Napadilat ng mata si Tany, she doesn't remember anything..napatitig siya sandali sa kisame. Ang ceiling niya ay tila nag-iba ng itsura, napabalikwas siya ng bangon. Nasaang bahay siya ng mga oras na yon. Sinipat niya ang sarili, she felt ordinary..yun pa din ang suot niya. Inalala niya kung saan siya nagpunta at sino ang kasama niya.
'Alexis Aguilar'
"My gosh! what happened last night?" tanong niya sa sarili, she remembers na magkasama sila ni Alexis sa isang restobar. Uminom siya last night pero hindi niya alam na ganun pala kadami ang nainom niya. Napangiwi pa siya ng maramdaman ang masakit niyang ulo.
She decided to get up from the bed, mukhang kama pa iyon ng binata. The room was very manly and cozy, ang interior ay earth colors...hindi na siya nagtaka dahil mukhang old fashion ito. She even smell his male scent, nakakahiya dahil hindi niya alam kung ano ang ginawa niya ng nakaraang gabi.
She decided to go out, pinakinggan niya muna sa pinto kung may tao sa labas, mukhang wala dahil tahimik. She opened the door, bumulaga sa kanya ang napakalinis at magandang interior design ng living room.
Muntik pang mapasigaw ang dalaga ng bumukas ang front door at iniluwa si Alexis, she's like an escape cat which caught in the act.
"Hi good morning!" bati nito ng makita siya, mukhang nagjogging ito. Pawis na pawis ito at nakajogging outfit. Infairness, kahit pawis ay gwapo pa din ito at mukhang mabango.
"H-hello." alanganing sagot ni Tany at the same time she felt awkward.
"Hindi na kita ginising, mukhang masarap ang tulog mo so I just went out to have a jog..its my everyday routine." anito habang kumukuha ng tubig sa fridge.
"Ahh, its okay..nakahiya nga eh, natulog pa ako sa condo mo." she was thinking how to escape.
"No problem, we're okay na right?" nakangiti nitong tanong.
Pakiramdam ng dalaga ay tila matutunaw siya sa ngiti nito. "Ha? ahh.." she was conscious, not even aware how she looked like.
He chuckled with amusement. "You can have a shower, I'm sure medyo masakit ang ulo mo..I'll make you some coffe." offer nito.
"Ha? hindi na..I'm fine."
"I insist, this is my house and yiu're my guest..you can use my sister's clothes nasa kabilang kwarto."
"You have a sister?"
"Yep! a younger sister but she's married five months ago..she used to stay here dati kaya may mga damit siya diyan..feel free to choose."
Nahihiya man ay sumunod na din ang dalaga; kaysa naman humarap siya dito na amoy alak pa from last night.
***
Alex was really amuse, kanina lang ay kausap niya si Stephy about Tany
natutuwa naman siya dahil pinagkatiwalaan siya nito. Kung tutuusin kagabi pa lang ay ito na ang dapat sumundo sa dalaga but then he can't understand himself why he insist na sa bahay niya na lang dalhin ang dalaga dahil lasing na ito. Maybe he is just overwhelm with the thought na nagshare ito sa kanya ng nararamdaman nito knowing that they barely know each other at masungit pa ito sa kaniya.
He decided to cook for their breakfast, iyon na lang uli ang araw na magluluto siya kadalasan ay sa coffeshop na lang siya nag-aalmusal.
He still remember what happened last night, nakatulog na ito sa kotse sa sobrang lasing. Nagpatulong pa siya sa guard para maikyat ito sa unit niya.
"Boss, himala may iuuwi ka na sa unit mo." biro ng guard na kaclose niya na rin.
Nakabakay sa kaniya ang dalaga habang umaalalay naman ang guard. "Loko ka talaga, kaibigan ko lang ito.."
YOU ARE READING
When She met Mr. Adonis (Completed)
ChickLit"I did love from the past but I never felt this before, it is something that I wanted to keep from the day I first saw you and today that you're infront of me." Tanya Amorilo grew up from a well- known family, she has career, fame and beauty but t...