya niyang saad dito. "Hmm alis na ako."  nahihiyang paalam niya sa mga binata saka dali-daling kinuha ang mga gamit niya na naiwan sa banyo at bag niyang nasa swivel chair at naglakad paalis sa unit ni Arvinn.

---

"Ayaw mo ba yung pagkain?"  napatingin si Elaine sa kaharap niyang binata ng magsalita ito. "Hindi mo kasi ginagalaw yung mga inorder mo. Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Do you wanna go home?"  sunod-sunod na tanong ulit ni Aaron sa dalaga.

"Busog lang kasi ako. Don't worry I'm okay may iniisip lang."  nakangiting saad nalang ni Elaine sa fiancee niya.

Yes, official na talaga. Ng kinagabihan nung insidenteng nakita sila ni Aaron sa kwarto ni Arvinn na magkatabing natulog, nagpa-family dinner ang parents nila at napag-usapan ang nalalapit na kasalan. Payag naman si Aaron dahil mukhang wala naman itong pakialam sa nga nangyayari at pumayag na din siya dahil wala naman siyang rason para humindi sa mga ito.

"About our upcoming wedding. Are sure about it? I mean hindi biro ang pagpapakasal Elaine."  seryosong saad ni Aaron sa dalaga. "Tsaka alam kong may mahal kang iba."  dagdag na saad pa nito sa ikinagulat niya. "I know you love my brother Elaine."  kung nagulat si Elaine kanina sa sinabi nito mas nagulat siya sa kasasabi lang ni Aaron.

Napayuko nalang si Elaine dahil totoo ang mga katagang sinabi ni Aaron. She loves Arvinn but she doesn't know if he feels the same at natatakot siyang itanong sa binata dahil ayaw niyang masaktan.

"I knew it! Sabi na eh. So kayo ba? Kailan pa?"  sunod-sunod niyang tanong na parang gustong malaman lahat. Napakunot lang na napatingin si Elaine kay Aaron dahil ang inaasahan niya at magagalit ito sa kanila pero iba ang pinapakita nito sa kanya.

"Hi-hindi naman kami, walang kami. He doesn't love me."  nahihiyang saad naman ni Elaine na parang nagco-confess ng nararamdaman sa mga magulang nito.

"Sometimes, the heart sees what invisible to the eye. Pareho kayong nasa indenial stage."  napatingin naman si Elaine kay Aaron na umiiling-iling habang nakatingin sa kanya habang nakangiti na may kahulugan. "I can see jealousy in his eyes when we're together. That only means that he's also inlove with you."  seryosong saad niya kay Elaine na parang pinaparangalan nito tungkol sa mga sakit sa puso. "Alam mo kung mahal mo ang isang tao, huwag kang mahihiyang sabihin ito at baka magsisi ka lang sa huli. Kaya bago pa mahuli ang lahat, ipaglaban mo na yang nararamdaman mo para hindi ka magsisi sa huli."  mahabang saad pa nito.

The Other Guy ✩COMPLETED✩ [Adult Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon