BEA POV:
7:00 AM:
Kagigising ko lang, pero pag gising ko wala si jake, baka maaga siyang nagising tapos bumaba na.. Bumangon na ako at nag punta sa cr para maghilamos at mag toothbrush, after nun ay bumaba na ako at nag punta sa kitchen, parang my nag luluto kasi baka si jake..
J'Mom: oh nak gising kana pala, teka patapos na tong niluluto ko, si jake ba tulog pa?
Bea: ahm yun nga po yung itatanong ko, kasi pag gising ko po wala siya
J'Mom: wala ba sa kwarto niyo? Naku baka dun na naman natulog yun sa kubo dun sa labas
Bea: sa kubo po? Bakit po?
J'Mom: ah kasi dati tuwing umuuwi si jake dito sa olongapo lagi silang nagkakainan at nag kwekwentuhan dun sa kubo at minsan dun na yun sila natutulog.. ahm hindi lang pala minsan palagi pala.. pero kadalasan hindi mga natutulog yung mga yun kaya pag dating ng umaga mga tulog sila
Bea: ganun po? Baka nga po dun na sila nakatulog
J'Mom: siguro nga, oh halika na kumaen na tayo, si benjie ba gising na?
Bea: nung bumaba po ako tulog pa po siya
J'Mom: ah oh cge kumaen na tayo..
Umupo na kame ng kakaen na sana ng dumating ung pamangkin ni jake..
Karl: lola, tita bea..
J'Mom: oh apo bakit?
Karl: ahm lola pinapasabi po ni mama na andun po si tito jek sa kubo kasama si tito denise, baka daw po kasi hinahanap niyo
J'Mom: ah ganun ba apo? Oo alam ko na andun si tito mo, oh halika na sumabay kana din kumaen samen ng breakfast
Karl: ahm hindi na po lola, kumaen na po ako ng breakfast sa bahay, tska papasok na din po ako sa school
Bea: ganun ba, teka my oreo kameng dala eh ibaon mo na lang yun para pag nagutom ka my makaen ka..
Karl: ay, thank you po tita bey
Kinuha ko na yung oreo biscuit at binigay ko na kay karl..
Bea: ahm pag gising na si tito mo sabihin mo kumaen na siya ng breakfast
Karl: cge po tita
palabas na si karl ng bahay ng dumating si jake..
Jake: oh karl papasok kana sa school?
Karl: opo tito, ahm tito sabi ni tita bea kaen kana daw ng breakfast
Jake: ah cge...
Bea: oh mahal andyan kana pala..
J'Mom: kumaen kana dito anak, karl aalis kana ba?
Karl: maya maya po onti, bakit po lola?
J'Mom: eh sasabay na ako sayo, bibili ako ng ulam para mamaya..
Karl: cge po daan niyo na lang po ako sa bahay
J'Mom: cge, anong gusto mo na ulam jake, bea?
Jake: ahm ako na lang po magluluto mamaya mama, mag ihaw po tayo
J'Mom: oh cge, ano bang bibilihin?
Jake: ako na lang po pupunta sa palengke.. ihahatid ko na din si karl