Ikatlong Kabanata
Maagang nagising si Elaine dahil routine na niya iyon sa araw-araw. Para bang may sariling orasan ang katawan niya sa pag-gising sa umaga at nakaramdam din siya ng pangangawit ng leeg niya dahil sa pwesto niya na nakatulog. Nagising nalang kasi ang dalaga na nakasubsub ang mukha sa matigas na dibdib ng Boss niya na mahigpit pa rin ang yakap nila sa isa't-isa.
Inihahanda na ni Elaine sa mesa ang mga niluto niyang agahan para sa Boss niya ng bumukas ang pinto ng kwarto tanda na gising na ang Boss niya. Paika-ika itong naglakad papunta sa counter table saka ito umupo sa isang bakanteng upuan. Ng nakapwesto na ang Boss niya saka naman ito tumitig kay Elaine na nagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa.
"You look good on my shirt babe." saad ni Arvinn habang sinusuri ang buong katawan ni Elaine. Binigyan naman kasi siya kagabi ng Boss niya ng bagong shirt at boxer kaya yun nalang ang sinuot niya. As if naman may pagpipilian pa ito.
"Good morning too Boss." sarcastic na saad ni Elaine sabay irap sa Boss niyang umaatake na naman ang pagkamanyak. "Handa na ang almusal kamahalan, kumain na po kayo. At baka po pwede nyo na po akong pauwiin sa amin dahil baka nag aalala na sila sakin?" masungit na saad ni Elaine sabay lapag ng kape sa harap ng Boss niya na nakatitig pa din sa kanya.
"Okay sige. Pwede ka ng umuwi tutal okay naman na ako. Baka nga magtrabaho na nga ako mamaya na paika-ika papunta sa trabaho." sarkastikong saad naman ng Boss niya saka humigop sa kape niya. "Wala man lang awa nung taong gumawa sa'kin neto. Walang puso, walang balun-balunan, walang--". hindi na pinatapos ni Elaine ang pagda-drama ng Boss niya dahil nakakadiri ang mga sinasabi nito kaya pilit niyang isinubo ang tinapay sa bunganga nito. Kung makapagsalita kasi ito ay parang hindi lalaki. Napaka-reklamador at demanding pa ng Boss niya.
"Okay fine Boss. Uuwi lang ako at kukuha ng mga gamit ko po. Happy?" nanggigigil sa inis niyang saad sa Boss niya habang nginunguya ang tinapay na sinubo niya saka ito ngumiti ng napakatamis.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay tinawagan ni Elaine si Richie at ipinaalam dito na hindi muna siya makakapasok dahil sa katangahang nagawa niya sa Boss niya kahapon. Pinahiram naman ni Arvinn ang sasakyan nito para makauwi muna sa kanila at makakuha ng mga gamit niya.
Pababa na si Elaine sa hagdan ng bahay nila dala-dala ang isang malaking back pack at isa pang malaking bag sa balikat niya ng makasalubong ang mga magulang nito na tila nagulat sa nakita nila.
"Anak maglalayas ka na? Lalayasan mo na ba kami ng Daddy mo? Bakit? Anong nagawa namin para umalis ka anak?" sunod-sunod na tanong ng Mommy niya na tila naiiyak na. Okay na sana eh dahil naabutan ni Elaine na walang tao kanina sa bahay nila pero ngayon. Hindi niya alam kung pano sabihin sa mga magulang ang kalokohan niyang nagawa.
"Ah Mom, hindi sa ganun. Kasi--". hindi naman siya pinatapos ng Daddy niya at bigla nalang itong nagsimulang dumakdak din.
"Elaine anak. I know you're old enough para bumukod na. Nasa tamang edad ka na at may magandang trabaho, kaya naman pinapayagan kita kung balak mo ng umalis dito sa bahay natin at bumukod na. Alam kong masakit, lalong-lalo na sa Mommy mo pero naiintindihan kita anak. Ako ng bahala sa Mommy mo, basta dadalaw ka dito twice a week ah. Tsaka tumawag ka lang kung may kailangan ka. I'm gonna miss you my baby girl." lalong ngumawa ang Mommy niya sa iyak. Hindi niya alam na ganito pala mag-isip ang mga magulang niya, grabeng broad kung mag-isip. Tinalo pa ang google. Kaya naman nakanganga lang siyang nakatingin sa mga magulang niyang nagyayakapan ngayon sa harapan niyang parehas na umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Other Guy ✩COMPLETED✩ [Adult Fiction]
General FictionLimang taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang hindi niya inaasahan. Dahil sa kagustuhan ng magulang niya na ipakasal siya sa hindi naman niya mahal ay nauwi siya sa bar at naglasing kaya nangyari ang hindi niya inaasahan. At wala siyang nagawa...