Espeegee alert! Bawal sa mga bata at isip-bata. Read on your own risk!
Ikaanim na Kabanata
Hindi alam ni Elaine kung nasaan na sila pero wala siyang pakialam basta kasama niya ang lalaking mahal niya. Parehas silang nakapatay ang mga cellphone nila para hindi sila maistorbo. Halos limang oras na sila sa sasakyan na nagdadrive at nagugutom na din siya pero tinitiis muna niya ito. Maya-maya pa ay talagang tumunog na ang tyan niya na ikinatawa nilang dalawa.
"Bakit hindi mo sinabing nagugutom ka na? Saan mo gustong kumain?" tanong ni Arvinn sa dalaga na medyo nahihiya dahil sa nangyari.
"Kahit sa unang madaanan nating fastfood nalang. Huling kain ko pa kasi kaninang breakfast eh." sagot naman ni Elaine sa binata.
"Bakit hindi mo agad sinabi? Mag-aalasais na ng hapon pero haay! Ayun Jolibee!" pagalit na saad ni Arvinn.
Kanina kasi habang nasa byahe silang dalawa ay nakatulog lang si Elaine at nagising nalang ng magutom ito pero nahiya naman siyang sabihin sa binata. "Asan na pala tayo?" tanong niya sa binata habang naglalakad silang magkahawak ng kamay papasok sa Jolibee.
"Nasa San Fernando tayo Sweetheart." maikling sagot naman ni Arvinn sa dalaga saka sila pumila sa hindi kahabaan na pila para umorder.
"San tayo tutuloy? May kakilala ka ba dito?" tanong ulit ni Elaine sa binata.
"Mamaya na natin problemahin yan babe. Maraming resort dito kaya maghanap nalang tayo mamaya. Don't worry." kaya naman tumango-tango nalang si Elaine sa sinabi ng binata.
"Pero wala pala akong dalang mga damit. Ikaw meron ba?" tanong niya ulit.
"Wala din eh." napakamot sa batok na sagot ng binata.
"May I take your order ma'am/sir?" tanong ng crew sa harap kaya nagorder muna sila. Marami silang order na parang ilang araw silang hindi kumain. Ng maibigay ang order nila at nakahanap ng upuan malapit sa counter ay unumpisahan na nilang lantakan ang mga pagkain nila.
"Hello guyz, pwede bang makiupo muna dito? Hihintayin ko lang yung take out ko." sabi ng babae sa kanila.
"Sure." sabay nilang sagot na dalawa. Tutal pang-apat naman yung upuan nila at dalawa lang sila.
"Thank you." saad naman ng babae saka umupo na sa gilid nila.
"Narinig ko kayong nag-uusap kanina." napatingin ulit ang dalawa sa babaeng nakaupo sa gilid nila. "Bakasyonista ba kayo? Narinig ko kasi kayong walang matutuluyan?" tanong niya.
"Ah oo, sa sobrang excited namin nakalimutan naming magdala ng mga gamit namin." natatawang explain ni Elaine.
"Gusto nyong tulungan ko kayo? Actually, I own a resort hindi kalayuan dito, bagong gawa siya kaya konti lang ang mga bisita kaya kung gusto nyo dun masasahan ko kayo. Gusto nyo din bang samahan ko kayo sa mall para makabili ng mga gamit niyo?" sunod-sunod niyang saad sa dalawa. "Pasensya na naging madaldal na ata ako. Kung ayaw nyo, okay lang." paumanhin niya dito.
"Hindi okay lang. Sige dun kami sa resort mo pero bibili muna kami ng mga gamit namin. Sabihin mo nalang kung nasan yung mall dito baka kasi busy ka, nakakahiya. You know, you own a resort baka busy kang tao." saad ni Elaine ng hindi magsalita si Arvinn.
BINABASA MO ANG
The Other Guy ✩COMPLETED✩ [Adult Fiction]
General FictionLimang taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang hindi niya inaasahan. Dahil sa kagustuhan ng magulang niya na ipakasal siya sa hindi naman niya mahal ay nauwi siya sa bar at naglasing kaya nangyari ang hindi niya inaasahan. At wala siyang nagawa...