Unang kabanata
Walang nagawa si Elaine kung hindi um'oo' sa magulang nito. "Oo na Mommy, uuwi na ako." tanging sagot niya sa telepono. Ganun naman siya parati eh. Walang 'hindi' o 'ayoko' sa mga sagot siya sa magulang, parating 'OO' kasi ang sagot niya sa mga ito. Kausap niya ang Mommy niya sa telepono at tulad nga ng dati, parati siyang kinukulit na umuwi na.
"Parang napipilitan ka lang ah. Sige, huwag ka ng umuwi, jan ka na. Mas gusto mo naman jan eh, ipinagpalit mo na ang birthday ng Mommy mo sa mga kaibigan mo jan." nagtatampong saad ng mommy niya. Mag-lilimang taon na kasi siya sa California at nakapagtapos na din siya ng pag-aaral. Pero hindi pa siya nakakauwi ng Pilipinas simula ng magpunta siya doon.
Binibisita naman siya ng mga magulang nito taon-taon kapag free time nila, katulad nalang ng Christmas o new year. "Mommy, sinabi ko nang uuwi ako diba? Don't worry, I'll be there on your birthday. I'll book my ticket now if you want." saad nalang niya ulit dito dahil hindi niya kayang makipagtalo sa Mommy niya.
"Sabi mo yan anak ah. Hihintayin kita. Wala ng bawian yan. And young lady, baka nakakalimutan mo. Tapos ka na mag-aral jan, diba sabi mo dati dito ka sa Pilipinas magta-trabaho?" ungot ng mommy niya. Oo nga pala, alam pala nito ang balak niya. Close na close kasi sila ng Mommy niya na mukhang magkapatid slash bestfriend na ang turingan. Ang Daddy naman niya ang istrikto pero close din naman sila medyo nakakatakot nga lang pag nagalit ito.
"Yes Mommy I know that. Uuwi na ako for good if that's what you want." tanging saad niya. Kung tutuusin ay maganda na ang buhay niya sa California. May trabaho na siya doon at mga kaibigang maituturing. Kahit papano ay nakalimutan niya ang nangyari dati bago siya pumunta sa California pero ngayong sa sinabi ng Mommy niya , mukhang matutuloy na talaga ang balak nilang kasunduan na tinakbuhan niya dati.
"Good! Sige baby mag-impake ka na. Hihihi! I can't wait to see you again. Sige baby paparating na ang daddy mo, hindi pa ako nakapagluto. Ingat ka jan ah. Love you!" saad ng mommy niya saka na ito pinatay. Napailing nalang siyang nakangiti sa ginawa ng Mommy niya. Namiss din niya tuloy ang Mommy niya. Two weeks from now pa naman ang birthday ng mommy niya. May oras pa siyang magpaalam sa mga kaibigan at sa trabaho niya. Magsha-shopping nalang siya ng mga pasalubong para sa mga kaibigan niya sa Pilipinas at regalo ng kanyang Mommy na nakalista talaga na tinext nito sa kanya.
---
Pagkalabas niya sa airport ay naaamoy na talaga niya na nasa Pilipinas na siya. Madaming tao na nakalat, amoy polusyon at mainit. "BABYYYY KOOO!" nagulat nalang siya ng marinig ang boses ng kanyang Mommy sa waiting area. Ng makarating siya sa kinaroroonan ng magulang nito ay niyakap agad siya ng Mommy niya. "Kahit kailan talaga si Mommy oh!" tanging saad niya saka yumakap din. Hinalikan lang naman ng daddy niya ang kanyang noo saka ngumiti.
Marami pang tinatanong at nagpapakwento ang Mommy niya pero inaantok na talaga siya. "Mommy pwede bang patulugin niyo muna ako?" tanging tanong niya saka pumikit. "Ahy sorry baby. Sige matulog ka na jan." saad naman ng Mommy niya. Mas lalo tuloy sumasakit ang ulo niya sa kakasalita ng Mommy niya. Buti nalang at tumigil na din ito, saka naman siya tuluyang hinila ng antok.
Ng magising si Elaine ay madilim na sa kanyang paligid at nasa dati na niya itong kwarto. Nilibot niya ang paningin niya sa kabuoan ng kanyang silid, saka napansin itong walang pinagbago. Napangiti nalang siya dahil namiss din niya itong kwarto niya. Sumagi din sa isip niya kung pano siya nakarating sa kwarto niya. "Baka si Daddy." saad niya sa kanyang sarili. Oo nga't malakas at makisig pa ang daddy niya kaya sigurado siya na ang daddy niya ang bumuhat sa kanya, wala naman ng iba. Alangan namang si Tatay Bert? Eh mas matanda pa ng sampung taon kay Daddy yun eh. Kaya napapailing nalang siya sa naiisip niya.
BINABASA MO ANG
The Other Guy ✩COMPLETED✩ [Adult Fiction]
Fiksi UmumLimang taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang hindi niya inaasahan. Dahil sa kagustuhan ng magulang niya na ipakasal siya sa hindi naman niya mahal ay nauwi siya sa bar at naglasing kaya nangyari ang hindi niya inaasahan. At wala siyang nagawa...