Chapter 16.2.2

191K 2K 49
                                    


WARNING: SPG

Chapter 16.2.2 (Continuation)

JANELLA RAYNE's POV

Nang makaakyat kami sa tree house ay may kung ano pa siyang dinukot sa kanyang bulsa at iyon naman pala ay susi. Binuksan niya ang wooden door ng bahay-bahayan niya sabay pindot sa switch na nasa gilid ng pinto. Tumambad sa akin ang cute na kwarto. May maliit na bed sa isang side at maliit na sofa. May mga laruang robot ding nakapaikot sa kabuuan ng tree house at hindi ko maiwasang mapangiti dahil parang isang batang Dalton ang naiisip ko ngayon.

"Welcome to my humble abode." Nakangiting sabi pa niya sabay kindat.

"It's cute." Tuluyan na akong pumasok at naramdaman ko ang lamig sa loob.

Lumapit siya sa may bintana at itinodo ang bukas niyon. Pero kahit pa ginawa niya iyon ay hindi ko pa rin makita ang labas dahil sa kapal ng mga dahon ng puno. May pumasok na mahinhing simoy ng hangin at talaga namang nakakarelax ang dating. May maliit ding veranda na nakapaikot at parang bahay na rin ang hitsura ng tree house niya. "May CR?"

"Wala." Napakamot pa siya ng ulo sabay ngisi. "Ilalawit ko lang naman sa may veranda ay okay na."

Agad na nag-init ang pisngi ko sa kanyang sagot at sinapak ko siya sa dibdib! Bastos talaga! Napahagalpak naman siya nang tawa at hinimas ang sinapak kong dibdib niya.

"Every guy does that, pumpkin. I am no different to any of them." Natatawa pa ring sabi niya at napairap na lang ako. Ibang klase talaga!

"Mukhang malinis pa rin a. Nalilinisan mo?" Pag-iiba ko pa.

"Yup. Ikaw pa lang ang babaeng dinala ko rito. Kahit si mama ay hindi ko pa napaakyat dito kahit gusto niya." Naupo pa siya sa bed habang titig na titig sa akin. Gusto kong kabahan dahil kahit pa sabihing may bintana ang tree house ay wala ka pa ring matatanaw sa labas.

"Bakit naman?" Tangka sana akong uupo na lang sa may sofa pero naagapan niya ang aking kamay at hinila ako paupo sa tabi niya.

"Ayoko lang. Bawal ang kahit na sino dito. Kahit noong bata ako ay walang allowed na makapasok dito."

"Kahit mga barkada mo?" Pumaling ako sa kanya at parang may lungkot ang kanyang mga mata.

"Yup." Bahagya pa siyang tumango sabay haplos sa aking pisngi.

"Hindi ko yata masyadong na-enjoy ang kabataan ko since only child ako." Isinandig pa niya ang dalawang kamay niya sa bed at napabuntong-hininga. "It's not easy to be a Samaniego. Ang daming expectations." Mapait pa siyang napangiti. "Growing up is not easy for me either. Papa is tough on me. He pushed me into my limits. He wanted me to excel in everything. And it stressed me out." Malalim lang ulit siyang napahugot nang buntong-hininga. "At kapag gusto kong magtago sa kanila ay dito ako pumupunta. Alam nilang kapag nandito ako ay walang puwedeng umabala sa akin."

"Nagawa mo 'yun?"

"I am a crazy boy, pumpkin. I threatened them that I'll jump kapag pinilit nila ako."

"Natakot sila ng ganun lang?"

"Because I did jump, pumpkin." Umismid siya at nagtaas ng isang kilay.

"Huh? Baliw ka na ba?" Kumunot ako at napahagalpak lang ulit siya nang tawa. Gayon pa man ay bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Nasalo lang ako nung isang security ni papa n'ung pagtalon ko. After that, hinayaan na nila akong gawin ang gusto ko sa loob ng tree house ko na 'to basta 'wag lang daw ako tatalon ulit."

TAC Private ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon