hello guys!!! thanks for reading this story...you can send me your comments, i would like to know you and talk with you like a new friend... ^_^
Nakagown pa si Tany ng bumaba sa kotse niya, sinalubong siya ni Emer; mukhang nagtaka pa ito ng makita siya na ganoon ang itsura.
"Mam good evening po." Bati nito
She scanned the place, walang tao at ang cabin lang sa di kalayuan ang nakabukas ang ilaw. Sarado ang office ni Alexis at ang pottery barn katabi ng personal cabin ng binata ay mukhang wala ring tao.
"Can I talk to Alexis? Nandyan ba siya?" worried niyang tanong.
Napakamot ito sa batok. "Naku mam, ang alam kop o nagpunta siya sa party hanggang ngayon po hindi pa siya bumabalik."
She bite her lower lip impatiently, she's going to get crazy to think that he was with Bianca. "Can I wait for him?" pakiusap niya.
"Eh mam, sigurado po ba kayo?" muli siya nitong tinignan mula ulo hanggang paa.
She desperately nodded. "If you still remember, it's me Tany."
"Sabi ko na nga ba eh, kayo ho yung babae na may picture na nakasabit sa kwarto ni boss saka yung cover photo ng cellphone niya at laptop niya." Natutuwang pag-alala nito.
Napangiti naman ang dalaga. "Can I come in?"
"Oo naman po mam, kung gusto niyo po hintayin niyo si boss sa cabin niya, may susi naman po diyan." Inalalayan siya nito papasok. "natawagan niyo po ba si boss?"
"Unattended siya eh, pero nag-iwan na ako ng voice message sa phone niya."
Korean inspired style ang pagkagawa ng cabin at personal pottery barn ni Alexis. Gawa sa bamboo at mangroves ang floor at ceiling...sa loob ay simple ang maliit na living area na may bachelor couch at flatscreen tv. Napangiti pa ang dalaga ng makita ang lifesize na painting ng mukha niya na nakasabit, sa isang divider ay ang family picture ng binata na nakalagay sa frame, mga ilang pictures nito na kasama ang mga barkada at adventures nito.
"Mam okay lang po ba kayo dito?" biglang sulpot ni Emer.
"yeah, thank you Emer." Anang dalaga
Sumulyap si Emer sa painting niya na nakasabit sa dingding. "Kayo po talaga yan mam." Anitong medyo nahihiya pa.
"Hindi ko nga alam na painting pala ako ditto, kailan pa ito?"
"Nung dinalaw si boss ng kaibigan niyang pintor galing Baguio, mga dalawang buwan nap o yan diyan, dalawang oras lang yan pininta."kwento nito.
Tumago- tango ang dalaga. "Talagang mag- isa lang siya dito?"
"Opo, dati bodega lang ito ng mga nasirang banga tapos nung pinasya ni boss na mag-stay dito pinagawa niyang kwarto niya."
"Hindi ba siya umuuwi sa kanila?" tanong ng dalaga.
"Eh minsan po kapag wala yung kapatid niya si mam Hannah, kasi nakatira sila mam sa bahay nila para may kasama si Madam." Saglit itong tumayo.
"Oh bakit saan ka pupunta?"
"Kukuha lang po ako ng pagkain, baka nagugutom po kayo." Very hospitable na turan nito.
Muling naiwan mag- isa ang dalaga, saglit siyang tumayo para silipin ang pottery barn ni Alexis, katabi lang iyon ng living area...sliding door lang ang pagitan.
Napaka-cozy niyon, may built-in na divider kung saan nakadisplay ang iba't ibang ceramics at life size jars na may iba't ibang designs at kulay.
"Naririto lang pala kayo mam." Biglang sulpot ni Emer
ESTÁS LEYENDO
When She met Mr. Adonis (Completed)
Chick-Lit"I did love from the past but I never felt this before, it is something that I wanted to keep from the day I first saw you and today that you're infront of me." Tanya Amorilo grew up from a well- known family, she has career, fame and beauty but t...