A/N: Nauna na po ang author's note ko para maiba naman:D Sa mga hindi nakabasa o makakabasa sa chapter 3, naka-private po siya. May espeegee po kasi, bawal sa mga bata at mga isip bata. Sa mga nakabasa nman jan? Anong masasabi nyo? Pangit ba? Mahalay masyado? OA? Okay lang? O others? :D :D :D Medyo mahaba-haba pala 'tong chapter na 'to dahil gusto ko ng matapos at baka hanggang chapter 10 lang talaga 'tong story na 'to. Salamat sa suporta ;))
Status Update: May date ako ngayon. Cge, enjoy reading nalang.
Ikaapat na Kabanata
"Happy Beerday!" salubong ng Boss niya ng buksan niya ang pintuan ng bago niyang unit. Kakalipat lang kasi ni Elaine sa bagong unit niya na hindi kalayuan sa unit ng Boss niya. Tinulungan din siya ng Boss niyang maglipat ng mga gamit niya at mag-ayos na din. Sinamahan din siya nitong bumili ng mga furnitures sa kailangan niya. "Nakabusangot ka naman sweetheart birthday na birthday mo ah." dagdag pang saad ng Boss niya saka ito pumasok sa loob ng unit niya na may dala-dalang 6-pack na alak sa kaliwang kamay at isang box ng red ribbon cake naman sa kanang kamay nito.
"Nagpunta kasi sina Mommy at Daddy kanina dito at pinaplano na pala nila ang tungkol sa kasal namin ng ka-kapatid mo. Uuwi na ata siya sa susunod na linggo at sa susunod na buwan na ata ang kasal. Boss anong gagawin ko?" tanong niya sa Boss niya. Nagcelebrate na kasi siya kasama ang parents at mga kaibigan niya kanina. Alam niyang wala silang tunay na relasyon ng Boss niya pero ginagawa nila ang hindi dapat. Alam na din ni Elaine na gusto na niya ang Boss niya, mahal na nga ata niya ito. Pero natatakot siyang sabihin dito dahil baka hindi sila parehas ng nararamdaman at baka mag-iba ito ng pakikitungo at iwasan siya. Mas ayaw niyang mangyari yun kaya tinatago nalang muna niya. Ramdam din niyang may pagtingin sa kanya ang Boss niya pero hindi siya sigurado doon.
"Hindi ba yun naman na ang dapat mangyari sa umpisa palang?" tanong ng Boss niya na nasaktan siya. Bakit ganun? Akala niya.. Maling akala.. Yeah, marami talagang nasasaktan kapag umaasa. Maraming umiiyak dahil nag-aasume sila sa magandang resulta. Bakit ganun?
"Okay. Next week uuwi na ang kapatid mo at next month na kami ikakasal." malamig niyang saad sa Boss niya na tila nagulat din sa nalaman. Walang emosyong nakikita si Elaine sa mukha ng Boss niya at hindi niya mabasa ito. "Nagdala ka pa talaga ng cake Boss dapat pulutan nalang. Pa-order ka ng pizza at lasagna sa greenwich Boss gusto ko maglasing buti nalang madami kang dala." utos niya sa Boss niyang nakatitig pa din sa kanya. Pero hindi pa din ito kumikilos na parang ang lalim ng iniisip na nakatitig sa kanya. "Halika na nga Boss, ang weird mo. Kung matuloy man ang kasal namin ng kapatid mo. So, be with it. Pero gusto ko muna sanang makilala si Aaron bago kami matali sa isa't-isa. Ayoko naman kasing matali sa loveless marriage pero kung magugustuhan naman namin ang isa't-isa, maybe we we could continue our wedding. Hindi naman na ako bumabata, I'm in my right age to have a baby na nga eh. Oh how excited am I na magka-baby. Hihihi." mahaba-habang paliwanag ni Elaine na tila naiimagine ang mga naiisip niya habang ganun pa din ang titig niya.
Maya-maya pa ay nakaupo na silang pareho sa sahig habang magkarap sa maliit na table na may pizza, lasagna at chicharap pero parehas nilang kumuha ng tig-isa silang bote ng alak na parang uhaw sila pareho sa alak. Pero habang tumutungga sila ng kani-kanilang hawak na bote ng alak ay pareho silang walang imik na parang ang lalim ng mga iniisip nila. Dahil sa hindi naman sanay sa inuman si Elaine ay nakaramdam na siya ng hilo sa ikalawang bote palang na naubos niya "Bakit ang tahimik mo Boss? Parang ang layo ng isiisip mo Boss reach hanggang sa jupiter na ata." saad ni Elaine sa Boss niya saka ito kumuha ng isang slice ng pizza at kinain ito.
Nakalipas ang halos isang oras ay tumba na si Elaine, nakayuko ito sa maliit na mesa at mukhang tulog na habang si Arvinn naman ay inuubos ang ikaapat na bote ng alak habang nakatingin sa natutulog na dalaga. "Hey~ lumipat ka na sa kwarto mo." saad niya sabay mahinang tapik sa ulo nito at ungol lang ang sagot nito. Tinitigan muna niya ang dalaga ng mga ilang minuto. It hurts when you have someone in your heart but you can't have her/him in your arms.
BINABASA MO ANG
The Other Guy ✩COMPLETED✩ [Adult Fiction]
قصص عامةLimang taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang hindi niya inaasahan. Dahil sa kagustuhan ng magulang niya na ipakasal siya sa hindi naman niya mahal ay nauwi siya sa bar at naglasing kaya nangyari ang hindi niya inaasahan. At wala siyang nagawa...